"Walang pupuntahan 'to, Ascari," mahinang sambit ko habang kinakalas ang kamay niya.
"Kung totoo man 'yan, ibaling mo nalang sa iba."
Malaki ang hakbang kong naglakad palayo. Nilagpasan ko ang mga kaibigan ko at sumunod na sa dalawang mukhang lokal. Yakap ko ang sarili ko hanggang sa marating namin ang sentro ng baranggay, maraming nag-alala lalo na si Miss Grace. Humingi lang ako ng pasensya at nagpaalam na magpapalit muna.
Napamura ako nang buksan ko ang bag ko ay wala na akong pwede isuot. Basa na lahat. Lumabas ako ng palikuran para sana puntahan si Tanya at manghiram nang sa labas na silang tatlo nakatayo.
"Oh..." nakasimangot na tulak ni Julie ng mga damit sa akin. "Kahit rejected nag-aalala pa rin sa 'yo baka raw magkasakit ka."
Binalingan ko si Tanya, wala pa man din akong sinasabi ay inunahan na niya ako.
"Kakakilala pa lang namin kay Ascari pero Nana, iyong pinakita niya sa amin kung gaano ka kahalaga sa kanya..." umiling siya. "Walang wala iyong narcissistic mong jowa."
"P-pahiram akong damit," sa halip ay sabi ko. Ayaw kong mapag-usapan ang tungkol kay Ascari, ngayon pa lang ayaw ko ng paniwalaan 'yon.
"Hindi ka namin papahirapin," si Julie na lumalaki na ang butas ng ilong. "Isuot mo 'yan."
Dinuro pa ako ni Fritz sa mukha at pinaningkitan. "At kausapin mo ang tao, Nana. Matinong usapan. Reject him properly, hindi iyong ganoon."
Iniwan nila akong tatlo na nakatulala. Tinignan ko ang mga damit sa kamay ko. Magkakasakit lang ako kapag hindi ako nagpalit, magiging pabigat pa ako.
Naligo muna ako bago nagbihis. Inisa-isa kong tignan ang damit na pahiram ni Ascari. White t-shirt na may pangalan ng University sa harap at sa likuran ay ang pangalan niya, sa ilalim niyon ay ang salitang Architecture- black boxer shorts na may nakakabit na safety pin. Napakagat ako sa labi ko habang tinitignan iyon- he knows it won't fit on my waistline and he made it possible for me to wear. Maliit na bagay lang pero mas lalo niya akong pinapahirapan na itulak siya palayo.
Wala akong suot na panloob kaya laking pasalamat ko na may hoddie jacket din siyang pahiram. Nang isuot ko 'yon ay masyadong maluwag sa akin at halos hanggang tuhod ko na. Maayos naman sa katawan ko kumpara sa inasahan ko. Napanguso ako sa amoy ng hoddie, ito ang suot niya kagabi- hindi manlang amoy pawis o mapanghi, ang bango.
Nilabhan ko ang damit ko na hinubad tsaka ko sinampay kasama ang iba pang nabasa sa ulan.
Wala namang ibang laman ang bag ko maliban sa cellphone, at hygiene kit na hindi naman nabasa dahil naka-zip locked. Napabuga ako ng hangin nang ayaw ng mabuksan ng cellphone ko. Wala pang isang taon, sira na.
"Great. No cellphone again for you, Nana," kausap ko sa sarili ko habang tinitignan ang cellphone ko na nakapatong sa kahoy na mesa sa likod ng bahay na tutulogan namin mamaya.
"You can use mine."
Nagulat ako sa pagsalita ni Ascari sa likod ko. Nang lingonin ko siya ay initsa niya ang cellphone sa akin- sa gulat ay sinalo ko iyon.
"0321. That's my password," sabi niya lang at tinalikuran ako.
"Hindi ko kailangan! Ascari, teka!"
Hinabol ko siya. Malaki ang hakbang niya papunta sa garden ng mga gulay. Mataas na uli ang sikat ng araw pero maputik pa rin ang daan. Nahihirapan akong sumunod sa kanya pero nagawa ko pa rin siyang mahabol nang tumigil siya sa taniman ng ampalaya.
"Ipapaayos ko ang cellphone ko kapag bumaba na tayo rito. Hindi ko 'to kailangan."
Winagayway ko sa harap niya ang mamahalin niyang cellphone. Latest model ito ng sikat na brand, alam ko iyon- pareho ng model ng gustong bilhin ni Maverick.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.