"Tara na. Magliliwanag na oh. Kailangan na nating umalis dito." Pilit na tumayo si Narda mula sa pagkakasandal sa puno. Ngunit napaupo ulit ng kumirot ang sugat n'ya.
"Hali ka. Aalalayan kita." Nagmamadaling lumapit si Regina sa kanya pero sinenyasan n'ya itong tumigil sa kinatatayuan nito.
"Stop! Kaya ko na 'to. I don't need your help."
Parang walang narinig si Regina at mabilis na iniakbay ang kamay n'ya sa balikat nito.
"Tara. We need to find some help bago pa man tayo maabutan ng mga iyon."
Napabuntong-hininga na lang si Nardq at hinayaan itong tulungan s'ya.
Nasa awkward na sitwasyon man ay hindi talaga maiwasan ni Narda na bistahan ng titig ang kabuuan ng mahal n'ya. Magulo ang buhok at madumi ang damit nito pero hindi manlang nababawasan ang angkin nitong ganda. Mas lalo s'yang namamagnet titigan si Regina. Dyosa ito sa paningin n'ya.
"Enjoying the view, love?" Kinindatan pa s'ya nito. Naramdaman pala nito na nakatitig s'ya.
Nahihiyang inilihis ni Narda ang mga mata at nagfocus na lamang sa nilalakaran nila.
"You know what? Kahit nasa delikado tayong sitwasyon ngayon? I feel safe and at peace... kasi nand'yan ka. You always calm my nerves. You are my anchor and my shield."
Saglit s'yang tumigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ito.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin 'to, Regina. Parang niloloko ako ng tadhana. Dapat hindi na tayo magkakasama ngayon. Dapat hanggang kagabi lang. Dapat naihatid na kita sa inyo kanina."
Bumuntong-hininga s'ya. "Nakakagago naman 'to! Andito tayo, natrap sa isa't isa. Habang tumatagal kitang nakakasama sobrang nahihirap ako... nahihirapan akong iwanan ka. Tangina lang! Dapat nilalayuan na kita eh."
"Hindi mo ba nakikita, Narda? Itinadhana tayo para sa isa't isa. Iyan! 'Yang panyong nasa braso mo! Itinadhana na tayo noon pa! Matagal na nating natagpuan ang isa't isa."
Sandali nitong kinuha ang kamay n'ya sa pagkakaakbay sa balikat nito at hinarap s'ya. "You don't know how hard it is for me to lose my mom. At isa 'yang panyong 'yan sa mga natirang alaala n'ya sa akin. But i've given it up para sa taong hindi ko naman kilala, ni hindi ko naman nakita! That someone who needed it at that time. At sinabi mo na if ever magkita kayo ng taong nagbigay sa'yo ng panyo na 'yan, you'll make her or him happy. Hindi mo naman balak ibreak 'yong promise na 'yon, 'di ba? Hindi ko ugaling maningil but not this time. It's payback time, Narda. Wala kang ibang gagawin kundi ang pasayahin ang taong pinagkakautangan mo. Make me happy, be with me, 'coz you are my happiness. I need you now! Dito ka lang sa tabi ko! Hindi mo ako iiwan. Hindi kita hahayaan."
"Papahirapan mo lang tayong dalawa, Regina. Mas lalo lang natin masasaktan ang isa't isa. Mahihirapan lang akong iwanan ka." Tinalikuran n'ya ito at painot-inot s'yang naglakad palabas ng kakahuyan.
She keep up her pace at iniakbay ulit nito sa balikat ang kamay n'ya. "No! Hindi mo ako iiwan! Kung iiwan mo ako, sasama ako! Itanan mo nalang ako."
Nanlalaki ang mga mata ni Narda na nakatitig dito. "Like seriously?"
"Narinig mo naman, 'di ba? Sasama ako sa'yo. Kahit mahirapan ako. Kahit maghirap tayo pareho."
"Why are you so stubborn?"
"I'm not! I'm just inlove. I'm inlove with you, Narda!"
"Hindi, Regina. Nalulungkot ka lang. Napagkamalan mo lang na love 'yang affection na nararamdaman mo para sa akin! Its mere infatuation!"
![](https://img.wattpad.com/cover/337937155-288-k873622.jpg)
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanficMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella