11

219 11 15
                                        

"Gago ka talaga!"

Napatayo rin ako nang mapatayo si Maverick matapos murahin si Ascari. Natapunan pa ng tubig ang pantalon ko mula sa nasaging baso ni Mav.

"Gago ako? Atleast hindi nagpapaawa para magustohan."

Naipit ako sa gitna nila nang humakbang si Maverick para lapitan si Ascari na hindi gumalaw sa kinatatayuan niya sa likuran ko.

"Mav, please. Alis nalang tayo," makaawa ko sa hiya na maraming nakatingin.

I don't understand why they suddenly became heated with each other. Magkaibigan sila— walang nakwento si Maverick na napag-awayan nila. Nasa Manila si Ascari, nasa Davao si Maverick, wala silang interaction ngayon nalang ulit.

"Tangina mo, Ascari!" Dinuro ni Maverick si Ascari— hinawi pa niya ako patabi nang subukan ko siyang harangin.

Naramdaman ko ang katawan ni Ascari na nasa likuran ko, nakaalalay sa siko ko ang kamay niya. Gusto ko siyang lingunin pero nag-aalala na ako sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Maverick.

"Wala ka na bang masabi, Mav? Kahit anong mura mo sa akin alam natin pareho kung anong ginagawa mo."

Hinila ko ang kamay palayo kay Ascari. Bahagya ko siyang nilingon, nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya.

"Ang yabang mo pa rin talaga. Akin na gusto mo pang makuha?"

"Mav—

"Sa 'yo kasi nagpapaawa ka."

"Putangina mo talaga!"

Napasubsob ako sa mesa nang malakas akong hawiin ni Maverick. Napasinghap ako sa bilis ng mga sumunod na pangyayari— nakaupo na sa bermuda si Maverick habang nakataas sa ere ang nakakuyom na kamay ni Ascari. Mabigat ang paghinga ng huli— namumula ang ilalim ng mga mata habang naninigas ang panga.

"Ascari, b—bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"He fucking shove you, Nana," madiin niyang sambit.

Binaba niya ang kamay, akmang hahawakan niya ako sa siko nang umatras ako palayo sa kanya. Maya-maya pa ay lumapit na si Talia sunod ay si Tita Paris. Nang hawakan ni Tita sa balikat si Ascari ay winaksi niya lang iyon. Isang mapait na ngiti ang binigay niya sa akin at tumalikod na deretsong pumasok sa bahay nila.

Tinutupok ako ng hiya ko sa mga matang nakamasid sa amin habang dinadaluhan ko si Maverick. Napahiya ako lalo nang itulak niya ang kamay ko nang subukan kong hawakan ang sugat sa gilid ng labi niya. Tumayo siya at sinamaan pa ako ng tingin.

Tumayo na rin ako. Nagmadaling umalis si Maverick, humabol na rin ako na hindi manlang nagpapaalam. Halos sabay lang kami ni Maverick na makasakay sa kotse niya— inantay pa niyang makapasok din si Dorothy at Cassidy bago mabilis na nagmaneho pauwi ng Fuerteventura.

Napahawak ako sa strap ng seatbelt sa bilis ng pagpapatakbo ni Maverick ng kotse. Napapapikit ako sa tuwing malakas na lumalagabog ang kotse sa bawat lubak na madaanan. Pigil ko ang paghinga ko, gusto ko siyang sigawan at awayin pero nagpigil ako at baka maaksidente pa kami.

"Baba, Nana!" bulyaw niya sa akin matapos halos baklasin niya ang pinto ng kotse sa gawi ko. Nang hindi ako kaagad nakagalaw ay hinila niya ako pababa.

Nakakaladkad niya ako papasok ng bahay nila. Ang mga katulong na pasalubong sana at nagsiiwas sa daan. Hinila niya ako paakyat sa kwarto na tinutulogan ko. Nang itulak niya ako ay kamuntik pa akong mapasubsob sa lapag.

I can feel my heart on my throat. I appreciate Maverick, every single effort he exerted. But right now, seeing him acting like my father, I can't help but hate him.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon