"Bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang may mangyayaring hindi maganda? Why is she so sad?"
Usually kasi nakangiti si Narda after nilang magkiss. Like she will lick her lips and flirt with her and smile as if she wanted more kisses from her. Pero iba ngayon. Sobrang iba. Mangiyak ngiyak si Narda at mukhang pinipigil lang ang luha.
Tinanggal n'ya ang seatbelt saka bumaba ng sasakyan.
"Hey! Regina! Saan ka pupunta?" Nilingon n'ya si Narda na ngayon ay nakasunod at hinahabol s'ya.
"Bumalik ka na sa sasakyan! Dito lang ako!" Natatakot man sa dilim ay mas pinili n'yang maglakad pabalik sa pinanggalingan nila.
"No! I'm taking you with me! What the hell is happening with you?" Naabutan s'ya nito at hinawakan sa kamay.
"No, Narda! I should be the one asking you that! What the hell is wrong with you?" Hinila n'ya ang kamay n'yang hawak nito.
Sandali itong napatigil sa paghila sa kamay n'ya. "Nothing! Mag- aamusement park lang tayo, 'di ba?"
Humalukipkip si Regina at hinarap si Narda. "Hindi man tayo gaanong katagal magkakilala, kilala ko na ang kilos mo at ugali mo, Narda. With the way you talk, iiwan mo talaga ako, 'di ba? Mang-iiwan ka, 'di ba?"
Hindi nito magawang tumingin sa kanya. Ni hindi ito makasagot. "So tama ako? Wh..."
"Shit!"
Napansin ni Narda ang ugong ng rumaragasang truck papalapit sa kinaroroonan nila.
Tinakbo ni Narda ang kinatatayuan ni Regina at niyakap s'ya nito sabay talon sa talahiban. Nagpagulong-gulong sila pababa hanggang sa mabangga sa may puno. Saka nila narinig ang malakas na pagbangga ng truck sa nakaparada nilang sasakyan.
"Ahh!" Daing ni Narda na tumama ang likod sa nagulungan nilang puno.
"Are you okay, love?" Tanong ni Regina habang pilit na bumabangon.
"Shhh!" Pilit nitong tinatakpan ang bibig n'ya.
Nakarinig sila ng ugong ng mga sasakyan na tumigil sa gilid ng sasakyan nilang binangga ng truck.
"Let's ask for help. Binangga 'yong car natin." Bulong n'ya rito.
Umiling si Narda at sumenyas na manahimik muna si Regina.
Nilibot n'ya ang mata sa paligid. Nasa slopping portion lang pala sila sa gilid ng bundok at tanging ang punong pinagtataguan nila at ang mataas na talahiban ang tabing nila mula sa mga taong nagkukumpulan sa may kalsada.
Gumapang si Narda palapit sa kinaroroonan ng mga ito para pakinggan ang usapan nila kaya sumunod na rin s'ya. Nagtago silang dalawa sa mataas na talahib.
"Bakit mo binangga? Gago ka ba? Ang utos, kidnapin ang anak ni General, hindi ang patayin sila, hunghang!"
Biglang nagpanic si Regina ng marinig ang sinabing 'yon ng lalaki sa itaas. Hinawakan ni Narda ang kamay n'ya to assure her that it's okay.
"Eh, ano kasi, ang dilim. Ngayon pa napundi 'yong headlight nitong truck. Hindi ba nakasunod lang tayo sa kanila kanina? Tapos umihi lang ako doon sa may talahiban sa itaas kasi 'di ko na kaya. Eh bigla na agad silang nawala sa paningin ko kaya nagpanic na ako. Hindi ko nakitang nakapark sila d'yan sa gilid."
Sumenyas si Narda kay Regina na sumunod ito sa kanya.
Dahan-dahan silang bumaba sa gilid ng bundok palayo sa kinaroroonan ng mga ito.
"Wala sila dito, boss!" Sigaw ng isa.
"Ha? Eh nasaan? Sandamukal kayong mga gago! Hanapin n'yo! Baka nasa paligid lang!"
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfictionMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella