"Pare, bakit andito ka pa? Hindi ba kanina pang alas otso ang off mo?"
Umangat ang tingin ni Rex mula sa pagbabasa ng papeles. Nakita n'yang nakatayo sa may pinto ng opisina n'ya ang kaibigang si Reagan na katrabaho din n'ya.
"Uy, pare, ikaw pala 'yan. Pasok ka. May tinatapos lang akong permahan dito. Tumitingin-tingin na rin sa files ng mga bago nating drug surrenderers."
Napailing si Reagan at naupo sa silyang nasa harap ng mesa n'ya.
"Tsk! Pare naman! May bukas pa. Kailangan mo ring magpahinga. Hindi nauubos ang trabaho, bukas may dagdag na naman 'yan. Bakit hindi ka na umuwi? Kami na muna ang bahala rito. Dapat kanina ka pa umalis ng opisina kasi wala naman tayong operation ngayon. Oo, Deputy Director General ka ng departamentong ito, pero hindi ka pag-aari ng gobyerno, pare. Tandaan mo, may sarili ka ring buhay. May anak na naghihintay sa bahay."
Natatawang naiiling na lamang si Rex sa kaibigan. "Alam mo? Nakakatawa ka, para kitang nanay ko dati. Sige na. Alis ka na muna at tatapusin ko lang 'to. Huwag kang mag-alala at bago maghatinggabi hindi mo na makikita ang mukha ko dito."
"No, pare. Seriously. Hindi lang sa'yo ang concern ko kundi sa inaanak ko rin. Regina needs you too, pare. Hindi porke't artista 'yon eh hindi kailangan ng gabay mo. She needs a father too."
Kunot-noong tinitigan n'ya si Reagan. "May problema ba kay Regina?"
"Hmmm... Marami akong nababasa ngayon sa social media. Don't get me wrong ha? Hindi naman ako mahilig sa showbiz pero si mare mo kasi ikinwento sa akin na nababash daw sa social media ang inaanak namin kaya niresearch ko. Kesyo, sorry sa term pare ha, malandi daw, easy to get at marami pang ibang masasamang salita dahil pinatulan daw ni Regina ang kaloveteam n'ya na may rumored non-showbiz girlfriend."
Lalong nangunot ang noo n'ya sa narinig. "Bakit wala namang nababanggit si Regina sa akin tungkol d'yan?"
Kibit-balikat ang sagot ni Reagan sa kanya. "Bakit hindi mo s'ya tawagan at yayain ng late dinner? Kailan ba kayo huling nagkita at nagkausap ni Regina?"
Napahawak sa batok si Rex. Sa sobrang kabusyhan n'ya ay 'di na rin n'ya alam kung kailan n'ya huling nakausap ang anak, ni hindi n'ya matandaan kung kailan ang huling beses na nagkasabay silang kumaing dalawa.
Napalingon sina Reagan at Rex sa may pinto ng may kumatok.
"Permission to enter, sir!"
"Come in." aniya sa sundalong nakatayo sa may pinto.
"Pasensya na po sa abala, sir, pero sa tingin ko ay dapat mo itong makita."
Inilapag nito sa lamesa ang isang maliit na kahon.
"Ano 'yan?"
"Nakita namin ang kahon na 'yan sa labas ng gate kani-kanina lang. We secured the area at nagpadala kami ng mga bomb sniffing dogs para malaman kung bomba ang laman ng kahon. But upon checking ay hindi naman bomba ang laman kundi isang sulat na nakaaddress sa'yo, Sir."
Kaagad n'yang binuksan ang kahon at inilabas ang isang nakatuping papel.
Binasa n'ya ang nakasulat. Isa itong sulat na ginawa gamit ang mga letra mula sa newspaper at magazine.
"General Vanguardia,
Kung ayaw mong ulo mo at ulo ng anak mo ang isabit namin sa itaas ng flagpole ng ahensya n'yo, tigilan n'yo na kami!"
Kaagad na kinuyumos ni Rex ang papel at inihagis sa sulok.
"May nakita din po kaming dalawang lapida na may nakasulat na pangalan mo at ng anak mo hindi kalayuan sa kinaroroonan ng kahon, sir."
![](https://img.wattpad.com/cover/337937155-288-k873622.jpg)
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanficMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella