Sa tuwing naaalala ko ang boses ni Ascari kagabi ay tumatayo ang balahibo ko. Pinagbabantaan niya ako— sa hindi masamang bagay pero nakakakilabot pa rin. Buong magdamag akong gising para mag-aral pero kalat pa rin ang isip ko. Si Ascari at ang boses niyang nanunuot sa kalamnan ang mas nanaig ngayon sa utak ko.
Naglalakad ako sa hallway, pababa sa teller para magbayad na ng tuition. Mamaya ko na ibabayad ang galing kay Tanya, kasya naman na ang meron ako para sa unang payment. Pababa na ako sa ground floor nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay ang kaklase ko na volunteer pala sa Dean's office.
"Alzate!" tawag niya ulit sa akin nang hindi ako gumalaw.
Lito akong lumapit sa kanya. Hindi naman kasi kami nag-uusap nito maliban kapag may klase. "Bakit?"
"Pinapatawag ka ni Dean."
Kinabahan ako. Inisip ko na kaagad kung may mali ba akong nagawa. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabagtas ang hallway papunta sa office ni Dean. May mga kaklase akong nakasalubong, ngiti lang ang nasukli ko sa mga pagbati nila.
Tinignan ni Wendy ang kabuohan ko bago niya itulak ang pinto. Pinauna niya akong pumasok bago siya. Kumatok siya sa mismong office ni Dean bago niya ito buksan.
"Dean, si Alzate po."
Tumigil si Dean Marietta sa ginagawa sa desk niya tsaka niya kami nginitian. Ako lang ang tumuloy, sinara ni Wendy ang pinto sa likuran ko. Napalunok ako ng ituro ni Dean ang upuan. Nakangiti pa rin siya kaya kahit papano napapanatag ako na wala akong maling nagawa para ipatawag.
"May kailangan po kayo, Dean?"
"Miss Alzate, your grades are impressive and I hear good things from your professors," simula niya, nakangiti pa rin.
"Yesterday, someone called me and said they want to give you a full scholarship."
Natutop ko ang bibig sa gulat. Seryoso? Ngayon pa talaga kung kelan kailangan ko?
"Itong scholarship kasi Miss Alzate hindi lang tuition fee mo, they also offer you a much better dorm outside the University. With ofcourse food and book allowance."
Masyado akong gulat para makapagsalita. It's a good news but... It's too good to be true? Parang iba ang pakiramdam ko sa ganito.
"But you have to render your time sa ating library, Miss Alzate. You have to drop your day job..." She trailed, clearing her throat. "You don't have to worry. We will sort your schedule. Walang conflict sa classes mo."
"Umm Dean..." Napatingin ako sa files na nasa mesa niya. Nakita ko ang pangalan ko pati ibang records. "Pwede ko po ba malaman sino nagbigay ng scholarship?"
I mean, I am on the dean's list pero mas maraming matalino at deserving pa sa akin. And why did they specifically choose me? Not that I am questioning their judgement pero nakakaduda lang?
"Well, Miss Alzate, iyong kumausap sa akin mas gusto na huwag e-disclose but he's from a foundation. Have you heard about TS Foundation? They sponsor cancer patients, and also has their own private orphanage. Pero ngayon yata nagbibigay na rin sila ng scholarship dahil ito nga at binibigyan ka nila."
"Dean, not that I am ungrateful pero bakit ako?"
"Maybe they see something on you, Miss Alzate. They contacted the University President. Na-transfer lang ang tawag sa akin kahapon. Siguro ay sumala sila ng mga pwede."
Para akong nasa alapaap matapos lumabas sa office ni Dean. Wala na akong problema dahil kahit ang balance ko ay nabayaran na ng TS Foundation. Hindi ko sila kilala, wala akong ideya kung sino ang nasa likuran nila. But maybe someday I'll do my research about them at maipaabot ko ang pasasalamat.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomansaA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
