23

250 10 24
                                        

Magulo pa rin ang isip ko sa lahat ng nangyayari. Akala ko ganoon lang kadali, na aalis ako sa amin, na nakawala ako sa pagkakatali kay Maverick— akala ko pwede na akong magsimula kasama si Ascari. Pero ang hirap din pala.

Mula sa pagkakatali ko sa bahay wala rin akong mapuntahan. Ascari is a good man, what he did for me was enough reason to marry him right away. But I don't want that even though he asked me few times since I runaway from home. 

I wanted freedom. I want to be free with the feeling that I need to consider someone else everytime. Ascari doesn't make me feel like I am obligated of him everytime but if I will marry him or decide to really live with him, it's like caging myself again in a never ending consideration of other first before myself.

"Nana, inatake sa puso ang papa mo. Gusto ka niyang makausap. Ang sabi ng mga kapatid mo ay kung pwede ba raw na umuwi ka na."

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Yaya Lottie sa tawag niya kanina sa cellphone ni Ascari. Nakawala na ako— mas mabuti na ang lagay ko na kasama si Ascari. Ayaw ko ng bumalik pa sa mga naranasan ko noon. It was so painful to even think of— the emotional abuse, physical abuse, the neglect— everything.

"If you want to visit him, I will come with you, Nana. I'm here..."

Ascari is at my back, hugging me. Kanina pa ako tulala sa sala nila. Narinig niya rin ang usapan namin ni Yaya Lottie. I didn't cry, I wasn't emotional even a little. Parang tumigil lang ang utak ko sa pagproseso ng lahat.

"I want out, Ascari. Ayaw ko na..."

"You don't wish to see him? Check on him?"

Umiling ako. I was a giving child. I always make it up to serve even though it means I am losing something from inside me. Ngayon tama na siguro?

Bakit pa ako pupunta? Bakit pa kami mag-uusap? Bubuti ba ang lagay niya? Kung bubuti naman, ano na ang susunod? May magbabago ba? Will he treat me how he should have treated me long time ago?

Hindi ako galit, parang lumipas na iyon sa loob ko. Gusto ko nalang talagang kumawala.

Naisip ko ang pag-aaral ko. May isang buong taon pa ako. Inaya ako ni Ascari na tumuloy nalang sa maynila, he wanted me to stay to the condo he bought for us habang siya sa mga magulang niya muna. He said he will going to support my studies for a year habang hindi pa available ang scholarship sa Africa. It's a really tempting offer, wala akong magiging problema. But he is just my boyfriend, he has no responsibilities to me on that part.

If I will be honest I don't want to rely on him. Natatakot akong maging dependent sa kanya at ako ang mahihirapan sa huli.  Umalis ako sa poder ni Papa para sa kaginhawaan ng loob ko,  at kalayaan. Ascari doesn't suffocate me but he eventually will if I depend on him.

"Call me if you want to come home. Susunduin kita. Kahit anong oras, Nana."

Hinalikan niya ako sa noo bago kinalas ang suot na seatbelt. Nilagay niya sa bag ko ang cellphone niya. Hindi ko rin kasi nabawi ang cellphone ko mula kay Papa.

"You know you don't have to do this. Kaya kitang suportahan. I'll pay for your tuition—

Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya sa pagsasalita. "You're my boyfriend, Ascari. You don't have financial responsibilities to me. Kaya ko naman."

I contacted Tanya yesterday. Kailangan ko ng trabaho and luckily may vacant ang cafe ng mom niya. I will work full-time whole summer, kapag may pasok na ulit I'll part time with them at tatanggap ako ng tutorials. Sisikapin kong panindigan ang sarili ko, kakayanin ko. Isang taon lang naman.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon