“Damn it! Dapat malaman ko kaagad kung nasaan ang mga hayop na 'yon! Hindi sila pwedeng basta nalang mawala sa paningin ko!"
Ilang araw na s'yang naghihintay sa tawag o text mula kay Regina pero wala. Ni hindi manlang ito nagparamdam sa kanya.
"They killed my dad, they ruined my career and now they're ruining my life! Dapat silang magbayad sa mga ginawa nila sa akin! They can't get away with it! I swear!"
Palakad-lakad ito sa sala ng bahay n'ya trying to think of a better way para mas mapadali ang paghahanap n'ya sa dalawa.
Napalingon s'ya sa purse na nasa mesa n'ya.
"Julia! Yeah! I should find her first! I think may contact s'ya sa dalawa. Kailangan mapigilan ko s'yang mabalaan sila. She saw the clippings on the wall... siguradong may alam na s'ya ngayon kaya kailangang madispatsa ko na rin s'ya. But where should I search for that bitch? For sure pinagtataguan na rin n'ya ako ngayon."
Napahawak s'ya sa ulo at napaupo sa sofa. Nanginginig ang kalamnan n'ya sa galit at nanlilisik ang mga mata. Mahaba na rin ang balbas n'ya kaya nagmumukha na s'yang goon na may masamang balak talaga. Pero wala s'yang pakialam sa sarili n'ya. Ang gusto n'ya lang gawin ngayon ay ang gantihan ang dalawa at pagbayarin sa pagkamatay ng daddy n'ya 3 years ago.
"Kailangang maipaghiganti kita, dad! You did not die because of drug dealing o kahit sa pangingidnap na ginawa mo kina Regina Vanguardia at Narda Custodio. They killed you because they're mean! Mga masasamang tao sila! They must go to hell!"
Binuksan n'ya ang tv at nasakto sa business news ang palabas.
"Kung siniswerte nga naman oo." Humalakhak s'ya habang nakikinig sa interview kay Narda.
"Settle down pala ha? Settle down on your grave, Custodio!"
Tumayo s'ya at kinuha ang bag at jacket na nakapatong sa couch.
"Now, I don't need Julia para mahanap kayo. Kayo mismo ang nagpahanap sa akin. That means atat na atat na talaga kayong mapatay ko. So wait for me ladies, i'm coming!" Humalakhak ito habang papalabas ng bahay n'ya.
Tinungo nito ang sasakyan at sumisipol pang pinaandar ang makina. "La Union! Here I come!"
After hours of driving, nakarating na rin s'ya sa hacienda ng mga Custodio.
"Akalain mo nga naman o! Sobrang yaman pala ng Narda Custodio na 'yon. Nagpanggap pang driver ni Regina ang loka, 'yon pala type lang n'ya ang kaloveteam ko! Mga galawan din talaga eh! Pasimple lang pero nakakabingwit talaga."
Nakatanaw s'ya sa mansyon habang nakakubli sa likod ng malaking punong-kahoy. Inaabangan ang sinumang lalabas mula sa loob.
Nanlisik ang mga mata n'ya at naikuyom n'ya ang kamao ng makita n'ya si Regina na kakalabas lang ng pinto. Nakasuot lang ito ng puting sando at maong na shorts. Tumigil ito sa gitna ng bakuran at tumingala sa kalangitan kasabay ng pagpikit nito ng mata.
"Urgh! Kung hindi ka lang talaga nakagawa ng masama, Regina, gugustuhin ko sanang maging asawa ka kaso umepal kayo ni Custodio eh. Umepal kayong dalawa kaya mas gugustuhin kong patayin kayo kaysa maging asawa ang isa man sa inyo!"
Sumandal s'ya sa punong-kahoy habang pinagmamasdan ang bawat galaw nito. Hindi kalayuan kay Regina ang punong kinaroroonan n'ya kaya't kitang-kita n'ya ang ekspresyon ng mukha nito. Sadyang madilim lang sa dako n'ya kaya hindi s'ya nito mapapansin.
Pumatak ang luha sa mga mata ni Regina na ikinakunot ng noo n'ya.
"Para saan ang mga luha mo, Regina?"
"Bakit kailangan ko mahirapan ng ganito? Bakit kailangan ko mamili?! Gusto ko lang naman sumaya, gusto ko lang din piliin s'ya! Pero bakit nangingibabaw 'tong takot kong mahusgahan ng kapwa ko?"
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella