CHAPTER 37 ⚠️WARNING⚠️

1K 36 11
                                    

Author : Binibining Nadya




"Nakahanda na ba ang pasyente para sa operasiyon?"-tanong nung Doctor na kararating lang at nasa likod nito si Jackson na sugatan ang balikat.




"Yes Doc, dadalhin po namin sa morgue ang inoperahan ni Doctor Dela."-sabi nong nurse. Napatigil ako sa pag iyak at linapitan din ako ni Jackson para tulungang tumayo.


"Gamutin niyo ang sugat ni Mr. Morales."-bilin nung Doctor at pumasok ito sa operating room.




"Excuse me po maam."-sabi nung Nurse at hinila na nila yung straller bed paalis. Tulala ako sa kawalan at napalingon sa glass door ng operating room.



"Sir, gagamutin ko po ang sugat niyo."-saad nung nurse at lumapit kay Jackson. Tumango lang si Jackson na isa sa kapatid ni Justine. Umalis si Jackson habang nakasunod doon sa nurse na gagamot sa sugat niya.



Habang sj kuya Jomar naman na kakarating lang at sumilip pa sa glass Door ng OR. Isa rin pala siya sa kapatid ni Justine, bale siya ang pinakapanganay sa kanilang tatlo, tapos bunso ang boyfriend ko.




"Mabuti pa, magpahinga kana muna. Ako na ang bahala after ng operation ni Jus."-saad ni kuya Jomar.


Medyo nahihiya ako sa sarili ko, hindi pala si Justine ang iniyakan ko kanina. Ibang pasyente pala yun, para akong tanga kanina.



Pero kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi si Justine ang namatay. Akala ko mawawala na talaga siya ng tuluyan sakin. Akala ko katapusan ko na rin kanina, pero sana maging succesful ang operation sa kaniya.



Napaupo naman ako sa upuan na medyo bagsak ang katawan.


"Wag kana mag alala kay Jus, magiging okay din siya. Kailangan mong magpahinga sa mga nakita mo."-saad ni Kuya Jomar at naupo ito malapit sa tabi ko.


"Pero kuya, paano si Cassandra?"-tanong ko at ewan parang maiiyak nanaman ako. Kung hindi lang ako natagalan sa pagdating, baka naabutan ko si Cass kanina.



"May plano si Boss para doon. Kaya magpahinga kana."-sabi pa niya. Sana nga, mahanap agad si Cassandra.



Alam kong gagawin ang lahat ni Zack, maibalik lang si Cassandra. At alam ko rin na marami nanaman siyang mapapatây na tao dahil doon.


×××××


"Love, gumising kana please."-halos pabulong na turan ko. Habang pinagmamasdan na walang malay si Justine sa ICU, succesful ang operation niya pero hindi pa rin siya nagigising. Nasa labas rin ng ICU ang kaibigan kong si Ryzie, para samahan ako sa pagbabantay kay Justine. Nasa labas rin ang sugatan na si kuya Jackson para bantayan kami.



RYZIE'S P.O.V


"Alam mo deserve mong mabaril, maniyak ka kasi."-mataray na turan ko sa body guard ni Zack na si Jackson.



Nakaupo ito medyo malapit sa kinauupuan ko sa labas ng ICU. Kailangan ko din kasing damayan si Miles dahil sa nangyari sa boyfriend niya.


Hindi ko alam kung bakit ito nangayayari sa kanila, pero deserve ng isang maniyak na ito ang mabaril siya.



"Pwede ba itikom mo yang bibig mo, kung ayaw mong sumabog yan."-saad niya na parang may pangbabanta. Kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.



"At ano ang gagawin mo sa bibig ko, aber?!"-nakataas na kilay na turan ko.


"Hindi ba bumabaho hininga mo sa pagiging masama ng ugali at lumalabas sa bunganga mo."-cold niyang saad. Aba! Medyo napatakip pa ako ng bibig at huminga para maamoy kung mabaho ba hininga ko.


SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now