"See that star?"
"What about it?"
"Remember that star, love. Kung sakaling mapalayo man tayo sa isa't isa, lagi mo lang titingnan ang star na 'yan. Remember na we're under the same sky. Tingnan mo lang ang bituin na 'yan at isipin mo na kagaya mo nakatingin din ako d'yan. Parang magkasama na rin tayong nakatingin sa bituin na 'yan."
"Don't ever say that, love. Lagi lang tayo magkakasama. I'll never leave your side. Never ever."
"Kapag nakita mo 'yang star, sana maalala mo ako. As long as nand'yan 'yan, sa'yo lang ang puso ko, Regina. Iwan mo man ako, kamuhian mo man ako, ikaw lang ang mamahalin ko."
"Love..."
"Love... 'yong star."
"Love, remember the star..."
"Love..."
"Don't lose the star, love. Don't lose me."
"Love..."
"Love, don't ever forget about your promise."
"Love..."
"Love!"
NAPABALIKWAS ng bangon si Narda dahil sa panaginip n'yang 'yon.
"Regina... Bakit? Bakit kailangan mo pang ipaalala sa akin ang pangako kong 'yon? Bakit hanggang sa panaginip kailangan mo akong guluhin?"
Napasabunot na lang sa buhok si Narda. "Am I thinking too much? Masyado ko bang binibig deal ang presence mo?"
Hindi n'ya alam kung bakit ganoon na lang ang panaginip n'ya. Parang pilit nitong ginigising ang natutulog n'yang damdamin pati na ang mga alaalang ibinaon na n'ya sa nakaraan... ang mga masasayang alaala at matatamis na pangakong ibinaon na n'ya sa limot na ilang taon ring natabunan ng galit at poot.
Lumabas s'ya sa veranda ng hotel para tumanaw sa madilim na kalangitan. She look for their star, the brightest solo star. She searched for it sa malawak na langit.
"Wala. Hmmm... Nawala na. I guess it vanished like our feelings for each other. Siguro nawalan na rin ng spark ang bituin na 'yon kagaya ng sa amin ni Regina."
Sumandal s'ya sa pader at pinanood ang nagkikislapang mga bituin. A falling star appeared but it vanished just before she can even make a wish.
Wala na ang falling star pero nanatiling nakatitig s'ya sa dakong pinagmulan nito. Her eyes sparkled as she saw a familiar star.
"You're still there! I thought... I thought I lost you already. Does this mean I did not lose her too?"
Nanatili s'yang nakatingala sa langit na wari'y nag-aabang na sagutin ng bituin ang tanong n'ya.
"Hay! Imposible. Kagaya mo lang din s'ya... hanggang tanaw ko nalang pero hindi ko mahawakan. Hanggang titig nalang ako. Never na s'yang magiging akin."
Saglit na dumaan sa alaala ni Narda ang tungkol sa sinabi ni Elle.
"No! Kagagahan 'yon. Hindi ako mang-aagaw ng asawa ng may asawa."
Pero kumuti-kutitap ang bituin na wari'y kumikindat-kindat sa kanya. Tinutukso-tukso s'ya.
"Damn! I'm being delusional. Pati bituin dinadamay ko sa katangahang iniisip kong gawin mula pa kagabi habang katabi ko s'ya. Fuck! Okay! Okay! 3 signs. 3 signs lang para ipush ko 'tong katangahan kong ito. Give me 3 signs na magcoconvince sa akin para subukan kong ibalik ang kung ano man ang meron kami noon. 3 signs para agawin ko s'ya kay Noah." Nakapikit s'ya habang sinasabi n'ya ito.
Napapalatak si Narda sa naisip. "Hay! Nababaliw na naman ako ng dahil sa'yo, Regina!"
Naiiling na pumasok nalang s'ya ulit sa hotel room n'ya para ituloy ang naudlot na tulog. Mas pinili n'yang maghotel simula ng magstart ang mga bagong projects nila to save time. Advantage din na malapit lang ito sa office at sa mga clubs at bars na madalas n'ya puntahan.
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanficMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella