27

242 9 2
                                        

No text. No call. No apologies.

No I'm sorry, Nana for my sudden outburst.

Wala akong narinig kay Ascari sa loob ng ilang linggo. May mali ako at handa akong bumawi, sinabi ko naman kaagad sa kanya at hindi na pinatagal pa. He can be mad, karapatan niya 'yon, damdamin niya. Pero ang eksena namin sa kainan? Dapat hindi nangyari 'yon.

He was always gentle to me tapos ganoon pala siya magalit? Nakakagulat na nakakadismaya. May pagkukulang ako pero...

Nawala ako sa isipin ko nang may maglagay ng makapal na libro sa harap ko. Sa library na ako at wala na sa cafe. Dumating na ang allowances ko mula sa foundation at maganda na kahit papano ang takbo ng lahat sa akin maliban nalang sa wala akong naririnig mula kay Ascari. Nakailang text at tawag ako pero wala akong nakukuha mula sa kanya. Hindi ko nga alam kung kailan siya bumalik sa Manila.

"Return," kuha ng estudyante sa atensyon ko.

Napating ako sa likod ng estudyante na pina-process ko ang return book. Napahinga ako ng malalim na makita si Maverick. Pagkatapos ng usapan naming dalawa palagi siyang nagpapakita sa akin, hindi sumusubok na kausapin ako pero palagi lang nandiyan kung nasaan ako.

"Okay na," sabi ko sa estudyante tsaka nilagay sa cart ang libro para maibalik ko mamaya sa shelf.

"Hihiramin ko," sabi ni Maverick sabay patong ng tatlong librong hawak niya.

Tinignan ko isa-isa. Dalawang science fiction at isang romance novel. Napataas ang kilay ko. Kailan pa siya nahilig sa ganito?

"Maganda raw 'yan. Hinanap ko sa bookstore walang stock kaya hinanap ko rito. Mabuti at meron," sagot niya sa tanong na nasa isip ko.

Inayos ko lang ang slip at tinulak pabalik sa kanya. "Okay na," sabi ko na hindi pinansin ang sinabi niya.

"Nana—

"Nasa trabaho ako, Mav. Huwag kang manggulo."

"Mangungumusta lang naman ako. Narinig ko na hindi maayos ang lagay ni Uncle Lazaro. Hindi mo ba siya nadadalaw? Nasa hospital pa rin siya, ah."

Nakuha niya ang atensyon ko. Wala na akong narinig mula sa kahit sino sa GenSan. Matigas na ako sa kanila, kumawala na ako ng tuluyan pero hindi ko hiniling na mapasama si Papa. Ilang buwan na ang nakalipas, hindi pa rin siya nakakalabas?

"Sinong nag-aalaga sa kanya?"

"Hindi ko alam, eh. Pero nandoon si Antonio pati si Lucas at Aidan para tumulong sa negosyo niyo. Medyo may problema kasi mukhang kinalas ng Papa ni Dorothy ang shares niya. Sorry, Nana. May kasalanan din ako."

Wala akong panahon para intindihin ang pagsisisi niya. Tumayo ako nang makuha ko ang cellphone sa bag. Lumabas ako sa library. Kumirot pa ang puso ko na makita ang picture namin ni Ascari sa homescreen. Nanginig ang kamay ko na tumawag kay Yaya Lottie.

Lalo napupukaw ang tension sa akin nang hindi sumagot si Yaya sa unang tawag. Sumubok ulit ako. Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay marinig na ang boses ni Yaya.

"S—si P—papa po kumusta?" Marahas ang ama ko sa akin pero ayaw ko siyang mawala. Nawalan ako ng pag-asa na magbabago pa ang pakikitungo niya sa akin pero may kaonti pa sa loob ko na hinahangad na sana... Sana... Bago siya mawala matawag manlang niya akong anak.

"Nana, hindi ko masabi sa tawag..." halata ang lungkot sa boses ni Yaya. Ayaw niyang magsalita o may nagsabing huwag niyang ipaalam sa akin.

"Yaya please. Gusto ko lang magtanong."

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon