Chapter 14: Don't give up on your dreams, give up on us instead!

318 8 9
                                    

"Good morning." bati ni Narda sa kanya sabay bukas ng venetian blinds.

"Hmmm... Inaantok pa ako." pilit na kinuha ni Regina ang unan at itinakip sa mukha n'ya.

"May work ka today kaya dapat bumangon ka na." natatawang kinuha ni Narda ang unan saka inihagis sa kung saan.

"How do you manage to be up so early?" nakapikit pang bumangon si Regina sabay sandal sa headboard ng kama.

"Hmmm...  I got 101 reason to wake up early but to top it all, i'm always excited to see your pretty face everyday."

Napangiti s'ya saka iminulat ang mata. "Ang galing magpakilig ng aleng maangas. I wonder if may naniniwalang driver lang talaga kita."

Narda wears a black crop top inside her open black and blue jacket,  a miniskirt and black with white vans rubber shoes. Nakasuot ng pabaliktad ang itim nitong cap sa ulo.

"Maybe. Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi nila naiisip na driver din kita."

"Why?" kunot-noong tanong n'ya.

"Coz... You're always driving me crazy." nakasmirk na anito sabay kindat sa kanya.

"Silly." hindi n'ya talaga maitago ang ngiti.

"You know what? Kaya nating gawin 'to maghapon pero kailangan mo ng tumayo d'yan at maligo dahil may trabaho ka pa. Ipiprepare ko lang ang damit mo at breakfast. Follow me sa dining room kapag tapos ka na."

"Alright. Alright. But first things first."

"Hmmm?"

Mabilis n'yang tinungo ang kinatatayuan nito at niyakap ng mahigpit si Narda.

"I missed you last night."

"Me too." niyakap s'ya nito pabalik.

"Hmmm. You really smell nice. So freaking irresistible," Inamoy n'ya ang leeg nito habang nakasiksik dito.

"Rej?!"

Kaagad naman s'yang bumitaw at lumayo. Napabuga naman ito ng hangin.

"Sorry! Ang sarap mo talagang asarin." Natatawang pumasok na lamang s'ya ng banyo bago pa s'ya nito batuhin ng pinulot nitong unan.

                        ___________

"Ready?" tanong nito sabay bukas ng pinto ng kotse.

"Yeah.  Thanks for preparing my breakfast.  Dapat next time sabay na tayong kakain."

"Oo naman." Inayos nito ang pagkakasarado ng zipper ng jacket nito saka pumasok sa driver's side ng kotse n'ya.

"Narda? Can I talk to you for a minute?" tawag ng daddy n'ya mula sa balkonahe.

"Saglit lang ako, Rej. Hintayin mo lang ako dito." Paalam nito sa kanya saka mabilis na tinungo ang balkonaheng kinaroroonan ng daddy n'ya.

Napansin n'yang seryoso ang mga ito sa pinag-uusapan.

"I can't believe nakakaya n'yang makipag-usap kay dad ng ganyan katagal at kaseryoso. Kahit na si Noah o mga dati kong manliligaw never kinausap ni dad ng ganyan. I think dad likes her a lot." Puna n'ya habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Sorry to keep you waiting." Sabi nito ng makabalik sa kotse. Nakita n'yang may inilagay ito sa glove compartment at sigurado s'yang baril 'yon.

"What's that for? Why? Marunong ka gumamit ng ganyan? How?"

"You know what, miss na sobrang chicks at sobrang kulit, 'wag ng maraming tanong. Trust me with it okay? Now fasten your seatbelt at aalis na tayo."

Nagtataka man ay nagsawalang kibo na lang s'ya at nanahimik sa buong byahe.  Pilit nalang n'yang iwinaksi sa isip ang mga katanungang bumabagabag sa kanya.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon