"Sir, base sa intellegence report na nakalap namin, huling nakita sina Regina at Narda sa parking lot ng network mga banda 7:00 to 7:30 pm kagabi. Sumakay daw ang dalawa sa isang pick-up at tinahak ang daan paNorte. Nang sinuyod namin ang mga bayan sa Norte, nakita namin ang sasakyang kamukha ng sinakyan nila na nakaparada sa gilid ng bundok. Yupi at halatang binangga ang likod na bahagi ng sasakyan. Nakuha namin sa loob ang mga gamit ng dalawa kaya confirmed na sina Regina at Narda nga ang sakay ng naturang sasakyan."
Minasahe ni Rex ang sentido. Sumasakit ang ulo n'ya dulot ng stress dahil sa pagkakakidnap ng dalawa.
"Nasaan na ang sasakyang bumangga sa kotse nila?"
"Wala na sa lugar na iyon ang sasakyang bumangga pero base sa napagtanungan naming mga residente, isang truck at iilang mga puting van ang dumaan sa mga kabahayan sa gilid ng bundok mga ilang minuto matapos nilang marinig ang malakas na lagabog. Gustuhin man daw nilang tingnan kung ano ang nangyayari, mas nanaig ang takot nilang baka madamay din sila sakaling nagkakagulo sa itaas. Matapos ang mahigit na isang oras dalawa pang van ang dumaan. At kaninang madaling araw, mahigit limang puting van ang dumaan pabalik sa itaas ng bundok at mga armadong lalaki daw ang sakay ng mga ito. Ipinakita namin sa mga ito ang pictures nina Regina at Narda baka sakaling nakita nga nila ang dalawa. Isa sa mga residente ang lumapit at kinompirma na nakita n'yang dinala ng mga lalaking may baril ang dalawang babae habang nangangahoy s'ya sa gubat."
"Saan daw papunta ang mga van?"
"Hindi na daw bumalik ang mga ito sa ibaba. Kaya ang ginawa namin ay tinahak namin ang daan diretso sa itaas ng mga bulubundukin. Saka nagtanong-tanong baka sakaling may nakakita sa magkakasunod na mga van. Hindi naman kami nabigo. May nakapagturo kung saan namin makikita ang mga van sa bayan ng Santa Catalina. We surveillanced the area. Pumasok ang mga ito sa isang private property ayon sa mga residente. Nakapangalan sa isang Mr. Chu ang property at ng icheck namin ay isang private ranch ang lugar."
"Well then, kailangan n'yong pasukin ang lugar. Kailangan n'yong marescue sina Regina at Narda pero mag-iingat kayo. Ibang address ang ibinigay ng kidnappers sa akin. Sa bayan naman ng San Miguel ako pupunta. I have to show up bitbit ang mga hinihingi nila para hindi sila magduda. Kailangang mag-isa lang akong magpunta sa San Miguel."
"Kailangan n'yo ng back-up just in case, sir. Papasundan ko kayo."
"But make sure na hindi sila makakahalata. Kailangan nating mailigtas ang mga bata. Make sure na hindi masasaktan ang anak ko."
"Yes, sir."
____________
"Sir, sasama po ako." Nakaabang pala sa labas ng opisina si Noah at hinihintay s'ya. Naikwento na n'ya rito ang nangyari kay Regina kaya labis din itong nag-aalala.
"No. You have to stay here. Baka kung mapaano ka pa. I need to do this alone."
"Pero..."
"Huwag ng matigas ang ulo mo, Noah. Dito ka lang."
Tinalikuran na n'ya ito at pinuntahan ang sasakyang dadalhin n'ya pa San Miguel.
"Kompleto na ba ang lahat ng hinihingi ng mga kidnappers?"
"Yes, sir. Nasa loob na po lahat. Ito po ang susi ng sasakyan."
Kinuha n'ya ang susi mula sa tauhan at kaagad na minaneho ang kotse patungo sa bayan ng San Miguel.
Hindi pa man s'ya nakakalayo sa opisina ay nagring ang cellphone n'ya. Isang unknown number ang tumatawag.
Kaagad n'yang itinabi ang sasakyan para sagutin ang tawag.
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
FanfikceMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella