I expected 10 or maybe 15 people, I didn't expect it to be around 50 or so.. Pinasara ang buong restaurant para lang sa libreng lunch ni Miss Valderrama. Rich people and their just because.
I flinch on my foot when Ascari's hand found the small of my back. Ang feeling niya. Not because I didn't say anything about his brief monologue inside his car, eh maayos na kami.
"Your hands, Mister."
Ngumisi siya lalo. Inalis ang kamay sa likuran ko. "Oh, sorry. My bad."
I gasp when he found my hand and intertwined our fingers. Wala akong nagawa nang hilahin na niya ako papunta sa mesa ng tita niya at ibang department heads.
"Late kayo," malisyosang saad ni Miss Valderrama habang ang mga mata ay nasa kamay namin ni Ascari. Nagpumiglas ako para kunin pero ang lalaki ay ayaw bumitaw.
"Just right for lunch, Auntie. May pinag-usapan lang kami," bigay ng mas malisyosong isipin ni Ascari. Pakiramdam ko nanliit ako sa mga tingin ng ibang department heads.
Fuck.
I now realize I had my job because of a recommendation. At ang lalaking katabi ko contributor ng kung ano-ano sa University. Naglalaro sa isip ko na baka iniisipan nila ako na may relationship for convenience sa lalaking ito.
Bumitaw si Ascari sa kamay ko at pinaghila ako ng upuan. He even tuck my long skirt to the right place para hindi maapakan. Minura ko na nga siya sa isip ko nang maupo siya sa tabi ko, minura ko siya lalo nang idantay niya ang braso sa sandalan ng upuan ko.
"Ang feeling mo. Get off me," tiim bagang na bulong ko sa kanya.
Sinulyapan niya lang ako at nginisian. Tinawag niya ang server at tinuro lang ang mesa namin. Maya pa ay may sinalin na wine sa harap namin. Akmang kukunin ko ang akin nang ilayo iyon ni Ascari. Umiling siya.
"You have a class to teach, Nana..." Sumenyas uli siya sa server na nakuha rin kaagad ang gusto niya. "Here's your water."
"Bakit ka nangingialam?" Akmang sasagot siya nang taasan ko ng kilay. "Ano ba kita?"
Hindi siya nakaimik. Inabot ko ang baso sa harap niya at deretsong ininom ang wine. Tinaasan ko siya ng kilay nang makalahati ko iyon.
"Kapag ikaw nalasing at hinalikan mo ako huwag ka manisi mamaya. Pinagsabihan na kita."
Naiinsulto akong napasinghap. Mas ininis niya pa ako nang uminom siya ng wine na may ngisi. Sa bwisit ko sa kanya ay kinurot ko siya sa binti.
"Fuck."
Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian din habang nagkukumahog siyang linisan ang puti niyang polo shirt na natapunan ng kaonting wine. Bagay lang sa 'yo 'yan!
"Are you okay?" Napalis ang ngisi ko nang balingan siya ng babaeng nasa kabila niya. Concern itong tumingin sa polo niya. Kinuha ang table napkin at tinaas ito malapit sa dibdib niya kung saan ang mantsa. "Do you mind?"
I wouldn't mind if the woman is double his age na parang nanay niya na or maybe lola. But the woman is maybe his age or maybe a little older. I act upon impulse, bago pa niya mahawakan si Ascari ay hinila ko na ito sa damit. Muntik pang matumba ang baso ng tubig nang matabig ko iyon.
"I'll take care of him..." Kumuha ako ng sariling table napkin at sinimulang punasan ang polo ni Ascari. Napatigil ako nang mapansing nakatingin pa rin ang babae kay Ascari na nakalimutan na rin yata ang tamang paghinga nang higitin ko ang kwelyo niya palapit sa akin.
"I said I'll take care of him," may inis na sambit ko nang hindi gumalaw ang babae o nilayo manlang ang kamay niya. Sinamaan ko ng tingin si Ascari, napanguso siya. Binalingan niya ang babae. Napataas ang kilay ko nang hawakan niya ang babae sa palapulsuhan at binaba ang kamay nitong may hawak na table napkin.
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
