Nagsimula ng ipadala ang invitations para sa birthday— engagement namin ni Maverick. Sa bawat araw pareho sila Ascari na nasa bahay. Ramdam ko na nagpipigil lang si Ascari ng emosyun sa tuwing sadyang nang-iinis si Maverick— pinapamukha niya kay Ascari na siya ang gusto ni Papa.
"Saan na titira si Nana pagkatapos ng kasal sa susunod na taon?" tanong ni Lucas. Ilang araw nalang at ang araw na ng party, nagsiuwian lahat ng kuya kasama ang kani-kanilang pamilya.
"Saan pa ba? Sa Davao syempre," si Kuya Antonio ang sumagot.
Sinulyapan ko ang reaksyon ni Ascari na nasa kabilang dulo ng mesa. Inimbitahan siya ni Papa na sumama sa pagkain bilang pasasalamat sa pagiging hands-on niya sa catering. Napataas ang kilay ko na mapansing nasa ilalim ng mesa ang isa niyang kamay at nakatuon din doon ang mga mata niya. Sa gitna ako ng pag-iisip kung anong ginagawa niya nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ilalim ng mesa.
Ascari:
Sa Davao ka talaga titira pero sa San Jose. Ang baba ng Fuerteventura, laging may landslide. Mainit pa ang lugar, hindi rin masarap prutas mula sa kanila. Ang may-ari kasi hinahayaan lang magputol ng puno ang mga tao, tapos ang pangit ng lupa. Malawak ang clearing, nakakalbo gubat nila. Gusto mo ba ng ganoon? Mahal mo pa naman ang environment, eh doon sinisira nila. Paano 'yan?
Kinagat ko ang dila para hindi matawa. He's like convincing me to choose him when in fact I am already his.
Me:
Ang pangit ng daan sa San Jose. Lubak, hindi naalagaan. Baka hindi rin marunong mag-alaga ng asawa ang San Jose?
Umangat ang tingin ko sa kanya. Salubong ang kilay niya at mukhang ilang beses pang binasa ang text ko. Sinilip ko ang mga kasama namin sa hapag, nag-uusap-usap sila patungkol sa kasal. Kahit si Maverick na nasa tabi ko lubog sa usapan na hindi niya na napapansin ang ginagawa namin ni Ascari.
Ascari:
Marry me and lets live together para malaman mo paano mag-alaga ang San Jose.
Me:
Ang pangit nga ng daan sa inyo. Semento nga lubak naman. Baka panahon pa ng lolo mo huling napaayos 'yon.
Ascari:
You really know how to humble me down.
Sumubo ako ng pagkain para pagtakpan ang sumisilip kong ngisi. Kahit binabasa ko lang naman parang naririnig ko ang boses ni Ascari.
Ascari:
I checked for a condo unit. May available katabi ng sa kapatid ko. Two rooms, isa sa atin at isa sa mga bata. They can share, we can put bunk beds depends on how many children we will have. The space is okay just like Milan's. It's practical since we'll be having a house naman sa San Jose. But if you want bigger space, nakausap ko na rin ang agent, the penthouse is still available.
Muntik ko ng maluwa ang kinakain ko sa sunod niyang text. Bakit nakaplano na 'to kaagad? Advance rin talaga.
Me:
Sabihin mong hindi mo pa nabili.
Matagal siya bago nakareply. Nagkasalubong ang tingin namin, bumagsak ang mata niya sa ilalim ng mesa at nakanguso pa.
Ascari:
Cash naman kaya may less.
Me:
How much?
Ascari:
Basta. Mura lang. So, ano? Marry me after your graduation? Want to be Mrs. Hague Ascari?

BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.