"Ah!" Natumba sa sahig si Brian ng mula sa may pinto ay binaril s'ya ni Julia.
Tinakbo n'ya ang kinaroroonan ng dalawa at mabilis na pinutol ang mga tali sa kamay at paa ni Regina gamit ang kutsilyong nasa silya.
"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bao ng utak mo, Brian."
Nanginginig ang mga kamay n'yang nakahawak sa baril na nakatutok kay Brian habang tinutulungang makatayo si Regina.
"Argh! Bwisit ka, Julia! Bwisit ka! Papatayin kitang hayop ka!" Hawak-hawak ni Brian ang hita na pinatamaan ng bala ni Julia.
"No, Bri! Ikaw ang hayop! Enough of your games! Enough of your bad doings! You must stop before it's too late!" Nakatutok pa rin dito ang baril na hawak n'ya.
"You think this is wrong? I'm just seeking justice for my dad!" Masama ang tingin nito sa kanya habang nakasalampak sa sahig at sapo ang nagdudugong hita.
"But they didn't kill your dad, Bri! S'ya ang may kasalanan kung bakit s'ya napatay. It was because of his illegal doings! He is a druglord, right? Tama lang sa kanya ang mamatay sa ganoong paraan."
"No! He is a good man."
"A good man? May matinong tao ba na magbebenta ng droga na walang ibang inisip kundi ang pansariling kapakanan n'ya, ang ikakayaman lang n'ya at hindi iniisip na may masisira s'yang mga buhay at pamilya? Think, Brian!"
"Enough, Julia!" Makailang besess nitong sinubukang tumayo pero natutumba lang ito dahil sa sakit ng hita.
"No, Brian! Ikaw ang dapat ng tumigil. Do you think your dad will ever be proud of what you're doing right now? Sa tingin ko hindi. Kaya kung may natitira ka pang katinuan, tigilan mo na 'to. For sure papatawarin ka naman nina Regina at Narda sa ginawa mong ito."
Lumamlam ang titig ni Brian sa kanya. "Kaya mo ba talaga akong patayin, babe? Mahal mo pa naman ako, 'di ba?"
Sinubukan ulit tumayo ni Brian at paika-ikang naglakad palapit kay Julia. Nakatitig pa rin ito sa mga mata n'ya. His eyes, his loving stares... like the way she remembers it. Memories came rushing in. Their sweet moments, sweet talks, his thoughtfulness, their lovemakings and their promises of forever.
"Come on, Julia! Let's go! We need to get out of here now!"
Hinihila na ni Regina si Julia pero nanatili lang itong nakatulala sa harap ni Brian.
"What happened to you, Bri? You were the sweetest, most loving, caring and thoughtful boyfriend I ever had. What did you do to yourself? Hindi na ikaw ang Brian na nakilala ko dati. Hindi ko na kilala ang taong nasa harapan ko ngayon."
"Circumstances changed me, Julia! Mahal pa naman kita. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng sineryoso ko sa tanang buhay ko. Come on now, babe. Help me. Help me seek justice for daddy. After this, magpapakalayo-layo na tayo. Papakasalan kita. We'll build our own family. I promise you. This will be the last time that i'll be like this. I'll promise to change for you, for us. Just help me with this." anito habang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.
"Julia, no!" Mula sa likuran ay inagaw ni Regina ang hawak n'yang baril na kamuntik na ring maagaw ni Brian dahil sa pagkatulala n'ya.
"Back off, Brian!" Sigaw ni Regina sabay tutok ng baril dito.
"You, bitch!"
"Tara na, Juls! Huwag kang maniniwala sa kanya! Nililinlang ka lang n'ya! He’s a monster! He is not the same Brian that we've known. Puno ng galit ang utak at puso n'ya. You shouldn't trust him."
Kinuha ni Julia sa bulsa n'ya ang cellphone n'ya. "Here! Take this, Regina! Call your dad and Narda and let them know your whereabouts. Run away. I'll stay here with Brian to make sure that he will not follow you. Go now!"
![](https://img.wattpad.com/cover/337937155-288-k873622.jpg)
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella