"Let's go, love?" Yaya ni Regina sa kanya matapos nitong kunin ang mga dalang gamit.
"Sure. Akin na. Ako na ang magdadala n'yan." Kinuha n'ya ang dala nito at magkasunod silang naglakad patungo sa elevator.
Ngunit nagkagulatan sila ng pagbukas ng elevator ay lumabas sina Elle at Noah.
Parang nagfreeze ang mundo ng magtama ang mga mata nila ni Noah. Walang gumalaw ni isa man sa kanila at nananatiling nakatayo lang sa labas ng elevator ng walang imikan.
Si Elle ang bumasag sa katahimikan ng tumikhim ito. "Ahem! Tapos na pala kayo? Pumunta si Noah sa office kanina. Hinahanap n'ya si Regina kaya isinama ko na rito sa location since may kailangan din naman ako sa'yo, Narda."
Alam n'yang nag-aalibi lang si Elle. Ayaw lang nitong magmukha s'yang tanga sa harap ng mga ito kagaya ngayon. Umabrasyete ito sa kanya at mahinang pinindot ang braso n'ya. Tanda na pinapaalam nito sa kanya na andito lang ito sapagkat alam nitong kakailanganin n'ya ito sa ganitong pagkakataon.
"Ah, yeah. We're actually leaving. Babalik ako ng office kaya isasabay ko na sana si Regina." Pag-aalibi n'ya.
Nagtama ang mga mata nila ni Regina na kanina pa tahimik na nakasunod ang titig kay Elle. She can see jealousy in her eyes.
'Ako naman 'yong dapat magselos dito. Dapat pa nga akong magalit. Ni hindi manlang n'ya binanggit na pupunta dito ang asawa n'ya.'
"Glad na tapos na kayo. Let's go, hon? We're meeting some friends."
"Kailan ka pa dumating, Noah?" Hindi napigilang tanong ni Regina dito. It's as if ipinapaalam nito sa kanya na hindi rin nito alam na uuwi si Noah sa Pilipinas.
"Actually kagabi pa. Hindi lang kita natawagan since sobrang napagod ako sa byahe. I saw some friends earlier ng pumunta ako ng mall para bumili ng konting gamit. They asked me about you and I told them that you're actually here for work kaya hindi na ako nakatanggi ng sinabi nilang gusto nilang lumabas kasama tayo since gustong-gusto ka na nilang makita ulit. It's actually Gabby's birthday today. Remember your model friend? Are you free now?"
Nagkatitigan sila ni Regina. Alam n'yang naghehesitate itong sumama kay Noah since may usapan sila.
"Actually she is. Heto pala ang mga gamit n'ya." Inabot n'ya kay Noah ang mga dala ni Regina. "Enjoy, Regina. We need to go, may pag-uusapan pa kami ni Elle."
Hindi na n'ya hinintay ang sagot ni Regina. Kaagad n'yang hinila si Elle papunta sa elevator.
Tahimik lang sila habang nasa byahe hanggang sa makarating sila sa opisina n'ya.
"Masakit pa rin bang makita silang magkasama?" Tanong ni Elle ng sila nalang dalawa.
"Masakit? Masakit lang kaya, Elle? The pain is undescribable. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako humihinga ngayon. Bumabalik ng kusa ang sakit ng nakaraan. Nakita mo ba sila? They look so perfect together. I promised myself na hindi na ako masasaktan pa sakaling makita ko ulit silang magkasama. Pero hindi pala napipigilan 'to. I felt so jealous that it pained me so much to the point na nagagalit na ako pati sa sarili ko." Inihilamos n'ya ang mga kamay sa sariling mukha.
Hinayaan lang s'ya ni Elle na manahimik. Umalis ito saglit at may dala na itong alak pagbalik.
"Hope it'll help you a bit." Inabot nito sa kanya ang isang bote.
"So unprofessional. Drinking in the office at 4 o' clock in the afternoon. A not so Elle thing."
"Well, we usually don't do this nga but I think you need it now. Ayokong nakikita ka na namang nagkakaganyan. Alam mong nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka."
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella