"Lola Berta is so cool. I'm learning a lot from her. Ang bait pa. Hindi na nga tayo pinagbantay ng tindahan, inutusan pa tayong magpunta sa falls to chill and get rid of the hot weather." Regina said casually while they walk towards the falls.
"Oo naman. Sabi n'ong mga pahenante ng truck masungit daw s'ya at strikta pero mukhang hindi naman. Para nga tayong mga bisita kung ituring n'ya." sagot ni Narda na nakasunod lang kay Regina.
"She has this awesome motherly love that I admire so much. She's one great lola, I must say."
Mga 1 at kalahating oras pa ang inabot bago nila narating ang falls.
"Wew! That's the longest walk i've ever done my whole life." sabi ni Regina habang pinapahid ang pawis sa noo.
Tuwid ngunit paakyat na daan ang tinahak nila upang makarating sa taas ng bundok mula sa bahay ni lola Berta. Ayon pa sa matanda, sa talon nanggagaling ang tubig sa batis na nasa likod lang ng bahay nito kaya sigurado itong hindi sila maliligaw papunta dito kahit silang dalawa lang ang magpunta rito.
"Wow! This place is surreal." Bulalas ni Regina. "Ang ganda ng tanawin."
Nanggagaling ang tubig ng falls sa gitna ng dalawang matataas at malalaking tipak ng bato at bumabagsak ito sa medyo malalim ngunit malinis na catch basin. Makikita ang kalinisan ng paligid sa kulay berdeng tubig na reflection ng nakapaligid ditong matataas na punong kahoy. Tanging huni lamang ng mga naroroong ibon at kulisap na tila ba umaawit ng isang napakagandang himig ang bumabasag sa katahimikan.
"Napagod ako doon ah. Ang layo din pala nito." Umupo si Narda sa batuhan habang pinapaypayan ng kamay ang sarili.
"Sa tingin mo ba may ibang tao na pupunta dito ngayon?" Tanong ni Regina na ngayon ay nakapikit at dinadama ang banayad na simoy ng hangin.
"Sabi ni lola wala namang masyadong nagpupunta rito. Masyado na itong malayo para dayuhin pa ng mga turista. Sa batis din daw madalas magpunta ang mga tagarito."
"It's nice to know that we actually own this place right now."
Walang pakundangang hinubad nito sa harap n'ya ang tshirt at maong shorts nito at itinira lamang ang suot nitong panty at bra.
Hindi maialis ni Narda ang tingin sa katawan ni Regina. A goddess sent from the heavens.
She had that oh so sexy curves to die for... perfect to her touch. Narda is tempted to run her fingers through it pero kinontrol n'ya ang sarili at piniling iiwas nalang ang paningin sa ibang dako. Nandito sila para maligo at hindi para gumawa ng anumang milagro.
"Come on, love. Maghubad ka na rin. Ang sarap maligo oh. Ang lamig pa ng tubig. It's refreshing." Yaya nito sa kanya matapos itong tumalon sa tubig.
"Enjoy, love. Mamaya na ako." Humanap s'ya ng masasandalang bato at ipinikit saglit ang mga mata.
Huminga s'ya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Mas gusto n'yang maupo na lang kaysa lumangoy. Parang ngayon palang s'ya nagkakaroon ng kapanatagan matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Pero hindi maiwawaglit ni Narda sa isip ang pag-aalala. Iniisip n'ya kung paano na sila ni Regina sakaling bumalik sila ng Manila. Alam n'yang hindi pabor ang daddy nito sa relasyon nila. Sigurado s'yang hahadlangan nito kung ano man ang meron sila ni Regina ngayon.
"Ghad! I can't afford to lose her." Bumungtong-hininga s'ya at pilit na iwinaksi sa isip ang mga negatibong bagay.
"A penny for your thoughts." Anas ni Regina na kanina pa pala nasa harap ni Narda. Tahimik lang s'ya nitong pinagmamasdan.
"Regina..." Pilit s'yang ngumiti ng makitang gadangkal nalang ang layo ng mukha nito sa kanya.
"Care to tell me anything? May problema ba?"
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella