Chapter 25: Mas tanggap pa sila sa probinsya

247 11 5
                                    

"Sino kayo?"

Napamulat ng mata si Narda ng makarinig ng boses ng babae.  Papungas-pungas na niyugyog din n'ya si Regina para magising ito.

Inilibot ni Narda ang mata sa paligid.  Wala na ang mga kaing na ginawa nilang taguan kanina. Madilim na paligid at tanging lampara lang ang nagsisilbing liwanag para makita nila ang tatlong taong nakatayo sa labas ng truck. Isang matandang babae at ang dalawang pahenante ng truck. Napasiksik si Regina sa kanya na halatang takot sa mga mapanuring titig ng tatlong estrangherong nakatayo sa harap nila.

Kaagad na tumayo si Narda at inalalayan si Regina pababa ng truck. Umatras naman ang tatlo na wari'y pinangingilagan din sila.

"Sino kayo? Bakit kayo nagtatago sa truck na 'yan?" Tanong ulit ng matanda na s'ya ring may hawak ng lampara. Pilit nitong inilalapit ang lampara sa mukha nila upang masuri sila nito ng mabuti.

Kinapa naman ni Narda ang baril na isinuksok n'ya sa likod kanina. Mas pinili n'yang maging maingat at alerto baka kalaban ang tatlong nakadiakubre sa kanila.

Tahimik na nagpakiramdaman at nagtitigan lamang silang lima ng biglang tumunog ang tiyan ni Regina. Nahihiyang kinapa nito ang gutom na sikmura. Kagabi pa nga pala sila hindi kumakain.

Tumawa naman ng malakas ang matanda. Kita ang bunganga nitong puro gilagid nalang at wala na ng natitirang ngipin pa.

"Natatakot kayo sa dalawang magagandang dilag na 'yan? Ang duduwag n'yo, mga hijo. Mas matakot kayong walang matirang kanin sa kaldero para sa inyo mamaya. Parene kayong dalawa. Tara sa kusina ng makakain na muna. Mamaya na ang tanungan. Unahin munang lamnan ang tiyan."

"The two of us po?" Tanong ni Regina.

"Dyaski! Mukhang engglisera pa yata ang mga ito. Yes, hija! You."

Akmang susunod si Regina sa matanda ng hinahin s'ya ni Narda palapit.

"Dito ka lang, Regina." Mahina n'yang bulong dito.

Nginitian lang s'ya ng matanda saka umiling-iling.

"Okay lang 'yan, hija. Hindi kami nangangain ng tao.  Baka ikaw pa ang kakain sa amin dahil sa gutom." Tumawa na naman ito.

"I'm starving, Narda. Please." Pagmamakaawa ni Regina.

Huminga ng malalim si Narda at tumango. Sumunod na sila sa matanda papasok ng bahay.

Inikot ni Narda ang paningin sa pinasukan nilang bunggalow.  Maluwag ang bahay na yari sa purong kahoy. Maski ang sahig nito ay yari din sa hinamis na tabla ng malalaking puno at pinakintab na lamang ng floorwax.

Dumiretso sila sa komedor. 

"Pasyensya na po sa abala. Babayaran nalang po namin ang kakainin namin.  Babalik po kami dito kapag nakakuha na kami ng na pera sa bahay. Galing pa po kami ng Maynila." Sabi ni Narda habang hinahainan sila ng pagkain ng matanda.

"Uso naman ang magpasalamat nalang, hija." Ngumiti na naman ito.

Isang malaking pinggan ng umuusok pang kanin, adobong sitaw,  pinakbet at pritong isda ang inihain ng matanda sa kanila.

"Sana kumakain kayo n'yan, hija. Malayo kami sa kabayanan kaya hindi kami madalas mag-ulam ng baboy dito. Hayaan n'yo at ipagkakatay ko kayo ng manok bukas."

"I like veges. Masarap po ito. Salamat po." Sabad ni Regina at hindi na nakapagpigil pang kumuha ng kanin at ulam saka mabilis na kumain kahit mainit pa ito. "Hmmm... These are yummy po."

"Sige lang, hija.  Kain lang." Halatang tuwang-tuwa din ang matanda kay Regina na maganang kumakain.

Tahimik naman na kumuha na din ng pagkain si Narda. Hindi man n'ya aminin ay nakaramdam din s'ya ng gutom ng maamoy ang masarap na luto ng matanda.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon