14

141 7 13
                                    

"Kids, makinig kay Ate Nana. Huwag kayong magpasaway. Let's not stress her, Okay?"

"Okay po!"

Umahon si Ascari mula sa upuan matapos kausapin ang mga bata. Napairap ako ng harapin niya ako at minuwestra ang plastic na upuan na kinaupuan niya. He taught them how to make a toy from recyclables and now it's my turn to teach them something... useful.

Huminga ako ng malalim bago harapin ang mga bata. Ngumiti ako ng matingkad kahit umagang-umaga sinisira na ni Ascari ang araw ko sa pangungulit niyang dumikit sa akin.

Kakatapos lang kumain at magtuturo ako sa mga bata sa paggawa ng water filter gamit ang recyclables. Pinakuha ko sa mga bata ang materials at nagsimulang ipakita sa kanila kung paano gawin. Gaya ng bilin ni Ascari nakinig nga talaga sila at tahimik sa paggawa ng sariling product nang tapos na ako sa demonstration.

Palakad-lakad ako habang tinatanaw ang gawa ng mga bata. Naramdaman ko ang pagsunod ni Ascari sa akin— marahas ko siyang hinarap, napaatras siya na mukhang nagulat.

"Susunod ka ba sa akin buong araw?"

"That's the plan, yes."

"Wala ka bang gagawin? Tumulong ka kaya sa mga kasama mo para matapos kayo at makaalis na?"

He extended his arms stretching it. "Hay Nana," sambit niya na parang galing siya sa nakakapagod na araw at nakakita ng malambot na higaan.

"Kaya na nila 'yon."

"Sumama ka rito tapos wala kang ambag? Napakagaling. Dagdag palamunin ka pa tuloy."

Malakas siyang tumawa na nakapagpakuha ng atensyon ng mga bata. Hinawakan ko siya sa siko at hinila palayo. Nahuli ko ang mapanuksong tingin ni Tanya na may mga bata ring tinuturuan.

"Akala mo nakakatuwa? Umuwi ka nalang ng San Jose kung wala kang ambag—

"I already done my part, Nana," he said unbothered with my irritation of him.

"I designed the sanctuary. If they have questions nandito lang naman ako."

"Bakit hindi ka nalang doon sa kanila? Ano bang ginagawa mo rito sa gawi ko?"

Pinagkrus niya ang braso tsaka napailing. "Sinusubukan ka ngang agawin. Ilang beses ko ba dapat sabihin?"

Napaawang ang labi ko pero sa halip na salita ay napasinghap nalang ako. He is unbelievable! Wala na talagang pag-asa. Akala niya nakakatuwa siya ngayon? Para siyang umatras sa pagkakatanda. He's acting like a 16 years old boy. Padabog ko siyang iniwan at bumalik na sa mga bata.

"Wala kang dalang sleeping bag. You didn't use the one I gave you last night, hindi ba masakit ang katawan mo?"

Masakit! It wasn't a comfortable sleep at all pero mamamatay muna ako bago ko aminin iyon sa kanya. Pampalubag loob ko na kumportable ang tatlo kagabi dahil sa kanila ko pinatulogan ang sleeping bag ni Ascari.

"Ascari please! I need space from you. May ginagawa ako, oh!" Tinuro ko sa kanya ang mga bata baka lang kasi hindi niya nakikita.

"Okay. Uupo ako doon pero babantayan pa rin kita."

Hinayaan ko na siya at lumalit na ng tuluyan sa mga bata. Nawala sa isip ko si Ascari nang magsimulang magtanong ang mga bata at humingi ng tulong. Lumapit si Julie sa akin at panay kuha ng litrato. It's for the organization's social media page— maiinis na naman si Maverick sa akin kapag nakita niya 'yan. He doesn't want my face all over the internet. Kahit nga accounts ko na hindi ko naman ginagamit dapat dalawa kami sa display picture.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon