38

396 14 11
                                        

I don't see the sense of talking with Dorothy. Pero nandito na 'to, kaya haharapin ko na. Pagkatapos kong maupo sa harap ni Dorothy ay hinalikan ako ni Ascari sa tuktok ng ulo. Walang habas niyang hinila si Maverick patayo mula sa tabi ko— tsaka niya hinatak papunta sa kabilang mesa.

"You're lucky with Ascari. Kasal na raw kayo," panimula ni Dorothy sa usapan. Ang tingin niya ay nasa asawa ko at kay Maverick na naupo na rin ng maayos at nagtawag na ng server.

Ascari gave me an assuring look. I was a little worried na baka mag-away sila ni Maverick pero parang hindi naman.

"Yes, I'm very lucky with him."

"It's great to know you two worked out."

Tinignan ko siya ng derekta. Inaral ko kung anong meron sa mukha niya. Kung anong punto at gusto niya.

Bumaba ang tingin niya sa pagkain na hindi niya nagalaw. Nilaro niya ang kutsara.

"I'm sorry, Nana."

It was long overdue. I was never a bad friend to her. Oo at  maraming lakad ang hindi ko siya nasamahan but it's not like I have a choice. And it's not enough reason for her to throw our friendship like that.

"It's okay. Wala na 'yon." It is so easy to say that to her. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit napakahirap sa akin na bigyan ng chance si Ascari noon.

The deeper you love the person, the harder it is to forget about what they did.

Maybe I am really a bad friend, to Dorothy and Cassidy. Maybe I didn't care enough for them. Because it is so easy to forgive them. With or without apologies. It's just that I can't no longer be friends with them.

"Umm I'll be very honest with you..." Hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya kahit na hindi niya maangat ang tingin sa akin.

"Hindi ko makita ang reason bakit kailangan pa nating mag-usap ngayon. That happened years ago, Dorothy. Marami pa akong gagawin kasama ang asawa ko. So, if you'll excuse me."

Tinanguan ko na si Ascari bilang pahiwatig na aalis na kami. Tumayo na siya at ganoon din ako. Pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan ni Dorothy ang kamay ko.

"Nana, I'm sorry."

There's something with her apologies. There's more to it. I can feel it. It's her deeper conscience. She did something far more terrible than fucking with someone else's boyfriend.

Tinabig ko ang kamay niya. Wala pa mang isang segundo ay nasa tabi ko na si Ascari at hinarang ang braso niya para itago ako mula kay Dorothy.

"Don't touch my wife. Know where—

"Ascari..." Hinaplos ko ang braso niya. We shouldn't make a scene here— or anywhere. Matatanda na kami, wala rin naman magagawang mali sa akin si Dorothy. "It's fine. Napahawak lang siya."

He checked my arm where Dorothy held me. "Are sure you're okay?"

"Yes. Wait for me outside."

Nag-alangan siyang iwan ako pero sumunod din naman. Binalingan ko si Dorothy na ngayon ay mamasa-masa na ang mga mata.

"Dorothy, matagal na 'yon. Palagpasin na natin. Tapos na hindi na natin maibabalik pa."

"Nana, ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang mga kuya mo."

Nagsalubong ang  mga kilay ko, kunot ang noo— lito ko siyang tinignan. Hindi alam kung paano tutugonan ang rebelasyon niya.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon