35

259 10 38
                                    

"Pwede ba akong lumapit para makapagpaliwanag?" Tumayo na siya pero hindi humahakbang.

"No, stay there."

Hindi ko kaya na malapit siya. Ayaw ko na hawakan niya ako. Kung gusto niyang magpaliwanag abot naman ng salita niya ang pandinig ko.

Huminga siya ng malalim, halatang kumukuha ng bwelo.

"Hindi ko alam sinong nagsabi sa 'yo tungkol sa halik na 'yon pero I didn't insist it, Nana. They dare her to kiss someone she like on that table. Everyone were drunk. I was so drunk. Hindi ako maghuhugas kamay at sasabihing hindi ako tumugon. I did but after I collected my mind I push her away..."

Nasapo ko ang pisngi ko. Dapat hindi ako umiyak, matagal na 'yon at dapat wala ng epekto sa akin pero nandoon pa rin sa alaala ko. Ayaw mabura.

Ilang minuto ba niya bago makolekta ang utak niya? Matagal akong nakatingin sa kanila n'on, ilang minuto siyang nabigla? Ilang minuto siyang nagpaubaya?

"Kinabukasan n'on kinausap ko siya kaagad. I told her about you, about how much I love you. And how regretful I am. Ang sabi ko kung gusto pa rin niya na maging magkaibigan kami ay hindi na niya ulit gagawin 'yon. Kasi kahit wala tayo pakiramdam ko pinagtaksilan kita."

Humakbang siya ng isang beses, nag-aalala marahil sa luha ko. Inilingan ko siya dahilan para mapatigil ulit siya.

"I didn't seek for her comfort, Nana. I was longing for you. So much that I went to Cape Town twice. Iyong una ay kailangan kong umuwi kaagad bago pa man ako makalabas ng airport papunta sa 'yo, mom had cardiac arrest. Dad lost it...." Nakita ko ang pagbagsak ng luha niya. He is also hurting because of a memory.

"I need to be there to take care of mom, and I also need to check on dad. Ang sakit makita na parehong nawawala ang mga magulang ko, Nana. Milan couldn't also think straight that time, may anak siyang inaasikaso. Nagkasakit na rin siya sa pag-aalala. Apat ang inalagaan ko noon kasama na si Cairo. And all that burden Nana, lahat 'yon gusto kong itakbo sa 'yo. Gusto ko nalang magpayakap sa 'yo pero hindi ko ginawa dahil alam kong bibitiwan mo lahat para sa akin. I know I can help you start again, but it will be very unfair for you to pause your life for me."

"Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na magdesisyon para doon, Ascari. I wanted to be there for you. Ibang babae ang hinayaan mo na nandoon."

"I didn't take her shoulder to lean on, Nana. She helped with mom's business pero hindi sa emosyun ko. I only want you, Nana. I only want my baby but she's working with her dream. And who am I to ruin that for her?"

Pareho kaming napahagulhol na dalawa. Hawak ko ang puso ko habang siya tahimik kang na lumuha habang nakamasid sa akin.

I believe him. And I am sorry. I should have been by his side. With all his emotions that is connected with mine I realized how shallow the reasons that I have for hating him— for not giving him his chance.

Nag-aalala siya sa pamilya niya. Ginagawa ang lahat ng responsibilidad sa negosyo nila. May pag-aaral pa siyang inaatupag pero sa kabila ng lahat ng 'yon nasa isip pa rin niya ako.

I extended my arms, ready for him. "Come here, baby," I whisper but it seems very clear to him.

He close our gap and throw himself in me. I cage him as he sob even more on my neck.

"I'm sorry I wasn't there. I'm sorry you had to fight alone. I'm sorry, Ascari. I'm sorry I didn't know."

Dumugo ang kamay ko na may swero pero hinayaan ko lang. I want my Ascari beside me. I want to comfort him.

Valley of Devotion (Damsel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon