Chapter 17: Confessions

341 10 16
                                    

"Ah! Ang sakit ng ulo ko."

Mas pinili nalang muna n'yang mahiga ulit kaysa piliting tumayo sa kama. Pilit n'yang inalala ang nangyari ng nakaraang gabi.

"Regina?" Tawag n'ya. Nanlumo s'ya bigla ng maalalang hindi pala sila magkasama sa iisang kwarto. Sigurado s'yang nasa kabilang kwarto ito kasama si Brian.

Pinilit n'yang bumangon ng may mapansin sa bedside table.

Isang sulat kasama ng favorite breakfast n'ya, isang tasa ng kape at isang basong malamig na tubig na may honey.

Binasa n'ya ang sulat habang iniinom ang medyo hindi na mainit na kape.

Good morning, Narda!

Maaga akong umalis for work. Medyo masarap ang tulog mo kaya 'di na kita ginising pa. Sigurado akong masakit 'yang ulo mo paggising kaya ipinagtimpla na kita ng coffee. Sorry kung 'di na mainit 'yan paggising mo. Don't forget to drink your water with honey. It'll help you with the hangover. Eat your breakfast too, ipinaluto ko talaga 'yan just for you.

PS
I'm sorry for everything, Narda. Please let me make it up to 'you. I'll see you after work. Huwag ka na munang lumabas ng kwarto. Don't worry about me, the police and hotel security are everywhere naman para bantayan kami habang nagsoshoot just like yesterday. Magpahinga ka ng mabuti. Save your energy for tonight.

Take care, Narda. Can't wait to see you.

Regina


"Hmmm. Bumabawi. Parang walang nangyari ah." Pero hindi n'ya pa rin maiwasang mapangiti sa thoughtfulness nito.

Napahiga ulit s'ya sa kama at niyakap ang unan n'ya. "Bakit ba ang soft ko lagi sa'yo? Isang sorry mo lang okay na ako. Naglalambing ka lang, nawawala na agad tampo ko. Hay, Regina."

Pinili n'yang maligo muna bago kumain ng breakfast. Saka saglit na nanood ng tv at saka natulog ulit.

                        ____________

"Narda? Narda!"

Nagising s'ya sa mga katok sa pinto ng kwarto n'ya.

"Sandali! Andyan na!" Kaagad s'yang bumangon at kinapa ang switch ng ilaw. "Madilim na pala. Napahaba yata ang tulog ko."

Nagmadali s'yang buksan ang pinto ng maulit ang pangangatok. "Sandali! Brian?"

Sumama ang tingin n'ya dito. Automatic na naikuyom n'ya kaagad ang kamao pagkakita rito.

"Ops! Chill, Narda. Hindi ako nandito para makipag-away. Relax." Itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere.

"What do you need?" Tanong n'ya sabay halukipkip.

"Pinapasundo ka ni Regina."

Tumaas ang kilay n'ya. "Sa lahat ng susundo sa akin, ikaw pa talaga?"

Napakamot ito ng batok. "Awkward nga eh."

"Nasaan ba s'ya? Is she in trouble? Bakit kailangan mo pa akong sunduin dito?"

"Ang dami mo namang tanong. She's not in trouble. Okay lang s'ya. Nasa cove s'ya malapit sa may dalampasigan. Pinapasundo ka lang n'ya sa akin at hindi ko alam kung bakit."

Napabuntong-hininga na lamang si Narda. "Okay. Maliligo lang ako saglit."

Mabilis s'yang naligo at piniling magsuot ng red swimsuit. Pinatungan n'ya ito ng maong shorts at white lacey shirt.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon