17

236 10 14
                                        

Nakakatuwa asarin si Ascari, nalaman ko na nagiging madaldal siya kapag iritable o naaasar, kapag tuwang-tuwa naman natatahimik. Ang dali niyang basahin sa paglipas ng araw. Pumayag na rin ako na lumipat kami sa mas malaking kubo, may sariling banyo at kusina pero isa pa rin ang kwarto at medyo malaki na ang dalawang higaan.

"Shit, Nana," ungol niya matapos maghiwalay ang labi naming dalawa. Nakapatong ako sa kanya, kakagising lang naming dalawa. "You're testing every nerve I have."

Wala namang nangyayari sa aming dalawa, hindi pa ako handa at matindi rin naman ang pagpipigil niya. I am not this thirsty but with Ascari, hindi rin ako magsawa na makipaghalikan gaya niya.

"Kailangan na nating lumabas ngayon kundi mababaliw na ako," sambit niya habang hinahalik-halikan ako sa pisngi pababa sa leeg. "Langoy tayo, kailangan ko ng tubig."

Tinulak niya ako sa tiyan para umalis sa taas niya. Nagpapabigat ako dahilan para mapaungol siya. Napapikit pa. Napagulong ako paalis sa taas niya nang may sumundot na matigas sa binti ko.

Napaupo ako at ganoon din siya. Kunot-noo akong napatingin sa bulsa niya na may malaking nakaumbok.

"Anong meron sa bulsa mo? Ang sakit ha," sabi ko habang hinihimas ang binti ko na natamaan ng kung anumang tinatago niya.

Napahawak siya malapit sa bulsa niya. Napalunok ng ilang beses, may butil din ng pawis ang namuo sa noo niya. Akmang hahawakan ko ang bulsa niya nang mabilis siyang umalis sa higaan.

"Damot nito, patingin!"

"You wouldn't want to," tugon niya sabay takbo papasok sa banyo. Bago masara ang pinto ay sumilip siya.

"Nagpabili ako ng swimsuit mo. Nasa mesa sa kusina. There's few choices. May tatapusin lang ako, magbihis ka, lalabas tayo."

I am up to doing the things I am not confident of for the weeks that I am with Ascari. There's conservative to most revealing swimsuit in front of me, I pick the latter. It's an olive green bikini that hide less and reveal so much of my skin.

Ascari gave me the freedom to use his things so I take the opportunity and get one of his white t-shirt to make as a cover up. I didn't wear any shorts. Balak kong ipangalandakan ang katawan ko mamaya. It will be my first time, at kung noong isang linggo mamamatay muna ako bago gawin 'yon ngayon pakiramdam ko kayang-kaya ko.

Nagbabasa ako ng libro nang lumabas si Ascari mula sa banyo. Mukhang naligo dahil sa basa niyang buhok, nakasuot na siya ng board shorts at walang kahit anong damit sa taas. Binaba ko ang libro para pagmasdan ang katawan niya. Napataas ang kilay ko matapos bilangin ang tatlong pares niyang pandesal, nagsusumigaw rin ang v-line niya pati ang braso at balikat.

"Nana, please!" ungol niya na naman.

"What? Anong ginawa ko?"

Ofcourse, I know. Nang-aasar lang talaga. I appreciate his body, wala akong makitang mali doon but apparently it's making him uncomfortable.

"Sumasakit na talaga kamay ko. Tatlong araw ka na," magulong sabi niya sabay pasok na naman sa banyo.

Anong problema n'on?

"Seriously?" Napasinghap siya nang hubarin ko ang t-shirt na suot at ilapag sa mesa katabi ng lounger na hinihigaan niya. Nasa pool kami ng resort, gusto niyang magpahinga dahil pagod siya sa hindi ko matukoy na dahilan.

"Nana, seryoso ka talaga ngayon? Ang sakit na ng kamay ko sa totoo lang."

Kinunotan ko siya ng noo. Yumuko ako para abutin ang sunscreen. Napaiwas siya nang tingin sabay bagsak ng katawan pahiga pabalik sa lounger. Napaungol siya habang tinatakpan ng braso ang mga mata.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon