Chapter 3: Brian's dillema irl

400 11 28
                                    

[Phone ringing]

Naalimpungatan si Brian sa pagtunog ng cellphone n'ya.

"He-hello?" Pupungas-pungas na sinagot nito ang tawag.

"What did I do to deserve all this, Brian?"

Kaagad s'yang bumangon. Yes, he has so much explaining to do to Julia. Nakalimutan n'yang puntahan ito sa bahay nito kanina.

"Ano ba ang sinasabi mo? Nasa bahay ka na ba? Pupuntahan kita."

May idea na s'yang alam na ni Julia ang balita pero ayaw n'yang mag-assume. Baka may iba itong problema at kailangan s'ya nito ngayon. Kaagad n'yang hinagilap ang pantalon, sapatos at susi ng kotse n'ya para puntahan ito.

"I'm downstairs." Sagot nito. Makakapasok nga ito kung sakali dahil may susi naman ito ng bahay n'ya.

"Ha? Seryoso ka? Disoras na ng gabi nasa labas ka pa? Bakit ka nagpunta? May kailangan ka ba? Emergency?"

Walang nakuhang sagot si Brian mula sa kausap kaya minabuti nalang n'yang lumabas ng kwarto para alamin kung nasa baba nga lang si Julia.

She is.

Nakaupo sa sofa at nakakalat ang bag, cellphone at sapatos nito sa lapag.

"What happened, Juls? You're a mess. Uminom ka ba?"

Naiiling na pinulot ni Brian ang mga gamit nito at ipinatong sa mesa.

"You're suppose to be the one who should be telling me what happened, Bri."

She looked at him. Those deep sad eyes and traces of tears that ruined her make-up says that he's in real trouble. Paniguradong nakita na nito ang balita.

Huminga s'ya ng malalim. "Siguro nabasa mo na 'yong article tungkol sa amin ni Regina."

Tumawa ito ng mahina. "Dapat ba hindi ko malaman, Brian? Dapat ba magbulag-bulagan at magbingi-bingihan nalang ako sa nakita ko? Dapat ko bang ikatuwa ang balitang 'yon?"

Napakamot sa batok si Brian. He's undecided on what to do. Lalapitan ba n'ya ito at aaluin and tell her na fake news at gagawa-gawa lang nila ang balita o icoconfirm n'ya rito na totoo iyon at gagawin n'ya itong rason para makipaghiwalay kay Julia?

"S-sorry." Mahina at halos pabulong nalang na sabi n'ya dito.

Mas pinili n'yang ilihis ang paningin mula sa dako ni Julia sapagkat nasasaktan din s'ya habang nakikita n'yang nasasaktan ito.

"Look at me, Bri. Bakit hindi mo ako magawang tingnan?"

Tumayo ito at nilapitan s'ya. She's a bit wobbly kaya alam n'yang lasing nga ito.

Hinawakan nito ang mukha n'ya. "Titigan mo ako, Brian. Sabihin mo sa akin kung bakit mo nagawa 'to! Hindi mo na ba ako mahal?"

Naglandas ang luha sa mga mata ni Julia. Hinayaan n'yang makita ni Brian na nasasaktan s'ya. Na naghihirap ang kalooban n'ya.

"Alam mo, Bri? Kapag nanonood ako ng movie o teleserye n'yo at sweet kayo, pinipigilan kong magselos. Pinipigilan kong ipahalata sa'yo na nasasaktan ako sa tuwing magtatama ang mga labi n'yo, magkayakap at magkadikit maski na ano'ng parte ng katawan n'yo ni Regina. Sinusuportahan kita, Brian, at iniisip ko nalang na peke 'yong mga tinginan n'yo, na peke ang halikan n'yo para hindi ko na damdamin pa 'yong selos at inis ko sa nakikita ko. Pero 'yong kaninang nakita ko sa presscon? Hindi ko na napigil masaktan. Hindi ko na kayang papaniwalain ang sarili ko na peke din 'yon, na katulad lang 'yon ng mga eksena n'yo sa palabas sa tv at pelikula. Totoo bang kayo na rin ni Regina?"

"Look! Lasing ka na, Juls. Iuuwi nalang kita. Or rather stay in my room. Matulog ka na muna at bukas nalang tayo mag-usap."

He need to think things over. 'Yan ang nasaisip ni Brian ng mga sandaling 'yon.

Nagulat s'ya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ng simulang hubarin ni Julia ang lahat ng damit nito sa harap n'ya.

"Ano 'yang ginagawa mo, Juls?! Magbihis ka nga! Nababaliw ka na ba?"

Kinuha n'ya ang inihagis nitong damit at pilit na ibinalot ito sa hubad na katawan ni Julia.

Sa ilang taon nilang pagiging magnobyo ay hindi n'ya ni minsan inattempt na pagnasaan ito o hingin ang pagkababae nito. Nirerespeto n'ya ang sinabi nitong magsisiping lang sila after nilang ikasal.

"Bakit hindi mo magawang titigan ang katawan ko, Bri? Bakit hindi mo ako pagnasaan kagaya ng pagnanasa mo kay Regina? Dahil ba mas sexy s'ya? Mas matangkad? Mas maputi? Mas makinis? Ano ba ang meron s'ya na wala ako para ipagpalit mo ako sa kanya ng ganoon-ganoon nalang? Come on, Bri. Take me!" Inagaw nito ang damit mula sa pagkakahawak n'ya at inihagis sa mas malayo. Hinawakan nito ang kamay n'ya at pilit na inilagay sa hinaharap nito pero kaagad n'yang binawi ang kamay.

"Hindi naman sa ganoon, Juls. Hindi pa ito ang tamang panahon." Pilit iniiwas ni Brian ang mata sa kahubdan nito.

"Fuck you! Kung ako, hindi pwede? Kung si Regina, halos maglaway ka? Kung sa akin, nakakapagpigil ka pero kay Regina, game na game ka? Damn you!" Nagulat s'ya ng hawiin nito ang vase sa gitna at ubos lakas nitong sinuntok ang salamin ng mesa dahilan upang mabasag ito. Paulit-ulit din nitong hinampas ang basag na salamin hanggang sa magdugo ang kamay nito.

"Juls! Enough! You're bleeding!" Pilit n'yang hinuhuli ang kamay nito. "I said enough!" Sigaw n'ya na nagpatigil sa pagwawala nito.

Napaupo ito sa gilid ng sofa habang tahimik na humihikbi. Hawak pa rin n'ya ang nagdudugo nitong kamay. Lumuhod s'ya sa harap nito.

"Calm down, please. Mag-usap nalang tayo kapag matino ka na. Halika. Maupo ka muna sa sofa at ng magamot ko 'yang sugat mo. Sigurado akong masakit 'yan."

"May sasakit pa ba sa nararamdaman ko, Brian? You fooled me! You and Regina betrayed me! Naglalaro na pala kayo ng apoy kapag nakatalikod ako. You make fun of me! Sana sinabi mo nalang ng harapan na hindi mo na pala kayang magtimpi at nangangati na 'yang ano mo. Sana kinamot natin 'di ba?"

"Stop it! Watch your words, Julia!"

"Hindi ako bastos na tao, Brian. Pero inunahan mo akong bastusin. Mahal kita, Bri. Mahal na mahal na willing akong magpakagaga at magpakababa para lang sa'yo. I kept lowkey and never asked you na ipakilala ako sa buong mundo bilang girlfriend mo. Oo alam ng mga kaibigan natin, ng mga pamilya natin at ng iba mong kasama sa showbiz ang tungkol sa atin. Pero alam ba ng madla? Hindi, 'di ba? Tuwang-tuwa pa nga silang iship kayo ni Regina. Konting kibot, konting pasweet, kinikilig na. Lahat binibigyan ng malisya. Konting akbay at bulungan iniissue na. Samantalang ako na girlfriend mo, ni akbay, ni hawak ng kamay, hindi magawa in public. Kapag nga may nagtatanong na kakilala kung kaano-ano kita, sasabihin kong kaibigan lang, kabarkada lang. Pati sa social media kinailangan kong ideny ang relasyon natin. Okay lang sana eh. Suportado naman kita. Kahit restrained lahat ng kilos ko tungkol sa kung ano'ng meron tayo, okay lang sana. Lahat pilit kong nilulunok pero bakit niloko mo pa rin ako, Bri? I thought we were okay. I thought contented ka na sa kung ano ang meron tayo. Hindi pala. Now i'm starting to question myself if have done anything wrong. Kung nagkulang ba ako sa relasyon na 'to. Now I lose the confidence on believing that I am enough for you or for anybody else. Please do me a favor. Get out of my sight from now on."

Hindi na nito hinintay na magsalita pa s'ya. Kinuha nito ang mga gamit at nagbihis bago lumabas ng bahay n'ya at pabalibag na isinarado ang pinto.

"Damn!" Nasipa na lang ni Brian ang nakasaradong pinto. "Kung alam mo lang, Julia. Kung alam mo lang."

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon