"Hindi mo manlang ba s'ya hahabulin, hija?" tanong ni lola Berta kay Narda habang tinutulungan s'yang makatayo.
"Gustuhin ko man po, hindi ko gagawin." Napaupo si Narda sa naroong silyang rattan saka huminga ng malalim.
"Ikukuha kita ng tubig saglit."
Sandali s'yang iniwan ni lola Berta sa kinauupuan.
Naihilamos na lamang ni Narda ang kamay sa mukha n'ya saka tumingala sa langit para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata n'ya.
Mas masakit ang puso n'ya kaysa sa suntok sa sikmurang natamo mula sa daddy ni Regina.
"Mamaya ay babalik na rin dito ang mga pahenante ng gulay. Pwede kang sumama sa kanila pabalik ng bayan bukas, hija. Heto ang tubig mo. Inumin mo ng mabawasan 'yang pamumutla mo."
Hinawakan lang ni Narda ang inabot na baso ng matanda. Tinitigan n'ya ang mukha sa tubig saka bumuntong-hininga. Tama nga ito. Masyadong maputla ang mukha n'ya. It has lost its natural glow sa hindi malamang kadahilanan.
"It sounds funny. This is not me. Hindi ako to, lola." Mapait s'yang ngumiti sa matanda.
Tinapik s'ya nito sa balikat at naupo sa tabi n'ya. Tahimik lang itong naghihintay sa mga sasabihin pa n'ya.
"I was once selfish and a rebel. Never ko inuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili ko. I usually get what I wanted kahit na may naaapakan pa akong tao." Napasabunot sa ulo si Narda sabay tawa.
"Bakit hindi ko magawang maging selfish pagdating sa kanya, lola? Nasa akin na ang lahat ng karapatan. She's my girlfriend. She loves me and I can feel it. Akin na s'ya ng buong-buo, lola. Akin na dapat s'ya." Pumatak isa-isa ang mga luhang kanina pa n'ya pinilipit na pigilan.
"Bakit mo nga ba ginagawa ito, Narda? Bakit kailangan mong magsinungaling sa harap n'ya? Bakit kailangan mong sabihin na hindi mo na s'ya mahal gayong nakikita ko namang mahal mo talaga s'ya?"
"Ayaw ko s'yang mamili, lola. Ayokong mahirapan s'yang mamili sa amin ng daddy n'ya. Hindi dapat s'ya namimili Nakikita ko ang daddy ko sa daddy n'ya. Daddy loved me so much that he wanted to give me everything he owns. Kapakanan ko lang ang inisip n'ya. But I was this self-centered bratt na walang inisip kundi ang sarili kong kaligayahan. Nasaktan ko ang daddy ko dati. Ayaw kong maramdaman ng daddy ni Reginq ang naramdaman ni dad noon. Gusto kong manatiling mabuti at masunuring anak si Regina sa paningin nito. Ayokong madisappoint ni Regina ang daddy n'ya kagaya ng nagawa ko noon. Kahit sa ganito manlang paraan maging proud si daddy sa akin for i'm doing everyone a favor. I'm making everyone happy."
"Pero hindi ang sarili mo, Narda. Hindi ka masaya sa ginawa mo. Sinasabi ng mga luha mo 'yan sa akin."
Pinalis ni Narda ang mga bakas ng luha sa mukha gamit ang kamay n'ya.
"Ayoko ng magkagulo pa, lola. Ayokong maipit si Regina sa amin ng daddy n'ya. Okay lang po ako. I can manage. I lived my life alone for a long time kaya magagawa ko ulit 'yon ngayon. Makakaya ko ulit nabuhay ng wala s'ya."
"Hay kang bata ka." Naiiling na sambit ni lola Berta.
"Gusto ko lang pong maging masaya si Regina... totoong masaya. At sa tingin ko hindi ako ang makakapagbigay n'yon sa kanya. Regina and I can't be totally happy lalo na at may ibang taong nasasaktan. Hindi masaya 'yong ganoon, lola."
"Natuto ka ng magparaya dahil sa pag-ibig, Narda. Wagas at tunay na pagmamahal na 'yang nararamdaman mo para kay Regina. Handa mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa kanya."
"Damn it! Fuck it! Bakit ba kasi ganito kasakit maglet go ng minamahal?! Ganito ba dapat kahirap 'to?" Pilit na kinakagat ni Narda ang pang-ibabang labi para pigiling mapabulahaw ng iyak.
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella