Chapter 8: Confusion over kilig

343 15 29
                                    

"Hmmm... Why is it so hot?" Naalimpungat si Regina mga bandang hatinggabi ng makaramdam ng init. Idinilat n'ya ang mata at iginala ang paningin sa paligid.  Sobrang dilim pero aninag n'ya ang kabuuan ng kwarto.  Doon lang n'ya naalalang nasa apartment pala s'ya ni Narda.

"Gosh! I forgot to take a bath that's why it feels so hot." Naalala n'yang nakatulog pala s'ya kaagad pagdating nila.

Babangon na sana s'ya ng mapansin ang posisyon sa kama.  Nakayakap s'ya sa katabi na n'yang si Narda.  Nakatagilid ito paharap sa kanya at mahimbing na ang tulog.

Hindi n'ya maiwasang titigan ito ng malapitan.

"She got sexy brows and eyelashes. She has this cute little nose. And her lips,  hmmm,  I wonder how they taste like."

Nagtagal ang mga mata ni Regina sa nakatikom na labi ni Narda.

"They're naturally red. She doesn't have to use lip tint or lipstick to make it look attractive.  It's appealing all by itself."

Parang may kung anong mahika na hindi mawari ni Regina ang tumutulak sa kanya para halikan si Narda.

She planted a soft light kiss on Narda's lips but abruptly withdraws after.

Parang napapasong napalayo s'ya kay Narda ng matauhan at kaagad bumaling sa kabilang bahagi ng kama.  Ramdam n'ya ang pag-iinit ng namumulang pisngi. Bigla s'ya nahiya sa ginawa.

"What have I done? Did I just raped her? I took advantage of her without her knowlegde."

Bigla s'yang tumayo at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto.

"Paano na bukas? Paano ako haharap kay Narda?"

Nang walang makuhang sagot ay ipinasya nalang n'yang pumasok sa banyo para magshower. Pinilit n'yang iwaksi sa isip ang ginawa ngunit paulit-ulit lang itong bumabalik at kusang nagrerewind sa utak n'ya.

"Nababaliw na yata ako. It feels so weird. This is insane! I kissed a girl but I liked it. Ahh! I want to scream, damn it! What's happening to me?"

Matagal s'yang nanatili sa ilalim ng dutsa at nilalamig na s'ya pero wala s'yang kabalak-balak lumabas sa banyo. Ayaw gumalaw ng mga paa n'ya.

"Argh!  I hate this feeling! I felt guilty. Bakit ko ba naisip gawin 'yon?"

"Regina!" Anas ni  Narda na lalong nagpastiff sa kanya.

Gising na pala ito. Or gising ba ito kanina ng halikan n'ya? Is she here to confront her? Ang lakas ng tibok ng puso n'ya.  How will she explain to her? Magpipretend nalang ba s'yang walang alam para isipin nitong nananaginip lang s'ya ng ginawa n'ya 'yon?  O aaminin n'ya at magsosorry s'ya? Or act normal like nothing happens. Dedma nalang?

"L-let me explai..."

"Shhh!" Sabi nito sabay takip ng kamay nito sa bibig n'ya.

Mabilis nitong pinatay ang ilaw at ang shower sa likod n'ya. Hinayaan lang nitong bukas ang pinto at isinandal s'ya nito gilid gamit ang sariling katawan at sa wari n'ya ay nakikiramdam sa paligid habang pasilip-silip sa bintana ng kwarto nito.

Lalo s'ya nitong idinikit sa may gilid ng pader ng banyo ng marinig na parang may nanunubok na buksan ang pinto ng kwarto nito.

Naririnig n'ya ang lakas ng tibok ng puso nito at ang lalim ng paghinga nito.

"Does this scene excite her? Why are we doing this? Why are we this close?" Tanong ni Regina na walang muwang sa kung anong gulo ang meron sa labas.  Ang nasa isip n'ya ay ang pagkakadikit ng basa at hubad n'yang katawan kay Narda.

"Narda," Anas s'ya. "What..."

"Shhh! Huwag kang maingay.  May tao sa labas. Hindi dapat nila mapansin na nandito tayo." Bulong nito sa tenga n'ya. Lalo itong lumapit sa kanya at halos yakap na s'ya nito ng mga sandaling 'yon.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon