"I lost the other pair, baka naiwan ko sa Maynila. Don't worry, kapag nakita ko ibibigay ko rin sa 'yo."
Napatingin ako sa hikaw na nasa palad ko bago muling bumaling sa kanya. Nakasandal na siya sa upuan at nilalaro ang bote na wala ng laman sa mesa.
"Ah, ano kasi—
"Keep it, ayos lang."
Keep it, ayos lang?
Sigurado siya? The earring looks so expensive.
"Magkano 'to?"
Mabilis siyang lumingon sa akin na parang may balita akong nakakagulantang. Bahagyang napaawang ang labi niya— puno ng pagkamangha ang mga mata. Kinagat ko ang dila ko, nakakahiya ang tanong ko. Masyado yata akong lantaran?
"I mean kasi ano—
"It's not fake. It's a real diamond. I didn't bought it kaya wala akong ideya kung magkano. But if you are familiar with Lafayette's, that's one of their collection."
Mali siya ng akala! I didn't mean it that way. Napahawak ako sa pisngi ko, uminit iyon at kapag nanalamin ako alam ko na kahit maitim ako namumulahan ako ng mukha. Dapat kasi tinago ko nalang at nagpasalamat.
"Allergic ka ba sa diamond?"
I am not but to save face I nodded. Nakakahiya! Pero hindi naman niya siguro malalaman, ano? Baka nga bukas o mamaya hindi na niya maalala.
"Oh," tila nalinawan siya. Walang pasabi niyang kinuha sa kamay ko ang hikaw. "I have a gold one upstairs. Sumama ka sa Samal bukas ibibigay ko sa 'yo. Unless..." He trailed off.
"Allergic ka rin sa gold?"
Umiling ako. Wala akong allergies— kahit sa seafood o peanuts. I can eat anything and everything. Pero dahil sa nasabi ko na kanina ang tungkol sa diamond papanindigan ko nalang.
"Diamond lang."
Mahina siyang natawa. "They're so wrong when they say diamond's girls bestfriend, huh."
Napanguso ako. Paano ko pa babawiin 'yan? Baka makarating pa kay Maverick.
Buong pag-uusap namin umikot sa "allergies" ko sa diamond. Manghang-mangha siya dahil ngayon niya lang iyon narinig. Wala akong ideya kung may mga tao bang allergic talaga sa ganoon pero ako wala talaga. Ayaw ko lang na ma-offend siya kanina kapag tinanggihan ko.
Ang sabi niya nasa collection iyon ng Lafayette's— eh, alam ko ang brand na 'yon. Paborito ni Dorothy. Isang buong tuition ko na sa St. Mary's ang isang piraso ng hikaw sa kanila. Kung para sa kanya wala lang iyon ay sa akin malaking bagay. Ngayon lang kami nagkakilala, hindi ko rin masabi kung magkaibigan ba kami— uusigin ako ng konsensya ko kung tatanggap ako ng ganoong regalo mula sa kanya.
Tanghali na nang magising si Maverick kinabukasan— ipinagpaalam ako ni Uncle Luis na sasama sa Samal at pumayag si Papa. Akala ko ay hindi na rin matutuloy dahil masama ang pakiramdam ni Maverick buong umaga pero nang bandang hapon ay bigla niya akong inaya na aalis na.
Tatlong araw lang kaya nag-empake lang ako ng ilang damit. Wala akong panlangoy— nagdala nalang ako ng t-shirt at maiksing maong short. Dagat naman 'yon, pwede na rin siguro.
Hinatid kami ng driver nina Maverick hanggang sa bahay lang ng mga San Jose tsaka kami sumabay sa kanila at nagpahatid sa daungan papunta sa Isla. Kami lang lima ang sumakay sa bangka kaya walang kapatawaran ang ingay ng kwentohan. Kami lang yata ni Ascari ang wala sa mood na magsalita.
Sinasali ako ng tatlong pinsan ni Ascari sa kwentohan nila pero halos wala akong masagot dahil tungkol sa crush nila ang usapan.
"Ikaw Nana, may crush ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/337512531-288-k187732.jpg)
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.