Author : Binibining Nadya
MC.KEVIN MENDEZ P.O.V
"Wala kang kapatid dito Kevin."-bahagyang natatawang turan ni Zachary Alfonso. "Sa labas na tayo mag usap."-saad pa niya pero hindi ko binababa ang nakatutok na baril sa kaniya. Pati ang pagkakahawak ko kay Nadya sa leeg.
"Tigil tigilan mo ko Zachary! Inagaw mo na nga sakin si Nadya! Pati kapatid ko, kinuha niyo pa sakin. Isa ka pa Doctor Yeon!"-at tinignan ng masama si Doctor Yeon na busy sa pag oopera sa kapatid kong si Cassandra.
"Next time, yung utak mo naman ang ooperahan ko Kevin. Medyo maluwag na yan eh, sino bang matino ang pupunta rito sa hospital ko habang may hinohostage."-turan nito na hindi lumilingon sajin at parang tinatahi niya yung tummy ng nag iisang kapatid ko.
"Kahit magkampihan pa kayong dalawa! Wala akong pakialam!"-bulyaw ko sa mga ito. Zach just Chuckled, pag ako nainis sa lalaking ito pâpâtâyin ko na siyâ. Kung hindi lang nakiusap sakin si Nadya ay baka inaamag na ang bangkây niya ngayon sa impìyêrno.
Paano ko nga ba naging kapatid si Cassandra?
◇ FLASHBACK ◇
17 Years ago.
"Matulog na kayong dalawa, may pasok pa kayo sa school bukas."-mom said ng pumasok ito sa kwarto namin ni Elissa, my eldest sister. 9 years old ako habang siya 3 years old pa lamang.
Naglalaro pa kami ni Elissa sa play room namin, kahit gabi na.
*BANG! BANG!*
"Mommy ano iyon?"-nagpapanic na tanong ni Elissa at napatakip pa ito ng dalawang tenga gamit ang kamay niya. At halatang takot na takot sa narinig na sunod sunod na putòk nang baril.
"Mc. Kevin, ayain mo ang kapatid mo."-si Dad na kakapasok lang ng kwarto at may hawak itong baril. "Nandiyan ang mga alfonso, para gantihan ako."-dagdag pa nito.
"Pero daddy, ano po bang ginawa niyo sa kanila?"-medyo natatakot din ako dahil sa mga naririning ko. Baka napatáy na nila yung mga body guards ni daddy.
"Marisse sige na. Tumakas na kayo kasama ang mga anak natin. Ako na ang bahalang haharap sa kanila."
"Pero Hon. Paano kaming mga anak mo?"-si Mom at parang nanginginig pa ito sa takot.
"Kuya! Natatakot ako! Huhuhu!"-Si Elissa na medyo umiiyak na ito. Linapitan ko ito at yinakap ng mahigpit.
"Sige na, umalis na kayo rito. Sasamahan kayo ni Arthur papunta sa safehouse natin."-saad pa ni Dad at lumabas na ito ng kwarto.
×××××××
Sa likod bahay kami dumaan palabas, para makatakas at makaalis sa bahay na itong nagpapalitan ng mga putok ng mga baril.
"Arthur, ikaw na ang bahala sa mga pamangkin mo. Babalikan ko lang ang kuya mo."-bilin ni mommy sa kapatid niyang si Tito Arthur.
"Pero ate, paano ka?"-bakas sa mukha ni Tito Arthur ang pag aalala.
"Balikan ko kayo, ikaw na muna bahala sa mga pamangkin mo."-saad pa ni mama at nagmadali itong naglakad pabalik sa bahay.
"Tara na."-tito Arthur. Hawak hawak ko ang kamay ni Elissa habang nagmamadali kami sa paglalakad. Nang makalabas kami sa hidden gate, may medyo kalsada rito at madilim na kakahuyan sa kabilang kalsada. Halos takbuhin namin ang patungong sa kabilang kalsada at makapagtago kung saan.
YOU ARE READING
SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)
RandomLiving like a princess is not easy. Si Cassandra ay lumaking prinsesa, pero hindi prinsesang tulad ng iba. Siya na siguro ang prinsesang pinaka worst. Bukod sa hindi sinusunod ang mga gusto niya, hindi rin siya mahal ng magulang. Kaya kinailangan pa...