12

150 8 20
                                    

"Siya ang nagsimula! Hinila niya nalang bigla ang buhok ko!"

Nanggagalaiti si Cassidy sa galit. Kanina pa siya nagwawala sa loob ng police station. Natigil lang ang gulo kanina sa bistro nang may dumating na mga pulis. Nakakahiya ang ginagawa niyang pagwawala pero hindi ko siya masisi— kinailangan pa siyang bigyan ng jacket ng pulis para takpan ang punit-punit niyang damit. Napuno ng kalmot ang braso niya maging ang leeg, malaki rin ang pasa niya sa pisngi maging ang labi niya ay pumutok. Samantalang si Talia ay nagulo lang ng kaonti ang buhok.

"Ubusin mo boses mo, girl! Nasa San Jose ka, tingin mo pakikinggan ka rito na ako ang kinalaban mo? Dream on, thicked faced!"

Prente lang na nakaupo si Talia sa plastic chair, katabi niya si Harper na inaayos ang buhok niyang nagulo. Maliit siya kumpara kay Cassidy pero sa ginawa niya sa babae kahit ako hindi ko gugustohin na makipag-away sa kanya.

Ang mga lalaki ay pinasok sa selda— kasama na doon si Ascari at Kuya Alonzo na hiniwalay lang sa selda kung saan din sina Maverick.

Napurohan si Patrick na hindi na nagising mula sa suntok ni Ascari sa kanya, si Maverick at may mga pasa rin sa mukha. Si Ascari wala akong nakita sa kanya kanina maliban sa pumutok niyang labi at maliit na sugat sa kilay.

"Narinig niyo 'yan, Sir? Minamaliit niya authority niyo!"

"Whatever, Ogre!" pang-asar ni Talia na dinilaan pa si Cassidy.

"Kakasohan kita!"

"Bring it on! Ano ubosan pa tayo ng pera?"

Napatingin ako sa selda kung nasaan sina Maverick. Nakatulog na siya ganoon din ang mga kasama niya— lasing at pagod na. Nagawi ang tingin ko sa selda kung nasaan sina Ascari— nakahiga sa mahabang kahoy na upuan si Ascari habang takip ng braso niya ang mga mata. Si Kuya Alonzo ay nasa isang tabi, kausap si Ate Tabitha— hindi ko makuha kung paano pa silang dalawa nakakatawa sa sitwasyon.

"Ma'am nakatawag na po kami sa bahay niyo. Papunta na po si Sir Iros," ang hepe ng pulisya na si Natalia ang kausap.

Sinuway na ng isang babaeng pulis si Cassidy, binantaan na ipapasok sa selda kapag hindi pa tumigil. Parang wala lang kina Talia ang nangyayari, hindi siya takot na asarin sa harap ng pulis si Cassidy. They seems to control the whole town,  nakita ko na pulis na nga mismo ang takot sa kanila.

I recognize what they're doing, it's abuse of power but this is satisfying to watch how Cassidy painfully restraint herself from further causing a scene.

"Excuse me, Sir." Lumapit ako sa isang pulis. Kahit na naniniwala akong dapat lang na makulong talaga sina Maverick dahil sila naman ang nagsimula ng suntukan ay hindi ko siya pwedeng hayaan nalang.

"Ano pong pwede kong magawa para makalabas ang mga kasama ko?"

Napakamot sa ulo niya ang pulis. Tinawag pa niya ang mas mataas niyang opisyal para ipakausap sa akin.

"Natawagan na rin namin si Sir Fuerteventura, Ma'am. Papunta na rin siya rito."

Napanatag ako ng kaonti sa narinig. Bumalik na rin ako sa mahabang plastic na upuan katabi ni Cassidy. Napasandal ako sabay pikit nang mata— mahina niya akong minumura, hinahayaan ko lang. Pagod ako para intindihin pa siya.

"Kasalanan mo, Nana. Ewan ko nga bakit gusto ka pa rin ni Maverick."

Naunang dumating si Tito Iros kasama ang daddy ni Talia. Umahon ako mula sa upuan at lumabas ng police station. Naupo ako sa plastic stool sa tabi kung saan hindi ako mahahagip ng dadaan. Ilang ulit akong napabuntong hinga— hindi ko sadya pero tama si Cassidy kasalanan ko.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon