Chapter 1: Regina the artista

625 17 12
                                    

"How was it working with Brian, Regina?" tanong ng reporter sa dalaga kasabay ng pagtunog at pagflash ng mga camera sa paligid.

"I'm sure Regina loves working with me. Ano pa ang hahanapin n'ya?  Bukod sa maalaga ako sa set eh, macho na gwapo pa. Agree ka naman 'diba, Regina?" sagot ni Brian sabay kindat dito.

Pilit ang ngiting binigay ni Regina kay Brian ng ito ang sumagot sa tanong ng reporter.

Tilian naman ang mga dumalo sa presscon na iyon. Nangingiti rin ang mga reporters na nag-iinterview sa kanila.

Maganda si Regina. She's a white-skinned beauty with brown hair with a golden highlight. She has light-brown expressive eyes. And she's oozing with sex appeal too. She is beauty and brains rolled into one kaya mabilis ang pagsikat nito kahit baguhan pa lamang s'ya sa showbizness.

"I had fun and I enjoyed everybody's company. From the staffs and crew to my co-actors, masaya kami sa set. Para lang kaming naglalaro at hindi nagtatrabaho. And yeah. I also enjoyed working with Brian. He's mabait and I like him as a friend." sagot ni Regina.

"Friend lang? Friend lang talaga, Brian? Mukhang napi-friendzoned ka nitong si Regina ah. Mukhang walang epekto ang appeal mo dito sa kaloveteam mo, Brian." kantyaw ng reporter sa binata.

"Hindi ka manlang ba attracted dito kay Brian, Regina? Wala ba talagang pag-asang maging kayo?" pahabol ng isa.

Mukhang walang maniniwalang friends lang sina Regina at Brian sa lakas ng attraction na makikita sa mga ito. Hindi maitatwa ang chemistry ng dalawa kaya nga sila pinagtatambal sa mga pelikula at teleserye.

"I... " Napalunok si Regina. Ito talaga ang ayaw n'ya sa showbiz... ang pagsisinungaling.

"Actually may sasabihin talaga kami ni Regina sa inyo." Putol ni Brian sa sasabihin n'ya.

Napatingin si Regina kay Brian ng maramdaman nito ang paghawak ng binata sa kamay n'ya mula sa ilalim ng mesa.

She stared up at him na wari'y nagtatanong at naghahanap ng kasagutan dahil wala s'yang idea sa sasabihin nito.

"Ano 'yon, Brian? Spill it. May dapat ba kaming malaman tungkol sa inyo ni Regina?"

Humarap si Brian sa dako n'ya at nginisihan s'ya nito.

Biglang kinabahan si Regina dahil alam n'yang hindi n'ya magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.

"Just play along." bulong nito sa tenga n'ya sabay hila sa kanya papalapit dito.  He captured her lips with a kiss.

It was just a light feathery kiss pero para kay Regina, it was the worst unwanted kiss of her life.  Hindi n'ya type si Brian. He was never her dream guy. Hindi kahit sa hinagap. Kaibigan lang ang turing n'ya rito.

She remained stationary at hinayaan lang si Brian sa ginagawa. He hugged her after that simple tasteless kiss.

"You're stiff. Hindi manlang ako nasarapan. Para akong humahalik sa tuod." Pabulong na kantyaw nito sa kanya.

Although naghahalikan sila sa palabas,  never naging totoo ang halik nila. They always fake it. Hindi kagaya ngayon na parang nandidiri si Regina dahil may laway pa ang kiss nito.

Napailing na lamang si Regina at pilit na ngumiti dahil alam n'yang may mga reporters sa paligid. Kung nagkataong sila lang, for sure,  nasampal na n'ya ito.

"You,  maniac!  Wait until we're done here." mahinang usal n'ya habang pilit na ngumingiti dito.

"Does it mean na kayo na?  For real?" tanong ng isa pang usyosero sa paligid nila.

"N..."

Magsasalita sana si Regina ng halikan s'ya ulit ni Brian sa labi.

"Yes!  Kami na. At ayaw na namin itong ilihim pa sa inyo.  You deserve to know. Our fans should know." todo ngiti pa itong si Brian sa mga reporters.

Marami pang naging katanungan ang reporters pero nawalan na ng gana si Regina.  Halos si Brian nalang ang sumasagot sa mga ito. Tahimik lang s'ya hanggang sa matapos ang presscon.

Kaagad n'yang sinita si Brian ng magkasarilinan na sila.

"Why did you do that? Ano 'yon?  Para saan 'yon?" palakad-lakad si Regina sa loob ng kwarto habang prenteng nakaupo si Brian at umiinom ng juice.

"Relax!  It's no big deal."

Lalong nag-init ang ulo n'ya sa sagot nito.

"No big deal? Was it? Myghad, Brian! As far as I know, walang tayo. There was never an us! Yes, we are a loveteam pero 'yon lang 'yon. Nothing more than that."

Tumayo ito at nilapitan s'ya. He tried to hold her hand pero pumiksi s'ya.

"Don't touch me!  Wala na tayo sa public para hayaan kita. You, holding me in public is okay but not when we're alone."

"Relax okay? It's just a publicity stunt. Utos ni manager 'yon." nakangiti nitong sabi.

"Our manager told you to do that? Yet both of you, especially you, didn't have the balls to tell me even before the presscon started? That's so rude of you!  I felt I was betrayed,  pranked and laughed about by you two." pasalampak s'yang naupo sa sofa habang nanggagalaiti sa galit.

"Pwede naman nating totohanin eh.  I'm single, you are single." nakangising sabi ni Brian.

Lalong tumaas ang kilay ni Regina.

"Am I a fan? Nasa public ba tayo para pati ako pagsinungalingan mo? Matagal na tayong magkakilala kaya alam ko ang tungkol sa inyo ng girlfriend mong si Julia.  Maawa ka naman doon sa babae, Brian. May damdamin din s'ya at alam kong masasaktan s'ya whenever malaman n'ya ang tungkol sa 'publicity stunt' na pinaggagawa n'yo ng manager nating si Alicia."

He knelt beside her chair. "Wala na kami ni Juls, Rej.  Matagal na. I had a crush on you since before. At dahil kami pa never akong nag-attempt manligaw o pomorma sa'yo as a respect to her. Now that i'm free pwede nang maging tayo."

Napailing na lamang si Regina sa kapreskuhan ng kapareha.

"How conceited. Ipagpalagay nating wala na kayo, sa palagay mo ba papayag nalang akong maging tayo? Do I look like an easy to get kind of girl to you? Yes, we work together,  we are a love team but it doesn't mean na magiging tayo din for real. Get a life, Brian! Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo!"

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon