Chapter 6: Feeling weird

367 15 4
                                    

"Stop staring." Naisa-isip ni Narda habang patuloy sa pagmamaneho ng sasakyan ni Regina.

Kanina n'ya pa ito nahuhuling nakatitig sa kanya mula sa side rearview mirror.  Medyo naaasiwa tuloy s'ya sa mga titig nito.

"Naalala kaya n'ya ako? Narerecognize ba n'ya ako kaya ganyan s'ya makatingin?"

Dalawang beses ng nagtagpo ang mga landas nila ni Regina.  Una sa resort at pangalawa ng sagipin n'ya ito mula sa pagkakalunod.

Well, if stalking her from the bar counts maaaring tatlong beses na. Nagkataong nasa bar din s'ya ng mga oras na inaway ng isang babae si Regina. She can't help but eavesdop. She curiously followed her after she leave the bar crying. Mabuti nalang at ginawa n'ya 'yon kundi tuluyan na itong nalunod.

"You're too beautiful to be a driver." Untag nito sa kanya.

"Huh?" She glanced at her on the rearview.

"I said you doesn't fit to be a driver." Pagrerephrase nito sa sinabi.

"Mas gusto ko 'yong una mong sinabi." Nginisihan n'ya ito.

Tumawa ito ng mahina.  "I thought you didn't hear me. Well,  totoo naman. You're pretty. You look smart too.  You can be a model,  an artista or a beauty queen.  But why did you choose to be my driver?"

Napalunok si Narda. She don't usually lie.  Ang totoo ay never s'yang nagsinungaling sa kahit na ano mang bagay.  Pero iba ang sitwasyon ngayon.  She have to.  She need to lie.

"Malaki ang pagkakautang ko sa daddy mo.  Hindi na ako makabayad kaya sabi ko magbabayad nalang ako sa kahit na anong paraan. Sakto na nagresign pala 'yong dati mong driver kaya sabi n'ya ako nalang daw ang pumalit para makabayad sa utang ko paunti-unti."
 
Napatango-tango naman ito na wari'y naniniwala sa rason n'ya. Nakahinga s'ya ng maluwag.

"But if you want some help, maybe I could give a hand. May mga kilala akong pwedeng makatulong to give you a job that fits you."

"Ayos lang.  Mas gusto ko 'to. Padrive-drive lang ng magandang kotse. Tapos kasa-kasama ko pa ang isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas.  Ayaw ko pa ba n'yon? Sanggang-dikit kami ni Regina Vanguardia oh.  Para na rin akong artista pagkaganoon."

Imbis na ngumiti ito sa joke na 'yon ay bigla na naman itong nalungkot at ibinaling ang mata sa labas ng bintana.

"Those sad eyes. I really hated it.  Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko s'yang malungkot. Hindi ko naman s'ya kilala,  ni hindi ko naman alam ang kwento ng buhay n'ya pero bakit ganito nalang ako kung mag-alala para sa kanya? Nalaman ko nga lang na artista s'ya at anak s'ya ng dati kong boss ng gabing sinagip ko s'ya. Maski ako ay nagtataka kung bakit nga ba ako pumayag na ibaby sit ang pasaway na anak ni General gayong pwede naman akong maupo nalang sa opisina at ituloy ang trabaho ko bilang pulis?" Natanong n'ya sa sarili habang sumusulyap sa nanahimik na si Regina.

"Mas bagay sa'yo ang nakangiti." Sabi n'ya para kunin ang atensyon nito.

Umiling lang ito.  "Don't mind me. Ganito lang talaga ako."

May kinuha itong flask sa bag at ininom nito iyon. Alam n'yang alak ang laman n'yon kaya napabuntong- hininga na lamang s'ya.

"Bakit ba ako nakakaramdam ng lungkot sa tuwing nalulungkot s'ya? Bakit pakiramdam ko gusto ko s'yang aluin at yakapin? Bakit parang may nagtutulak sa akin na sabihin sa kanya na andito ako para sa kanya? We barely know each other."

"Ang aga naman n'yan.  May trabaho ka pa ngayon, 'di ba?"

Ngumiti ito ng pilit. "Konti lang naman. Just to calm my nerves."

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon