EPILOGUE

717 21 18
                                    

Pawisang kamay, nahawak ng mahigpit sa manibela
Kaunting minuto nalang tayo ay magkikita na
Binundol ng kaba puso ko'y naligalig nalang bigla
Sa pagsapit ng hatinggabi, ika'y inaasahan ng sa akin ay magpapakita na

Bumaba ng sasakyan, diretso sa palikuran
Teka, bakit ba sa kaba ako'y naiihi na?
Ikaw kaya'y ganoon din ang nadarama?
Ako kaya'y pinanabikan mo ring makita?

Sa tindi ng kaba, halos hindi maihakbang ang paa
Hiling na sana sa tagpuan ika'y dumating na
Hindi ko malaman kung bakit pinatagal ko pa ang ating pagkikita, gayong alam ko sa sarili kong ako'y sabik na sabik na

Bumundol sa puso ang sobrang kaba ng mula sa malayo pigura mo ay nasilayan ko na,
Parang tangang tinanong ang sarili, totoo ba talagang ika'y nagpakita na?

Mula sa kinaroroonan ko'y ramdam na ang malakas mong presensya
Kaya ko kayang lumapit sa'yo upang tayo'y magkausap na o tatalikod nalang bigla at hahayaan ikaw ngayon ay maghintay sa wala?

Ako'y biglang naduwag tumalilis, tumakbo nalang bigla
Ngunit pilit kong pinigilan ang aking mga paang nagbabalak na umalis na
Dibdib ko'y pinuno ng hangin, hinanap ang tapang na bigla nalang nawala
Bumalik sa pinanggalingan, upang ibuhos ang naipong kaba, inayos ang sarili magmukha manlang tao sa'yong tabi

Nang ako'y lumapit na, patay! Dila ko'y nalunok na, umurong nalang bigla
Sinubukang kalmahin nagwawala ko nang damdamin
Pilit ikinubli panginginig ng aking labi
Bumaling sa dako mo't pilit na ngumiti

Natameme bigla ng ikaw ay lumingon na
Wala ng magawa kundi kapalan ang mukha
Nang ikaw ay ngumiti isa lang ang nasaisip...
Nandito ka na nga, hindi ka na panaginip!

_____________

Tumingala si Narda sa 'Rockin' Sand Bar' sign saka huminga ng malalim. 3 years na ang nakalipas ng huli silang nagkita ni Regina dito. 3 years na matapos ang proposal ni Regina sa kanya wherein she said 'no'. Napatayuan nalang ng bar ang lugar, wala pa ring Regina na nagpapakita. For the past 3 years, pabalik-balik s'ya sa lugar na 'to, September 5 of every year, para lang hintayin si Regina. Sa nakaraang dalawang taon, lagi s'yang umuuwing malungkot at disappointed. Walang Regina na dumadating, walang Regina na nagpapakita.

"Okay! This would be the last year na babalik ako dito. I will go on with my life after this or... find her sa lahat ng sulok ng mundo." Bumaba s'ya ng sasakyan at pumasok sa bar.

Maingay, magulo, madilim pero masaya ang aura. Iba sa pakiramdam ni Narda. She's nervous, anxious and scared but hopeful.

She looked at her watch and it says 11:58pm. Usapan nila ni Regina na kung magkikita man sila ng it will be before midnight of October 4.

She searched for her. Gaze at every table, on the dance floor and the lastly on the bar counters.

"Regina..." her heart almost skipped a beat when she saw a familiar figure with her back on her, sipping on her glass as if waiting for someone to sit on an empty chair beside her.

She don't know how to react. She's flooded with emotions she can barely handle. She can't even move a muscle.

Huminga s'ya ng malalim at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan nito.

She caught a whiff of the same perfume Regina uses back then and she knows she's really home, she's true, and she wasn't imagining her being here.

She don't know what to say and decided to step back. Pinuno ng hangin ang dibdib at umupo sa tabi nito. She can sense her look at her from her pheripherals but she don't just turn yet.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon