Kung pwedeng magpakain sa lupa ay ginawa ko na. Sa bahay nina Ascari niya ako dinala— buong akala ko ay si Harper at Talia lang ang makikita ko pero hindi ko inasahan na makikilala ko ang nanay niya at tatay.
Hinihila ko pababa ang damit ko habang nakayuko. Pinapakilala ako ni Ascari sa mga magulang niya. Sinasampal ko na ang sarili ko sa loob-loob ko. Maiksing short at t-shirt lang ang suot ko, hindi pa ako nakakaligo— naghilamos lang ako kanina at laking pasalamat ko na hindi ko nakalimutang magsipilyo.
"Nana, ang mommy at daddy ko. Paris and Iros."
"Nice meeting you po."
Yumuko ako bago ko ilahad ang kamay sa harap ng magulang niya. Napakagat labi ako nang magkatinginan ang mag-asawa, may matamis na ngiti sa labi ng mommy ni Ascari habang bagot na napailing ang tatay niya.
"No need to be formal, Nana," salita ng nanay niya. Umahon ito sa pagkakaupo, inabot niya ang kamay ko pero hindi siya natapos doon. Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi.
"Mabango ka nga talaga," puna niya na ikinangiwi ko.
"Mommy!" suway ni Ascari.
"What? Nagsasabi lang ng totoo."
"You're making her uncomfortable."
Kinunotan ako ng noo ng mommy niya. "Am I making you uncomfortable, Nana?"
She is but I don't have the heart to say yes. Umiling ako at maliit na ngumiti. Hinarap niya ang anak para lang irapan. "See?"
"You're pressuring her!"
"Ascari, boses mo," malalim na puna ng tatay niya dahilan para mangilabot ako.
Ascari has the comforting energy— iyong kahit tahimik at may masungit na mukha hindi ka naman matatakot magbiro. Pero ang tatay niya tipong may nakapaskil sa noo na nagsasabing ayaw niya ng kausap. Isang beses ko lang siyang nahuling ngumiti simula ng dumating kami, iyon ay nang halikan niya sa noo ang asawa.
Naliligo pa si Harper at Talia, si Ascari ay inaya pa ng tatay niya na may titignan sa plantation kaya naiwan ako sa mommy niya. Kanina pa ako naiilang sa tingin niya na parang kinikilatis ang bawat sulok ng pagkatao ko.
"Do you do modelling, Nana?"
Nakagat ko ang dila ko. Noong bata ako pinangarap ko maging model pero nang mapagtanto ko na hindi ako maganda tinapos ko na ang isiping iyon.
"Hindi po, eh."
"Really? You will make a name if you do." Pinasadahan niya ulit ng tingin ang binti ko. Umatras ako ng kaonti.
Ang puti niya, maganda rin ang maiksi at blond niyang buhok. Napagtanto ko na kamukha niya si Ascari, pareho silang may matulis na mga tingin— parang palaging nangingilatis. Masungit ang mukha niya pero sobrang kabaliktaran ng ugali, napakabait at magiliw.
"If you decide to join modelling sabihan mo si Ascari. I will gladly book you for one of my shows."
Tumango lang ako at ngumiti. Nasabi ni Ascari kanina habang papunta kami sa kanila na designer ang mommy niya, halata naman sa kasuotan nito. She has that it girl vibe kahit na sa hula ko nasa late 40s na siya. Maganda si Auntie Yvanka pero iba ang ganda ng nanay ni Ascari— paniguradong nahirapan sa panliligaw ang tatay niya.
I mean makisig din naman ang tatay ni Ascari pero ang babaeng katulad ng nanay niya na alam na maganda sila, maraming naghahabol at galing pa sa magandang pamilya hindi kaagad bumibigay. Marami silang pagpipilian kaya hindi nagmamadali.
"Alam ko magkaibigan lang kayo ni Ascari pero huwag kang mahiya sa amin. Treat us as your extended family."
"Thank you po."
BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.
