"Baby, faster please!"-pagmamadaling utos sakin ni Cassandra. Isinama ko siya dito sa kitchen, dahil gusto niya ngang sumama kapag magluluto ako. Habang ang mga kaibigan niya ay nasa may entrance ng kitchen at parang pinagtsitsismisan siya dahil nga sa behavior niya.
Nasa may likod ko ito nakaupo habang busy ako sa pagluluto, pinapili ko na rin siya na gusto niyang kainin. Gusto niya daw ng kare kare na chicken, kaya ayan sinunod ko naman. First time ko magluluto ng chicken kare kare, sana maging okay naman ang lasa.
"Baby!!"-kumakalabit pa ito sa likod ng damit ko.
"Oo na,malapit na ito."-sabi ko at liningon ito at nginitian. Kaya tuwang tuwa naman si Cass. Sauce na lang ang linuluto ko, at malapit na ring kumulo.
Sa pagkakaalam ko hindi kumakain ng kare kare ang babaeng ito. Nabagok kasi utak niya, kaya nabaliktad ang mga gusto at pag uugali. Wala naman akong magawa kundi sundin lahat na gusto niya.
"Na engkanto ata siya eh."-rinig kong saad ni Novie. Napalingon pa ako sa mga ito, tumango tango pa si Ryzie habang si Chescka ay hindi kumbinsido.
"Naniniwala kayo don? Kulang lang yan sa dilig ang kaibigan natin, kaya nagkakaganiyan."-Chescka said.
"Grabe ka naman, igaya mo pa talaga sayo noh."-Ryzie.
"Tsk. Hiyang hiya naman ako sainyo, tsk. Diyan na nga kayo, pupuntahan ko ang bebe ko."-sabi pa ni Chescka at umirap sa mga kaibigan. Umalis na rin si Novie at Ryzie na pakamot kamot pa sa ulo.
Ewan ko ba kung paano naging kaibigan yun ni Cassandra ang mga babaeng yon. Si Chescka at Jomar lang naman ang nahuli kong gumagawa ng milagro sa Kwarto ko noon. Tsk!
Pasalamat sila mabait ako, ito ang dahilan kung bakit madaming sumasali sa organization namin. Dahil sa mabait daw ako sa mga tauhan ko, pero wala akong awa na pinapatay kung sino man ang gustong kumalaban sakin.
After ko mahain sa mesa ang linuto kong pagkain, ay agad na linantakan ito ni Cassandra na halatang gutom na.
Tuwang tuwa pa ito habang sunod sunod ang subo, pinanood ko na lang siya na masayang kumakain at madumi pa ang mukha dahil sa nagkalat na sarsa ng kare kare. Napapailing na lang ako at hindi mapigilang matawa, dahil minsan bigla itong natutulala tapos tatawa na lang bigla na parang bata.
Diba dapat na mag alala ako sa ganitong sakit niya? Dahil may possibility na may sira na nga sa utak ang babaeng ito. Ibang iba ang nakilala kong Cassandra noon.
"Boss."-rinig kong boses ni Jackson na nasa entrance ng kitchen. Tinaguan ko ito, pero napakunot ang noo ko ng tumingin ito kay Cassandra at sakin na parang natatawa.
Hayss, nakita niya pala yung ginawa sakin ni Cassandra kanina.
"May kailangan ka ba?"-tanong ko rito na tinaasan ng kilay at nagcrosslegs pa.
"Yes Boss, tatanungin ko po sana kung masakit pa yung---"-tinignan ko ito ng masama "este ang Ate niyo po nahatid ko na sa Airport."-sabi pa nito at umiwas pa ng tingin.
I just nodded at tinaasan ito ng isang kilay kaya lumabas na ito ng kitchen.
Mabuti naman umalis na ang babaeng yun, uuwi uwi pa kasi. Umuwi siya nung nalaman niya na ooperahan si Cassandra, pero nagulat daw siya dahil may sumundo sa kaniya na armadong mga lalaki sa Airport at mga tauhan pala ito ni Kevin, ang akala niya ay si Nadya raw ang susundo sa kaniya sa Airport pero nauna na pala itong kidnappin bago si Ate at Cassandra.
YOU ARE READING
SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)
RandomLiving like a princess is not easy. Si Cassandra ay lumaking prinsesa, pero hindi prinsesang tulad ng iba. Siya na siguro ang prinsesang pinaka worst. Bukod sa hindi sinusunod ang mga gusto niya, hindi rin siya mahal ng magulang. Kaya kinailangan pa...