"Saan ka galing?" Sita ni Elle kay Narda ng bumalik ito sa sala.
"Chineck ko lang si Regina kung okay lang s'ya. Gusto kong comfortable s'ya habang nandito sa apartment." aniya saka naupo sa tabi ni Elle sabay inom ng beer.
"Who is she?" ramdam ni Narda ang inis sa boses ni Elle.
"Regina Vanguardia. An artista." Kibit-balikat na aniya.
"Alam ko. Ang tinatanong ko ay kung sino s'ya sa buhay mo."
Napatingin s'ya rito. "Nagseselos ka ba kay, Regina?" nangingiting tanong n'ya rito.
"May reason ba ako para magselos, Narda?"
Napalis ang ngiti sa labi ni Narda. She and Elle has something special. A mutual understanding. But she is not her girlfriend yet. But it doesn't mean na pwede na s'yang maglandi sa iba since hindi pa naman s'ya committed dito. Ilang beses palang silang nagmemeet ni Regina pero special na ang trato n'ya rito. Can it be considered as cheating? Is liking somebody else when you're already talking to someone else is considered a sin?
Hindi nalang sumagot si Narda. Itinago nalang ang confusion n'ya sa pamamagitan ng pag-inom.
"Bakit hindi mo pa ulit ako tinatanong para maging girlfriend mo, Narda? Ayaw mo pa bang elevel up kung ano ang meron tayo ngayon? I mean it has been months since we started dating. Don't you have plans for us?"
Noong hindi pa dumadating si Regina sa buhay n'ya she was so sure about Elle. She can definitely answer her right away without second thoughts. Pero bakit ayaw bumuka ng bibig n'ya ngayon? Bakit parang hindi n'ya kayang sumagot sa tanong nito?
Huminga s'ya ng malalim.
"Babe, tinatanong kita. I am so sure about us, sure ako on how I really feel towards you. I love you, Narda. Don't you love me too?" Pilit nitong kinuha ang kamay n'ya and tried to intertwine it with hers. Pero kaagad na umiwas si Narda at mahigpit na hinawakan ang bote saka tinungga.
Napansin n'yang tumalim ang titig ni Elle sa kanya.
"Elle, look. You know that I care for you so much. I really think that love you more than just a friend but I still need time to think things over. Ayokong madaliin 'to. Ayokong magkamali. Ayaw kitang ikulong sa isang relasyon na baka pagsisihan mo lang bandang huli. What if we're really straight? What if we just misunderstood care and compassion as love?"
Nagulat s'ya ng tumayo si Elle mula sa tabi n'ya.
"Hindi ka sigurado o sadyang hindi ka lang seryoso? May bago ka na ba? Si Regina ba? Are we just fooling around, Narda?"
"No! Walang kami ni Regina. Please 'wag mo s'yang idamay dito. I work for his dad at iyon lang 'yon. Nothing more. Hayaan mo muna akong makapag-isip-isip."
"Ang dami mo pang sinasabi. Kung ayaw mo sa akin sabihin mo ng deritso, hindi 'yong mag-aalibi ka pa."
Akmang magwawalk out ito ng pigilin n'ya sa kamay. Mabilis talaga itong magtampo. At hirap na hirap palagi si Narda na aluin at suyuin ito.
"Elle. Please?"
Kaagad naman itong huminahon. "Okay! Ganito nalang. Hindi na kita pipilitin sa gusto ko. Pero sa isang kondisyon."
"What is it?"
"Stop working for Regina's dad. Stop seeing Regina."
"But that's unfair, Elle. That's absurd. Trabaho ko 'yon."
"We both know that you don't need that job, or your current job as a policewoman. You have more than what they have. You don't need to work."
"Pwede bang huwag nalang nating pag-usapan 'yan? 'Wag mo nalang pakialaman ang trabaho ko. It's my job and my calling. It's my life."
![](https://img.wattpad.com/cover/337937155-288-k873622.jpg)
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella