"Narda?" Napatingala ito sa kanya saglit ng pumasok s'ya sa pinto ng madilim na kwartong 'yon.
Nang makita nitong s'ya lang pala ang pumasok ay bumalik ito sa pagkakayuko sa dalawang tuhod.
"Are you okay? Nakita ko ang ginawa ni Regina kanina. I thought makakapag-usap kayo ng maayos after mo s'yang ilayo doon. Bakit ka n'ya iniwan bigla dito? I saw her drinking with the guys at hindi ka nakasunod sa kanya kaya pinuntahan na kita dito. What happened?"
"Hindi ba sabi mo kapag bumalik s'ya dito, magkakaclosure kami? Sabi mo mawawala na 'tong bigat na dala-dala ko sa dibdib ko ng ilang taon? Bakit parang bumabalik lang 'yong sakit? Bakit parang mas sumakit pa yata ngayon?"
Tumaas-baba ang likod si Narda tanda na pinipigilan nitong marinig n'ya ang mga hikbi nito.
Ilang taon na s'yang kasama nito at ilang taon na rin nitong pilit na inililihim sa kanya ang nararamdamang sakit sa pakikipaghiwalay nito kay Regina. Nakita n'ya kung paanong nagbago ang ugali nito mula sa pagiging sweet at caring tungo sa pagiging reckless at emotionless. Sa kanya nga lang ito madalas magpakita ng emosyon. Habang sa iba, pokerface lang palagi ang nakikita nila.
"Baka kasi hindi kayo totoong nag-usap? Nag-away kayo no?" Sumandal s'ya sa pader malapit dito.
"Can I just avoid seeing her? Aalis nalang ako for 6 months. Lilibutin ko nalang ang mga branches natin sa buong mundo tapos uuwi nalang ako kapag wala na s'ya."
Napailing si Elle. "I don't know that you're a coward, Narda."
"Duwag na kung duwag. Ayokong nararamdaman 'to. Nasasaktan ako, Elle and I can't do anything about it. I feel so helpless. "
"Bakit hindi kayo mag-usap ng maayos? 'Yong mahinahon. Nadadaan naman sa usap ang lahat, 'di ba?"
"Ayoko. Alam mong ayaw ko ng confrontation. Besides, she's the one who left me. She never gave me a chance to explain my side. Nagpakasal nalang s'ya bigla."
"Maybe she's also hurt. Remember the last time we saw her? She caught us in an unseemingly disgusting situation."
"But we weren't doing anything!"
"Yes. But did she knew? Hindi, 'di ba? It was a misunderstanding. You need to talk things over para malinaw ang lahat."
"Wala naman kasi kaming dapat pag-usapan pa. Can't you see? She's happy with her life now. May asawa, may anak, contented na s'ya. Bakit kailangan ko pang makigulo?"
Napasabunot nalang si Elle sa ulo. "Hay! Ang tigas naman ng ulo mo, Narda! Pag ako nainis, ilolock ko nalang kayo sa isang kwarto at hindi ko kayo papalabasin hangga't hindi kayo nagkakausap ng matino."
"Enough, Elle! Ayoko na ng usapang 'to."
Huminga ng malalim si Elle. "Ngayon ko lang 'to itatanong sa'yo, Narda. Mahal mo pa ba si Regina?"
Nakipagtitigan ito saglit sa kanya pero agad rin itong nagbawi ng tingin. "Hindi... hindi ko na iniisip 'yan."
Napangisi si Elle. "You've never been unsure about anything. Lahat sa 'yo may sagot, lahat sa 'yo may explanation, lahat sigurado. But this one? Ayaw mo lang aminin maski na sa sarili mo na mahal mo pa si Regina. I know how hard it is for you na tanggapin na may asawa at anak na s'ya."
"Ghad! G knows how much I wanted to win her back pero alam natin pareho na hindi na pwede! Ayokong masira ang pamilyang meron s'ya."
Lalo lang nalungkot at nakonsyensya si Elle sa nakikita. Hindi n'ya maiwasang magsisi sa mga nagawa n'ya dati.
[Flashback]
"Elle, right?" Napaangat ang tingin ni Elle sa lalaking lumapit sa mesang kinaroroonan n'ya. She's actually waiting for someone sa isang korean restaurant ng lapitan s'ya nito.
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella