"Sana kasi ikaw nalang minahal ko no? Sana hindi nalang s'ya, hindi sana ako nasasaktan ng ganito." Napasandal si Narda sa pader ng banyo. Medyo nanghihina pa s'ya sa dami ng naisuka n'ya.
"Kaso nga lang hindi. Hay! 'Wag na nga nating pag-usapan 'yan. Malulungkot lang ako. How are you feeling?" Tanong ni Elle sabay abot ng tissue sa kanya. Kanina pa ito aligaga sa paghimas sa likod n'ya habang nilalabas n'ya ang lahat ng laman ng tiyan n'ya.
"I feel exhausted and dizzy at the same time." Napapikit na lang s'ya dahil sa pagkahilo.
"Hay! Sabi naman kasi sa'yo 'wag kang uminom ng ganyan lalo na't hindi ka pa pala kumakain. Hubarin natin 'yang shirt mo. Amoy suka ka na. Hali ka sa sink. Wash your face ng mahimasmasan ka kahit konti."
Hinubad nito ang shirt n'ya at inalalayan s'ya nito palabas ng banyo.
Elle opened the faucet para makapaghilamos s'ya ng mukha."I'll call, Mara. Manghihiram muna ako ng shirt sa kanya para may maisuot ka. Ipapahatid nalang kita sa mansyon mo after."
"Huwag mo muna akong iuwi please. Malulungkot lang ako doon lalo."
Nagulat si Elle ng bigla s'yang yakapin ni Narda. "I feel so empty. I think i'm losing my mind already. Ikakamatay ko na yata ang pagkawala n'ya. What do I have to do to regain my old self back? Okay naman ako ng hindi ko pa s'ya nakikilala. Okay naman tayo dati."
Elle tapped her back as she cried her heart out. Napapailing na napapabuntong-hininga na lang ito habang inaalo s'ya.
Biglang bumukas ang pinto at kapwa sila napalingon sa mga pumasok.
Si Mara kasunod si Regina. Natigalgal at hindi nakahuma sina Narda at Elle sa bilis ng mga pangyayari.
"Ops! Sorry. Akala namin walang tao. Bakit kasi dito n'yo ginagawa 'yan sa labas? May cubicle naman. You could have asked for a room too so you know... may privacy. Nakakahiya kay Regina oh." Natatawang sambit ni Mara.
"It's okay. I think they really need some privacy. I think i'd better go."
Kaagad na tumalilis paalis si Regina. Hindi manlang nito hinintay na makapagsalita sila, lalo na si Narda.
"It's not what you think, Mara. Nasukahan lang ni Narda ang damit n'ya. I was about to call you to ask for some fresh shirt for her." Depensa ni Elle.
"Oh! I'm sorry. Forgive me for my dirty thoughts. Wait. Hintayin n'yo nalang ako dito. Ikukuha ko muna si Narda ng damit."
"Si Regina, Elle. I need to talk to her. I have to explain."
Susubukan sanang sundan ni Narda si Regina ng pigilan s'ya ni Elle.
"You're shirtless, you fool! Wait for Mara to come back. Sasamahan kitang sundan si Regina. Dalawa tayong mag-eexplain sa kanya. Calm down."
"Damn!" Naisuntok na lang ni Narda ang kamao sa pader ng banyo. "She's hurt and I can see it in her eyes. She really loves me, Elle. Damn! How can I be so careless. She means the whole world to me and hurting her was the last thing I want to do right now. Ayokong nakikitang nasasaktan s'ya ng ganyan. Ayoko na, Elle! Tama na 'tong kalokohang 'to! Hindi ko na kayang maging martyr para sa kaligayan ng iba. I'll win her back even if it means fighting against the whole world for her."
Naghintay pa sila ng ilang minuto bago makabalik si Mara dala ang t-shirt na ipapahiram nito kay Narda.
"Here. I saw Regina with Noah earlier. Nagmamadali silang umalis. I tried calling her name to stop her from leaving pero hindi n'ya yata ako narinig."
"Shit! Kailangang sundan ko sila. Where are my keys, Elle?"
"Ano ba ang nangyayari, Narda? Bakit kailangan mong sundan si Regina? Bakit sobrang importante para sa'yo kung ano man ang iisipin n'ya?"
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
Fiksi PenggemarMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella