CHAPTER 10

900 36 1
                                    

● SWITCH IN LIFE TO THE DEMON ●

Author :

CHAPTER 10

Tumayo si Zack sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sakin. Medyo kinabahan naman ako, at napaiwas pa ng tingin rito.

"Ipagtitimpla kita ng Gatas."-he said at naglakad ito patungo sa Kitchen area. Tsk paasa yun ah.

Akala ko mamanyakin niya nanaman ako.

Maya maya pa, bumalik na si Zack galing Kitchen area at may dalang Baso na may Milk drink at inabot sakin.

"Inumin mo ito, bukas isasama kita sa office ko at ipapakilala sa Pinsan ko. Kaya dapat matulog kana."-he said at tinaggap ko ito at ininom ng dahan dahan.

"Bakit mo ako isasama?"-tanong ko rito. "Ipapakilala mo ba ako bilang pamangkin mo?"

"Dami mo pang tanong, umakyat kana sa taas."-he said at naupo ito ulit kung saan siya nakaupo kanina.

"Zack, umhh. Este Tito Zack."-tumango ito at hinihintay ang sunod na sasabihin ko. "Eh kasi, walang mapaglagyan ang mga shoes ko, pwede bang magrequest ng walk in closet?"-medyo umiwas pa ako ng tingin. Medyo kinapalan ko na ang mukha ko ah.

"Pag iisipan ko muna."-he said at nagpindot pindot na sa ipad niya. Tumayo naman ako at naglakad paakyat ng hagdan dala ang basong may laman pang Gatas na inumin.

Sabi niya, ibibigay niya lahat sakin. Hmmpp.

Kinabukasan nga ay maaga ako ginising ni Zack, bakit ba siya palaging pumapasok sa kwarto ko.

"Wag mong hintayin na buhatin kita at ipasok sa bathroom at patuwadin."-he said ng hindi pa ako bumabangon dahil tinatamad pa ako.

Kaya napilitan akong bumangon at pumasok sa bathroom.

×××××

Nakasakay kami ng Limousine ngayon, habang kami lang naman ang nakasakay sa sasakyan na ito at yung Driver niya. Magkatabi kaming nakaupo at busy siya sa ipad niya.

Habang may nakasunod na dalawang kotse samin kung saan nakasakay ang mga body guards ni Zack.

Nakarating kami sa tapat ng isang Building.

Alfonso Empire incorporation.

Sobrang taas naman ng building na ito. Ganito pala kayaman ang mga Alfonso. Nang pumasok kami ng Lobby, habang nakasunod ang Limang Body Guards.

Yumuyuko ang mga empleyado, tuwing dadaanan namin ito.

"Sir, Naghihintay na po sa office niyo ang Mag asawa."-sabi nung isang lalaking lumapit na naka suit  at nakikisabay sa paglakad namin.

"Okay."-matipid na sagot niya at pumasok kami ng elevator na kaming dalawa lang habang yung lima sa kabilang elevator.

"Za-- Tito Zack, sayo ba talaga itong--"

"Hindi ito lahat sakin, may mga shareholders ako rito. Kaya hindi sa akin ang buong building."-sagot niya at pagputol sa anumang sasabihin ko. Hayss, hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.

"Tito Zack, kailan mo balak mag asawa?"-tanong ko rito na bigla na lang lumabas sa bibig ko. Napatakip pa ako ng bibig ng lingunin niya ako at gusto ako pàtàyin sa mga titig niya.

"Soon,  mag aasawa ako."-sagot niya. Ang tagal naman ng elevator na ito. Sayang Zack, hindi ako yung magiging asawa mo. Magaling pa naman ako gumiling dahil sayo.

"May tanong ka pa?"-he ask at nakataas ang kilay sakin.

Tumango tango ako.

"Sino ang balak mong asawahin, yung ex girlfriend mo ba?"-tanong ko. Bumukas na ang elevator at nauna na siyang naglakad palabas rito kaya hindi niya na nasagot ang tanong ko.

SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now