Chapter 53: Ay ewan!

213 11 5
                                    

“Nar-" napatigil si Regina sa pagpasok sa office nito ng makitang hawak ng isang lalaki ang kamay nito. Kapwa ito napalingon sa kanya.

Tumigil s'ya sa pinto at binistahan ng tingin ang lalaki. He has dark brown hair, thick brows, deep brown eyes, pointed aristocratic nose, thin red lips and fair skin. Gwapo ito in a sense of that word. Regina thought about him having a respectable job with his formal get up. Amerikana nalang ang kulang at masasabi na n'ya na businessman din ito sa tindig at pananamit. Or a model, since he is well built at magaling pomorma.

"But why the hell is he holding Narda's hand?" Iyon talaga ang nakakapagpabagabag sa utak ni Regina.

"Busy ka pala. Babalik nalang ako some other time." Akmang tatalikod s'ya sa dalawa ng magsalita ang lalaki.

"No! It's okay, miss. Kinukulit ko lang itong si Narda about marrying me."

Nagulantang s'ya sa narinig pero she kept her cool and made herself unreadable before facing them.

"Talaga ba?" Tumingin s'ya sa dako ni Narda wishing for her to answer that question para malaman n’ya kung totoo ang sinasabi nito pero ni hindi ito nakatingin sa kanya. Busy ito sa kung anumang binabasa.

"Uhm, yeah! Actually I was planning to court her again to make her say yes to my proposal. We're childhood sweethearts and we made a promise to get married when we grow old." sagot ng lalaki sa tanong n’ya.

"Wow!" 'Yon lang ang salitang lumabas sa bibig ni Regina habang nakatitig pa rin sa dako ni Narda.

"Nakakatawa, right? Promise bata lang 'yon pero sineseryoso ko. But I intend to make it real lalo pa at brokenhearted itong boss n'yo. I want to make her happy. Who knows, ako talaga 'yong endgame ni Narda. I might be that someone who make her believe in love again. That someone who'll take care of her until she grow old."

Napatitig s'ya sa lalaki. Walang halong pang-uuyam o pagbibiro ang tono ng salita nito. Seryoso din ang mukha nito.

"D-do you agree, boss? Handa ka bang magtake ng risk sa kanya? Ho-how about her?" She want assurance. Gusto n'yang marinig mula kay Narda na kahit ano pa man ang nangyari, s'ya pa rin ang pipiliin nito.

Ibinaba nito ang binabasa at tumitig sa kanya. "That person never gave me a choice. She's my kind of 'pinagtagpo ngunit hindi itinadhana'. Isa s'ya sa mga taong dumating sa buhay ko just to give me a lesson and to make me realize that I can still breath and live even without her. Kapag iniwan kasi tayo ng taong mahal natin, magmamakaawa tayo for them to stay. Tell them that we can't live and breath without them and that we can't have a life after they left. Pero sa isip lang din pala natin 'yon. We'll eventually meet another person who will make us believe in love and second chances again. Someone who will stay without us asking for it. So, yeah! I'm considering his offer."

Natakot s'ya bigla. Hindi para kay Narda kundi para sa sarili. She can't lose Narda with a man. She can't afford to lose her with anyone.

Nagbabadyang pumatak ang luha n'ya kaya mas pinili n'yang tumalikod nalang.

"What can I say?! Congrats in advance, boss. Congrats, sir.”

Hindi na n'ya hinintay ang sagot ng mga ito at mabilis na tinungo ang pinto palabas sa opisina ni Narda.

"The hell with this fucking situation!" Napasandal s'ya sa nakasaradong pinto. She felt so hopeless and helpless.

"I don't want to lose her! I can't just lose her like this!” Nagpalakad-lakad s'ya sa labas ng opisina trying to figure out of what she's going to do next.

"Okay! Enough of this already! I'm so fucking done with it!"

Pinahid n'ya ang luha at inayos ang sarili. Binuksan n'ya ulit ang pinto at hinarap ang dalawa.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon