Chapter 43: Julia's motives

267 6 38
                                    

"Damn it! Damn it!" Nilamukos ni Julia ang news clippings na hawak n'ya.

Sino ba naman ang hindi magagalit? Everything she has done backfired.

"Ano ba ang meron kayo kung bakit sa tuwing gagawa ako ng bagay na laban sa inyo, nagagantihan n'yo ako ng hindi n'yo nalalaman at namamalayan?"

She had done everything para masira ang dalawa. She sent mesages sa reporters na kilala n'ya about Regina's come back. Pati na ang pagkakaroon nito 'di umano ng secret love affair sa boss n'yang si Narda Custodio.

Yes! S'ya ang nagspill ng news tungkol kay Regina Vanguardia at Narda Custodio. Gusto n'yang masira agad ang pangalan ni Regina ng hindi na nito isipin pang magbalik showbiz.

But it turned out na mas umingay lang ang pangalan ni Regina hanggang sa nakarating na kay Brian ang balita tungkol sa pagbabalik nito.

And the article she was reading is one proof na may posibility na mabuhay ng loveteam ng dalawa. Brian show interest sa muli nilang pagtatambal ni Regina kaya siguradong maiitsapwera na naman s'ya. She will be kept and denied just like what he did years ago noong kasagsagan ng kasikatan nito at ni Regina. Sasabihin na naman nitong matagal na silang break kagaya ng madalas nitong ginagawa kapag may bagong babaeng artistang nalilink dito.  He'll do everything para muling umingay ang pangalan nito sa showbiz at alam n'yang gagamitin nito si Regina para mangyari 'yon. He's a user at malinaw kay Julia 'yon.

"Sobrang mahal ko lang talaga si Brian kaya ako kumakapit ng ganito sa kanya. Ayokong mapunta sa wala ang ilang taon kong panunuyo. He's starting to get cold after n'ya malaman ang tungkol sa pagbabalik ni Regina. He said he loves me pero alam kong mas mahal n'ya ang career n'ya kaysa sa akin. Ayokong mangyaring totoong igive up na n'ya ako para kay Regina. I have to do something! I need to do something para hindi na mangyari ang pagbabalik-tambalan nila."

"Juls?" Napalingon s'ya sa tumawag sa kanya.

Agad n'yang napansin ang titig nito sa newspaper na nilamukos n'ya at itinapon sa sahig. Agad naman n'ya itong pinulot at inayos mula sa pagkakalukot.

"Sorry, ma'am. May ipis kasi kanina. Natakot ako kaya binato ko ng newspaper." Pag-aalibi n'ya. "May kailangan ka, ma'am Elle?"

"Hmmm. Yeah. I need you to make some new designs para sa bridal collection natin. After this summer's maldita collection kailangan na ng designs for June."

"Ano po ba ang theme na gusto n'yo this year? Last year, hmmm... it was gold and silver beaded long elegant gowns for church weddings kung hindi ako nagkakamali."

"Yes. Kaya kailangan natin ng bagong designs since iba na naman ang trend ng weddings this year. The boss has the final say on this, Juls. Puntahan mo nalang s'ya. I have some important things to do so it's better that you talk to her about it. I think nasa office na s'ya by this time."

Tumango na lang s'ya at umalis na rin ito. She grab her notepad at naglakad patungo sa office ni Narda.

Huminga muna s'ya ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina nito. Ngayon palang n'ya ulit ito makakausap after ng nangyaring confrontation sa kanila sa beach 3 years ago. She did everything para hindi na muna magtagpo ang mga landas nila. From being absent or on-leave during reportings and presentations to making alibis just for her not to bump into her boss. She humiliated her because of Regina and all she want to do is to make even. Kahit sa paanong paraan. Sa tamang pagkakataon. And she thinks that the time has come for her revenge. Now is the right time.

"Come in." Narinig n'yang sabi nito mula sa loob matapos n'yang kumatok ng tatlong beses.

