2

259 5 25
                                    

"May narinig ka?"

Napadaing ako nang tumama ang likuran ko sa dingding nang silong sa lakas ng pagtulak sa akin ni Auntie Yvanka. Kanina pa niya ako tinatanong tungkol sa narinig ko— pilit niyang pinapaulit-ulit sa akin na wala akong narinig. Mas mainam iyon, wala rin naman akong balak na panghimasukan silang mag-asawa lalo at hindi ko alam kung sino ang kausap niya.

"W—wala po. Wala akong narinig."

"Good." Pinunas niya ang kamay sa damit ko. "You don't know me, Nana. Alam ko bakit ka pinadala ng Papa mo rito. Don't mess with me orelse I will mess with you too."

Mariin niya akong sinipat mula sa dilim. "You can have Maverick as long as you keep your mouth shut."

Nakabawi lang ako sa paghinga nang iwanan niya ako. Auntie Yvanka is in her 30s, ilang taon lang yata ang tanda niya kay Lucas. Ikalawang asawa na siya ni Uncle Luis at hindi tunay na nanay ni Maverick at Mikaela. Ang alam ko galing siya sa simpleng pamilya— isang pagent queen kaya napansin ni Uncle Luis.

Mali ang mambintang pero malakas ang pakiramdam ko na may hindi siya magandang ginagawa sa likod ng asawa niya. Wala ako sa lugar kaya pipiliin ko rin talaga na manahimik.

Kahit sinabi kong kakalimutan ko ang narinig kay Auntie Yvanka kagabi ay hindi ako pinatahimik niyon. Napuyat ako kakaisip kung sino ba ang kausap niya sa telepono, kung talaga bang malapit sa akin ang taong iyon.

Tulog pa ako nang umalis si Kuya Aidan kaya wala rin akong nagawa kundi tanggalin ang hiya ko na mag-isang sumabay sa umagahan ng mga Fuerteventura. Hindi kagaya kagabi ay magiliw sa akin si Auntie Yvanka, sinasali niya ako sa usapan at tinutukso pa kay Maverick.

Wala lang talaga sa kanya ang mga narinig ko kagabi? Bakit ako pa ang nababagabag ngayon?

"Sumama ka sa amin mamaya Nana. Umuwi ang mga San Jose kaya may handaan sa kanila at nakakahiyang hindi pumunta," si Uncle Luis. "Matagal na namin silang mga kaibigan kaya hindi ka na mahihiya."

"Mababait sila, ate Nana. Tsaka maganda ang view sa bahay nila. Magpicture tayo mamaya," excited na sabi ni Mikaela.

Pinag-usapan nilang apat ang mga San Jose, hindi ko naman kilala ang mga tinutukoy nila kaya tahimik lang akong nakikinig. Kung wala silang tanong sa akin ay hindi rin ako nakikisali.

"Kung hindi si Nana ang magustohan mo Maverick ay doon ka pumili sa mga San Jose. Mainam sana kung ang kambal ni Ascari ang magiging nobya mo pero balita ay may nobyo na iyon sa Maynila."

"Ilang taon na 'yon si Milan, Papa. Tsaka wala na siya sa Maynila. Nasa Singapore na."

"Edi sa iba nalang, si Harper. Kaedad mo iyon, hindi ba?"

"Bakit ba sila ang pinag-uusapan? Nandito si Nana, oh!"

Natawa si Uncle Luis at napailing. Pinunasan niya ang bibig niya. "Anong sa tingin mo kay Maverick, Nana? May pag-asa ba sa 'yo?"

"Po?"

Napunta ang tingin ko kay Auntie Yvanka. Tinaasan niya ako ng kilay. Ang sabi niya kagabi alam niya ang pinunta ko rito. Gusto kong baguhin ang pananaw niya sa akin pero mukhang malabo iyon.

"May pag-asa ba ako sa 'yo, Nana?" may himig ng pagbibiro sa tanong ni Maverick. Ang balita ay marami siyang babae sa maynila, papalit-palit din. Ngayon nandito siya sa probinsya at walang ibang babae na pwedeng pagbalingan ay ako ang nakikita niya. Pabor iyon sa akin pero hindi maaaring hanggang laro-laro lang.

Mabuting pamilya ang Fuerteventura, kapantay namin sila sa estado. Grade 12 na sa pasukan si Maverick at ang alam ko kukuha siya ng Business sa college dahil siya na ang susunod na mamamahala sa platation nila. Matutuwa si Papa kung talagang kaming dalawa ang magkakatuloyan pero ayaw ko ring saktan ang sarili ko at ipahiya kung paglalaruan niya lang ako.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon