"May boyfriend ka?" Out of nowhere na tanong ni Regina kay Narda habang kumakain sila sa isang restaurant.
"Bakit mo naitanong?" Kunot-noong tanong ni Narda dito sapagkat hindi s'ya nito kinikibo kanina pa. Pati pagkain nila ay s'ya pa ang omorder. Ipinagpalagay na lamang ni Narda na masakit lang ang labi nito kaya walang imik.
"It's okay if you don't want to answer my question. Its quite personal though." Sabi nito habang nilalaro ang ulam sa plato nito.
"I... I don't have a boyfriend." Nakita n'yang para itong nakahinga ng maluwag. Parang nabunutan ito ng tinik na hindi n'ya malaman kung bakit. "But..." Napatingin ito sa kanya. "I do have a special someone."
Napatango-tango ito at wari'y biglang nalungkot. "I see. Good to hear that."
"If I ask you the same question masasagot mo ba ako?"
"I did have a boyfriend. But we broke up months ago. He leave me for another girl. But..."
"But what, Regina?" Napansin n'yang nag-alinlangan ito.
"Hindi ako naniniwala. Mas naniniwala akong si dad ang reason ng break up namin. Ayaw n'ya kay Noah and i'm sure he did something to him that's why he broke up with me."
She's hurting at nakikita ni Narda 'yon. Hindi pa matanggap ni Regina ang break up sa boyfriend nito kaya naghahanap ng rason para maisisi sa ibang tao ang nangyari.
"Knowing your dad, parang hindi naman s'ya ganoon. Sa tingin ko hindi n'ya gagawin 'yon sa'yo."
"But he already did! That's why I hate him! I hate him for ruining my life."
Naikuyom ni Regina ang kamao sa galit. "Sana s'ya nalang ang nawala instead of mom."
Nakikita n'ya ang dati n'yang sarili kay Regina. Hot-tempered, rebelious and close-minded. Ayaw n'yang pagsisihan din ni Regina ang lahat kagaya n'ya. Ayaw n'yang magaya sa kanya si Regina na ni hindi manlang naitama ang pagkakamali at hindi nakahingi ng tawad sa mommy at daddy n'ya bago namatay ang mga ito.
Hinawakan n'ya ang nakakuyom nitong kamao. "Kahit sino sana sa parents ko ang nandito at buhay magiging thankful ako. You have to treasure every moment with them dahil hindi mo na magagawa 'yon kapag wala na sila. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang nandito ang mga mahal natin sa buhay. Lahat ng tampo at galit ko dati sa parents ko napalitan ng pangungulila at pagsisisi."
Mabilis na napalitan ng awa ang galit sa mga mata ni Regina.
"You mean patay na ang parents mo? Both of them?"
"Yeah. I live alone in a mans... in our house for about 5 years now. Mag-isa ako at ang tangi kong kasama 'yong mga aso ko."
"That's sad."
"No. 'Wag kang maawa sa 'kin. I have some relatives na tumitingin-tingin din sa akin paminsan and a circle of friends who treats me like family."
"Tama ka. Hindi dapat ako maawa sa 'yo. I can see that you're adorable and easy to get along with kaya madaming nagmamahal sa 'yo. Unlike me. I don't have anyone. I got friends pero hindi kagaya ng friends mo."
"But you have your dad. He is your family. Someone you can talk to. Someone you can lean on. He won't leave your side like others do. He is enough, Regina."
Nagkibit-balikat lamang ito at wari'y hindi naniniwala sa kanya pero hindi na ito nagsalita. Bagkus ay tahimik nalang nitong tinapos ang pagkain.
[Phone vibrates]
Napansin ni Narda ang pagvibrate ng cellphone n'ya sa bulsa. Nang makita n'yang galing kay General Rex ang text ay kaagad n'ya itong binasa.
"Huwag muna kayong umuwi. Try to find a place na makakapagtago kayo. I saw someone following me on my way home. I'll secure the place first. 'Yong usapan natin. Huwag mong ipaalam 'to kay Regina. Just make some alibi."
Saan naman kaya sila pupunta ngayon? Alas 8 na ng gabi at madilim na sa labas ng restaurant. Palagay n'ya ay hindi na magtatagal bago umulan sapagkat hapon palang ay makulimlim na.
Gusto sana n'ya dalhin si Regina sa bahay n'ya pero mas lalo lang dadami ang kasinungalingang masasabi n'ya kapag sa mansyon n'ya ito dinala.
"Pagod ka na ba? Hindi pa daw tayo pwedeng umuwi. Nagtext ang daddy mo. Magpafumigate daw s'ya sa bahay para sa lamok." She made a straight face. Maski s'ya ay natawa sa alibi na 'yon. Sino namang loko-loko ang magsispray sa ganitong oras ng gabi? Sino ang maniniwala sa kanya? Pero bahala na.
"We can stay in the car until they're finished." She can't believe she bought that alibi. At talagang seryoso ito sa sagot. Regina is as innocent as a child.
"Can we find a place to stay tonight instead? Gusto ko ng maligo."
"Okay. Ikaw ang bahala. Pwede rin tayong lumabas later after we're rested."
Napabuga nalang s'ya ng hangin. Okay na sana na pumayag itong huwag umuwi pero iba naman yata ang plano nito.
"Okay. First things first."
Dinala n'ya ito sa studio-type apartment na ginagamit n'ya kapag ayaw n'yang umuwi sa bahay. Mas malapit ito sa trabaho kaya madalas s'yang magstay rito.
"Who's house is this?"
"Sa tita ko. Pinayagan n'ya akong gamitin 'to since mas malapit ito sa bahay n'yo. Ang layo kasi ng bahay namin kaya mahihirapan ako makarating agad sa inyo kapag kailangan mo ako."
Napatango-tango naman ito at nilibot ang panigin sa loob ng bahay.
Maliit lang ang apartment. May isang kwarto, cute na sala, maliit na dining room, lutuan at banyo. Malinis naman ang bahay kahit maliit ito.
"Nice house." Sabi nito saka naghikab.
"Akala ko ba may plano ka pang lumabas eh mukhang inaantok ka na?"
"Akala ko nga rin eh. Where's your room?"
Hindi pa s'ya nakakasagot ay nabuksan na nito ang pinto ng kwarto saka prenting nahiga sa kama.
Naiiling na naupo si Narda sa sofa sa gilid ng kama at pinagmasdan ang nakapikit na si Regina.
"She's really gorgeous. Ang bait pa. Ang sarap n'ya sigurong maging girlfriend." Naisaisip n'ya pero kaagad rin n'yang sinaway ang sarili sapagkat maling pagnasaan si Regina. Boss n'ya ito kung trabaho n'ya ngayon ang pagbabasehan.
Mas pinili nalang n'yang maligo at hugasan ang madumi n'yang utak.
Tulog na tulog na si Regina ng matapos s'ya sa paliligo.
"Saan naman kaya ako matutulog nito ngayon?" Napakamot s'ya ng ulo. Pagod s'ya at hindi s'ya kasya sa sofa kung doon s'ya matutulog. Maliit ito para sa kanya.
Mas pinili n'yang tumabi nalang kay Regina sa maliit n'yang kama.
Pinilit n'yang pumikit at matulog pero hindi s'ya mapakali sapagkat sa liit ng kama ay nagkakadikit na ang mga balat nila ni Regina. Para s'yang nakukuyente na hindi n'ya mawari. Pinagpapawisan s'ya samantalang kakaligo pa nga lang n'ya.
Tumayo s'ya at nilakasan ang aircon pero pagbalik n'ya sa kama ay kaunti nalang ang space na natitira. Halos sakop na nito ang buong kama. Naiiling na nahiga s'ya ng patagilid at pilit pinagkasya ang sarili sa maliit na espasyo.
Huminga s'ya ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili. "Baka masyado lang akong magalaw kaya ako naiinitan."
Ngunit lalo s'yang nanigas sa kinahihigaan ng yumakap si Regina sa kanya mula sa likuran.
Lalo pang nagsusumidhi ang nararamdaman n'yang init sapagkat ramdam n'ya ang banayad nitong paghinga sa batok at likod ng tenga n'ya.
"I love you." Narinig n'yang bulong nito.
Sinaway n'ya ang sarili sapagkat alam n'yang nananaginip lang ito. Hindi para sa kanya ang mga katagang 'yon, alam n'ya, pero bakit kahit papaano ay nakakaramdam ng kilig ang puso n'ya?
Saka tumunog ang cellphone n'ya. Nang makita n'ya kung sino ang tumatawag ay natauhan s'ya.
"Hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano patungkol sa kanya. Malaking gulo kapag nangyari 'yon."
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella