Chapter 15: If this isn't love, I don't know what it is

289 14 19
                                    

"Time to wake up, Regina." Pumasok si Narda sa kwarto nito para sana gisingin ito.  Alas 11 ng umaga sila aalis para sa pictorial nito out of town kasama si Brian pero hanggang ngayon hindi pa rin ito bumabangon.

Laking pagtataka n'ya ng wala ng Regina na nakahiga sa kama ng buksan n'ya ang kurtina para lumiwanag ang paligid.

"Regi..." tatawagin n'ya sana ito ng bumukas ang pinto ng banyo saka iniluwa ang bagong paligong si Regina.

She can smell her fragrance as she approached her way.

"Good morning." Bati n'ya rito and expected na ihuhug s'ya nito just like she usually do but she didn't. Nilampasan lang s'ya nito at dumiretso sa closet para kumuha ng damit.

She saw her strip her towel. She wasn't even ashamed na ipakita sa kanya ang kahubdan nito.  Regina's acting as if Narda don't exist.

"What are you up to? Is this some kind of a prank? Like ignoring the people in front of you for hours?" Tanong n'ya pero wala s'yang nakuhang sagot mula rito. Pinagpatuloy lang nito ang pagbibihis.

Naiiling na sumandal na lamang sa pader si Narda habang nakapamulsa and watch her in silence.

Regina's phone rang. She picked it up to answer it while doing her make up.

"Hey, Brian?"

"Good morning to you too."

"Yeah, I woke up earlier than I usually do so we can have breakfast before we leave."

"Yeah. You'll be here any minute now?"

"That'll be awesome, i'm starving already."

"Yeah. My driver's coming with us."

"We can use a bigger car and let her drive. You don't need to bring your own."

Nagsisimula na s'yang mainis sa pinag-uusapan ng mga ito.

"The hell with it! Nasasama ako sa usapan yet Regina never said anything and ask if its okay with me. S'ya na ang nagdedecide para sa akin ah. Hindi manlang ba n'ya naiisip na si Brian ang kausap n'ya? Ang taong muntik ng manakit sa kanya? Parang wala lang nangyari ah. Nagsayang lang ako ng effort na ipagtanggol s'ya. Sabagay, sino nga ba ako? I'm just a mere stupid driver."

Huminga na lang s'ya ng malalim para subukang pahupain ang inis. Lumabas nalang s'ya ng kwarto nito at nagprepare ng late breakfast para sa kanilang dalawa.

"Please hurry. Brian will be here any minute from now. You're driving for us. Pakikuha nalang ng gamit ko sa kwarto at pakidala sa sasakyan." Sabi lang nito ng puntahan s'ya nito sa komedor. Ni hindi manlang s'ya nito tinitigan. Basta nalang itong nagdududutdot sa phone nito.

"Hindi ka ba kakain?" Hindi n'ya mapigilang itanong dito.

"Mamaya na. Hihintayin ko pa si Brian.  Sabay na kami."

Akmang tatalikod ito ng mabilis s'yang tumayo at hawakan ito sa braso.

"Ano ba 'tong ginagawa mo, Regina? What are you really up to?"

"I preferred to be called... ma'am Regina. And as for your question,  I don't think I need to explain anything." Iwinaksi nito ang kamay na hawak n'ya dahilan para mabitawan n'ya ito. "Yong puting van ang gagamitin natin, pakilabas nalang sa garahe."

"Damn it!" Napamura na lamang s'ya ng tuluyan na itong makaalis sa harapan n'ya.  Sa inis ay napagbuntunan n'yang suntukin ang pader dahilan para dumugo ng kaunti ang kamao n'ya.

Mas pinili nalang n'yang kunin ang mga gamit nito sa kwarto kaysa ipagpatuloy ang pagkain. Saka n'ya kinuha ang van sa garahe at ipinasok ang lahat ng gamit ni Regina.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon