Chapter 22: Kidnapped

228 8 6
                                    

"Anong oras na? Bakit wala pa sila?" Palakad-lakad si Gen. Rex sa balkonahe ng bahay n'ya habang hinihintay na dumating sina Narda at Regina.

"Damn! Akala ko ba may isang salita ka, Custodio?"

Idinial n'ya ang number ni Narda pero ring lang ng ring ang cellphone nito. Ganoon din ang kay Regina.

"Pick up your damn phones! Damn it!"

Nakailang tawag na s'ya pero wala talagang sumasagot. He called Narda's superior instead.

"Hello, bok? Are you busy?"

"Hindi naman.  May kailangan ka, bok?"

"Itatanong ko lang sana kung nagawi si Lieutenant Custodio d'yan?"

"Hindi, bok. Saka 'di ba nirequest mo s'ya na maging personal bodyguard ni Regina? May nangyari ba?"

"Wala naman, bok. Hindi pa kasi sila nakakauwi eh. Kagabi ko pa huling nakausap si Custodio."

"Ah, ganoon ba? Baka sa bahay lang ni Narda natulog si Regina? Hindi ba sila nagpaalam sa'yo?"

"Hindi eh. Pwede bang pakitingnan ang address ni Narda sa personal files n'ya? Parang hindi maganda ang kutob ko, bok."

"Okay sige. Itetext ko nalang sa'yo.  Ipapahanap ko muna dito."

"Salamat, bok."

Hindi mapakali si Rex na patuloy ang paroo't parito sa balkonahe.

"Hindi kaya itinanan na ni Narda si Regina? Huwag naman sana. Tiyak na mas malaking gulo 'to kapag nalaman ng press at fans ni Regina. Mawawalan ng career ang anak ko. Malulungkot na naman s'ya."

Maya-maya pa ay tumunog na ang messaga alert tone ng cellphone ni Rex. Naitext na ng superior ni Narda ang address nito.

Kaagad na bumaba sa bahay si Rex para puntahan ang address na itinext ng superior ni Narda sa kanya.

"Sana mali ang hinala ko, Narda. Kapag nagkataong tama ako, pasensyahan tayo."

Papasok na sana s'ya sa kotse ng makarinig ng pangangatok sa gate.

"Sino 'yan?" Tanong n'ya habang naglalakad papalapit dito.

"Si Noah po, sir."

Natigilan si Rex at sandaling nag-isip kung bubuksan ba ang gate o hindi.

Bumuntong-hininga muna s'ya bago binuksan ang tarangkahan.

"Good morning po, sir." Bati nito.

Sinipat n'ya ang lalaki. Nakasuot ito ng coat and tie saka may bitbit na isang bugkos ng pulang rosas. Alam n'yang para kay Regina ang dala nito.

"Wait, sir. Huwag po muna kayong magalit. Alam ko po na pinagbawalan mo na akong magpunta rito o makipagkita manlang kay Regina. Pero hindi ko po talaga kayang mawala s'ya,  sir. Alam ko pong nasaktan ko si Regina ng iwanan ko s'ya. Parehas nating alam na hindi ko po gusto 'yon." Huminga muna ito ng malalim habang sinusubukang pigilin ang luha saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"I've changed, sir. May matino na akong trabaho ngayon. Sineryoso ko na ang pamamalakad sa kompanya ng pamilya namin. May direksyon na po ang buhay ko. Mabibigyan ko na ng maginhawang buhay si Regina kagaya ng gusto mo. She can be proud of me now. You can be proud of me too, sir. Aaminin ko, I was once a pain in the ass. Basagulero ako, happy go lucky. Pagpaparty, pambababae at pagbabarkada lang ang alam ko sa buhay.  But when I met Regina everything has changed.  S'ya lang ang tanging sineryoso ko. Sa kanya ko lang ako tumino."

"Alam mo, Noah..."

"Sir,  with all due respect, wala po akong gustong gawin ngayon kundi ang mabawi si Regina, ang magsorry sa kanya at gawin ang lahat para balikan n'ya ulit ako. But i'll do it right this time. Kaya, sir, nakikiusap ako. Payagan n'yo naman akong bumalik sa buhay ng anak n'yo. Gagawin ko po lahat para madeserve itong second chance na hinihingi ko. Sana bigyan n'yo ako ng second chance, sir." Naglumuhod pa ito sa harap n'ya.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon