"Regina, nakikinig ka ba?" Untag ni Noah sa kanya.
Wala sa ikinikwento nito ang atensyon n'ya kundi kay Narda at Elle na hindi n'ya alam kung nananadya bang inisin s'ya at naglalampugan pa talaga sa harap n'ya.
"I hate you for doing this to me, Narda. Minahal kita pero niloko mo lang pala ako. You took advantage of my vulnerability. You fucking played with my feelings." Masakit ang mga titig na ipinupukol n'ya sa dalawa.
"Regina?"
Naikuyom n'ya ang kamao ng makitang umupo si Elle sa lap ni Narda. "Fuck you, Narda! Damn you!"
Nagulat s'ya ng yakapin s'ya bigla ni Noah.
"Tama na, Regi. Its's not helping. Paano ka makakamove on kung tititigan mo sila ng ganyan?"
She hugged him back. "I'm sorry, I-I can't help it."
Bumuntong-hininga si Noah. "Hindi ko alam kung paano ko nagagawang tanggapin 'to. You're insulting me, Regi. Harap-harapan pa."
Napayuko s'ya sa sinabi nito. "I'm sorry." Tanging nasambit n'ya.
"Sorry for what? You know you were never sorry about loving her kahit nasasaktan ka n'ya ng ganyan. Sa araw-araw na magkasama tayo at nakikita kitang ganyan, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pa kita iniwan noon. Ang gago ko ng pinakawalan kita, pero nagmumukha akong mas gago ngayon dahil ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo. Alam ko namang hindi na ako ang laman ng puso mo kundi s'ya na."
Regina bite her lower lip to stop herself from crying.
"How can I unlove her and love you instead? Pilit ko naman kasing sinasabi sa sarili ko na hindi n'ya ako minahal, na pinaglaruan n'ya lang ako, na niloko n'ya ako at dapat akong magalit sa kanya, na dapat ko s'yang kamuhian... pero hindi ko magawa. I love her. I still do."
"Bakit hindi ka nalang sumama sa akin? Magpakalayo-layo tayo. Pumunta tayo ng Australia. Bumuo tayo ng sarili nating pamilya at ibaon ang lahat sa nakaraan. Tutulungan kitang kalimutan s'ya. Marry me for real, Regina."
Tumingin ulit s'ya sa dakong inupuan nina Narda pero wala na ang dalawa.
"Seryoso ka talagang pakakasalan mo ako, Noah? Alam mo na ngang hindi na kita mahal, 'di ba? I actually said that marriage thing sa harap ni Narda para inggitin at inisin lang s'ya. I didn't mean it."
"Sobrang mahal kita, Regina, kaya i'm giving us another chance. Minahal mo naman ako dati kaya susubukan kong ibalik ang pagmamahal mo na 'yon. I want you back, Regina, and I mean it. Marry me. Please."
Huminga s'ya ng malalim at inalala ang usapan nila ng daddy n'ya.
[Flashback]
"Babalik ako doon, dad. Babalikan ko si Narda." Pilit na hinahawakan ng daddy n'ya ang kamay ni Regina matapos s'ya nitong mahuling tumatakas. Papalabas na sana s'ya ng gate ng mga oras na iyon.
Narealize n'yang kahit gaano pa man s'ya pinagtatabuyan ni Narda palayo, mahal pa rin n'ya ito kaya pipiliin pa rin n'yang ipagsiksikan ang sarili dito. Ipagpipilitan n'yang mahalin s'ya nito pabalik.
"Nahihibang ka na ba, Regina? Narinig mo naman s'ya, 'di ba? Hindi ka n'ya mahal. Saka tigilan mo na nga 'yang pag-iilusyon mo! Babae ka, Regina! Ang babae ay para sa lalaki lang! Ikaw ay para lang kay Noah!" Pagalit na hinila s'ya nito pabalik sa loob ng bahay.
"Please let me go, dad. I want to be with her. Hindi mo ako mapipigilan, dad. Gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan makasama ko lang si Narda." Pilit n'yang kinakalas ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella