Author : Binibining Nadya
Habang nagliligpit kami ni Ashvin ng pinagkainan ng mga tamad, kami na lamang ang naririto sa kitchen. Habang nakikita ko sa gilid ng mata ko si Zack at nasa may pinto ito na pinapanood kami.
Wala ba siyang tiwala kay Ashvin or nagseselos siya? Tssk, kasalanan niya naman yan kung pinagpalit ko siya.
"Ash, gusto mo bang bantayan na rin ako sa school ko?"-tanong ko pa kay Ashvin habang sinasabon niya na yung mga pinggan.
"Sure, why not? Para naman palagi tayo magkasama, diba?"-ngiting ngiti na turan niya. I nodded.
"Sabi mo yan ah, tanggap ka naman ni mommy at daddy kaya okay lang yan."-i said at medyo dumikit pa ako kay Ashvin.
"Pero si Zack, parang hindi niya ako tanggap para sayo eh."-saad niya while chuckled.
"Hayaan mo lang yun, tiyaka hindi naman siya ang parents ko eh."-napalingon pa ako sa may pinto. Naroroon pa rin si Zack, at bakas sa mukha nito ang inis kaya naman yinakap ko si Ashvin na mas lalong kinabusangot ng mukha niya.
"Ang sweet naman ng Girlfriend ko."-saad pa nito na todo sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Sumandal pa ako sa balikat ni Ashvin na parang feel na feel ito at napangisi pa. Dahil alam kong galit na galit na si Zack ngayon sa nakikita niya.
"Sweet talaga ako Ash, at hindi lang yun."-i said at pareho pa kaming bahagyang natawa.
After namin sa kitchen ay nagtungo kami sa sala, yinaya ko ito manood ng Drama.
"Anong gagawin niyo rito?"-tanong ni Zack at nakaprenteng upo ito sa single couch habang may kung anong ginagawa sa hawak niya na ipad. Umuwi na ba yung Nadya niya?
"Manonood kami ng Drama na paborito ko, bawal ba?"-mataray ko pang tanong at naupo kami ni Ash sa mahabang sofa.
"Oo, bawal. Can't you see, may ginagawa ako at ayoko ng maingay."-masungit niyang saad.
"Ah ganun ba. Ash, doon na lang tayo sa kwarto ko."-pag aya ko pa rito at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Teka, anong kwarto?!"-saad nito sa baritono na boses.
"Doon na lamang kami sa kwarto ko. Para bwelo kami at hindi ka maistorbo."-mataray na sagot ko.
"Hindi pwede! Sige, dito na lang kayo. Make sure na hindi kayo mag iingay ah."-turan pa niya at masama ang tingin nito sakin. Kaya naupo na ako ulit sa sofa at in-on ang T.V gamit ang remote control.
Linagay ko ito sa palagi kong pinapanood na Romance Drama. Hanggang sa magggabi ay nanonood pa rin kami ni Ash, habang iritang irita si Zack na palaging nakatingin samin ni Ash. Sumasandal kasi ako rito paminsan-minsan, tapos tinitignan niya ako ng masama.
Wala rin pala dito si mommy dahil may aasikasuhin ito, para sa birthday party niya at kasama si Nadya. Pero siyempre, habang nanonood meron rin kaming pagkain ni Ashvin na pinabili niya pa isa sa mga body guards niya.
"Ash, hindi ka pa ba uuwi? Gabing gabi na oh."-paninita pa ni Zack at tumayo pa ito sa kinauupuan niya. Na nakabantay samin, akala niya naman may gagawing masama sakin si Aah. Siya nga itong madalas may ginagawa saking masama eh.
"Mamaya na bro, kita mong hindi pa tapos pinapanood namin eh."-Ashvin.
"Oo nga, hindi pa nga tapos eh."-pag sang ayon ko naman. Napahilamos ito ng mukha na halatang naiinis.
YOU ARE READING
SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)
RandomLiving like a princess is not easy. Si Cassandra ay lumaking prinsesa, pero hindi prinsesang tulad ng iba. Siya na siguro ang prinsesang pinaka worst. Bukod sa hindi sinusunod ang mga gusto niya, hindi rin siya mahal ng magulang. Kaya kinailangan pa...