"Good morning, boss." Saglit s'yang natigilan sa pagpasok ng makita si Regina sa silyang katapat ng lamesa nito. Inaayos nito ang sariling make up sa salamin. And by Narda's smudge lipstick and crumpled shirt parang alam na n'ya ang nangyari before she knocked.

Lihim na napataas ang kilay n'ya sa naiisip. Unti-unti na n'yang nacoconfirm na may nangyayari talaga sa dalawa behind closed doors, beyond the public eyes. Napangiti s'ya sa isiping 'yon. Hindi na pala n'ya kailangang gumawa ng fake news coz Narda and Regina already gave her the hint na totoo ang ibinibintang n'ya sa mga ito.

"Mukhang umaayon sa akin ang kapalaran. I need to dig further and get some evidences for the public to see. Masisira ko ang pangalan ni Regina at Narda if maconfirm kong may lihim nga silang relasyon. And si Brian? He'll never gonna have his chance with Regina. Hindi na mangyayari ang pagbabalik-tambalan nila and I can have him all by myself. Ako ang makakabenefit sa lahat ng ito. Ngayon palang nakikini-kinita ko na ang tagumpay ko. Sa akin pa rin ang huling halakhak."

"Yes?" Untag ni Narda sa kanya.

Tumikhim muna s'ya bago naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mga ito.
"Good morning, boss. Andito po ako regarding the bridal collection for June. Inutusan po ako ni ma'am Elle to ask you about this year's theme."

"Take a seat, Julia." Itinuro nito ang silya sa harap ni Regina.

Wala na s'yang nagawa kundi ang umupo sa silyang itinuro nito at halos isubsob na n'ya ang mukha sa notepad na hawak para iwasan n'yang magkasalubong ang mga titig nila lalo na ang mapanuring titig ni Regina. Pilit nitong inaalala kung sino nga ba s'ya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya samantalang hanggang ngayon ay natatandaan pa rin pala s'ya ni Narda kaya naiilang s'ya.

"Ikaw, Regina, what do you want for your wedding?"

Napasulyap s'ya kay Regina na ngayon ay halos tunawin na si Narda sa malalagkit na titig nito.

"Maybe a beach wedding, me wearing a simple white wedding dress, may malaking cake, maraming bisita."

"You know what, I want the same. Beach wedding din ang gusto ko."

Nahuli pa n'ya ang pagkindat ni Narda kay Regina na lihim n'yang ikinangisi.

"Sige lang. Make me more curious para talagang gumawa ako ng paraan para malaman ang tinatago n'yong sekreto." Sabi n'ya sa isip.

"Hmmm. Interesting. Make some designs for a beach wedding, Julia. You know what to do."

"I love simple wedding dresses accentuated with pearls or made out of pearls or inspired by anything we see on the beach and the sea." Sabad ni Regina.

"Hmmm. Make use of that idea, Julia."

"Noted, boss."

"Anything else?"

"Nothing, boss."

"Then you may go now."

Tumango lang s'ya at tumayo na. "Thank you for your time, boss. I'll let you know when i'm done with the designs."

Tinanguan lang din s'ya nito. Tumalikod na s'ya at naglakad palabas ng pinto. Ngunit bago pa man n'ya tuluyang maisarado ang pinto ay pinagmasdan n'ya muna ang dalawa. Nag-uusap ang mga ito habang nakangiti sa isa't isa.

"Sige lang. Magsaya lang kayo. Darating ang oras na iiyak kayong pareho. Gagawin ko ang lahat para hindi na kayo sumaya, na pareho kayong lumubog at hindi na muling makakabangon pa. Sisirain ko ang tingin sa inyo ng mga tao lalo na ikaw, Regina. Hindi na kita hahayaan pang muling makapasok sa buhay namin ni Brian. Hinding-hindi na dahil hindi ako papayag na mangyari pa 'yon."

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon