Chapter 5: First meeting

378 20 10
                                    

"Hmmm..." Naalimpungatan si Regina sa mga haplos ng kung sino sa buhok n'ya.

Pagmulat n'ya ng mata ay nakita n'yang nakatunghay sa kanya ang daddy n'ya.

"Dad?"

"How's my baby? Thank God, gising ka na. Hinayaan na kitang matulog magdamag para makapagpahinga ka." Ngumiti ito at hinalikan s'ya sa noo.

"I'm fine, Dad. Why?" Saka pa lamang n'ya naalala ang huling nangyari. Nasa dagat s'ya at nagpapakalunod para makasama na ang mommy n'ya.

Kaagad n'yang iginala ang paningin sa kwartong kinaroroonan n'ya saka napatingin sa hospital gown na suot n'ya at sa swerong nakakabit sa kamay n'ya.

"I'm still alive." Parang nalungkot pa s'ya sa isiping buhay pa s'ya at hindi nalunod sa dagat.

"You are, baby. Mabuti nalang at may sumagip sa'yo bago ka tuluyang malunod."

Hindi s'ya umimik at tumingin na lamang sa labas ng bintana.

"If you only knew. Sana nalunod nalang ako. Problema lang ang dala ng mundong ito sa akin. Now that i'm still alive, I have to face this cruel world again. I have to deal with the bashing, issues and problems related to work and with my personal life as well. Bakit ba kasi hindi mo pa ako kinuha, mommy? Ang daya mo talaga." Hindi n'ya namalayang nakakuyom na pala ang kamao n'ya.

Hinawakan ni Rex ang kamay ng anak.

"Iiwan mo na ba si daddy, baby?"

Nababanaag n'ya ang kalungkutan sa mga mata ng ama n'ya. Pero wala s'yang nararamdamang awa sa puso n'ya para rito. She loved her dad but she started hating him for being around after he mess and meddles with her decisions in life.

"If I only had a choice." Sagot n'ya rito.

Napabuntong-hininga ito. "Hanggang ngayon ba sinisisi mo pa rin ako sa paghihiwalay n'yo ni Noah? Is it the reason why you tried to drown yourself on liquors and take your own life? 'Yon lang ba ang rason, Regina?"

"Yon lang? No! It's not just it! You'll never understand! Hindi mo talaga ako maiintindihan, dad, because you're not mom! I want my mommy back!" Sigaw n'ya rito. She can't contain her emotion. Palagay n'ya ay kusa s'yang sasabog kapag hindi n'ya nailabas ang nararamdaman.

"Damn it! If I could just trade my life for the life of your mom, ginawa ko na, Regina! Can't you see? Ginagawa ko ang lahat para sa'yo. I work so hard to give you everything. But you never appreciate it!" Galit ring sagot nito.

"If you really care for me, dad, you'll give a damn about my feelings, even the slightest! But you didn't. You love your work more than you love me! Noah was my everything. He's the only person who made me smile after my mom died. He give me comfort, a shoulder to cry on, a friend and even just a company when no one wants to listen when I talk. But you ruined everything for us. He left me because of you! And now, everything's a mess! With work, with you, with everything! Sana hinayaan n'yo nalang akong malunod!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Regina.

"How could you!" Matalim na titig ang ibinigay n'ya sa ama habang sapo ang pisnging sinampal nito.

"I... I'm sorry, baby. Nabigla lang ako."

Pilit hinawakan ni Rex ang pisngi ng anak pero pumiksi ito.

"Don't touch me, dad!"

Huminga ito ng malalim at tumayo sa gilid ng kama n'ya.

"Sorry at nasaktan kita, Regina. Nabigla lang ako. I have my reasons at balang-araw malalaman mo rin kung bakit ko ito ginagawang lahat. You're the only family that's left for me kaya ayokong mapahamak ka. Ayokong mapunta ka sa maling kamay. I only want what's the best for you. Maiintindihan mo rin ako. If not now, maybe in the future. And you will thank me for it. Wala akong magagawa kung galit ka sa akin, kung ayaw mo sa akin at kung mas gusto mong mommy mo ang nandito kaysa ako. I'm still your dad and as your dad hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala at makialam sa mga desisyon mo sa buhay. Wala akong ibang gusto kundi ang mapabuti ka."

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon