CHAPTER 34 ⚠️WARNING⚠️

901 33 9
                                    

Author : Binibining Nadya




  ZACHARY ALFONSO'S P.O.V  

××××××


"Boss! Andito na kami!"-si Justine na kumakaway pa ng kamay habang dumadaot ang Yatch sa tabing dagat.



May mga kasama silang babae. Mga babae, mga kaibigan ni Cassandra.



"Cassandra! We're here!"-Ryzie. Tuwang tuwa naman si Cassandra na nagmamadaling naglalakad papalapit sa dumadaot na Yate. Habang yung iba kong body guards at kaibigan ni Cassandra ay nagsitalon sa dagat.



Si Miles at Justine naman ang natitirang hindi tumalon at meron pang isang lalaki na tahimik lang. It's Ashvin. Kasama pala nila ang traydor na yan.


"Anong ginagawa ka ng traydor na yan?!"-tanong ko at dinuro duro pa sina Ashvin na pababa ng Yate.




"Relax Zach. Wala nga akong ginawa kay Cassandra, right Cass?"-saad pa nito at tumingin kay Cassandra habang nakangisi


"Zack, wala nga siyang ginawa sakin noon."-saad ni Cassandra at Kumapit ito sa braso ko.



"Wala bang pagkain jan, medyo nagugutom na ako."-Justine at napahawak pa sa tiyan niya. Then hinila nito si Miles patungo sa Resthouse at sumunod si Ashvin rito.




"Zack, ano bang ginawa  mo Kay Ash?"-tanong nito. Nahalata niya siguro ang pasa sa may bibig at mukha ni Ashvin.



"Wag mo na siyang alalahanin. Magkaibigan kami ni Ashvin, at hindi ko naman siya pwedeng pabayaan na lang. At tiyaka di ko kayang gawan siya ng masama."-i said to her para hindi ito mag alala. Medyo lumukot kasi ang mukha niya.

×××××××



Busy magparty party ang mga kaibigan ni Cassandra pati mga body guards ko sa sala. 


Ginawang Bar ang bahay ko. Maiingay sila habang nag iinuman, pinapanood lang sila ni Cassandra habang kakwentuhan nito si Miles. Kasi bawal naman sila ng alak eh.


Nasa front door ako habang pinapanood ang mga baliw na tao sa bahay kong ito.

"Zach, may dapat kang malaman tungkol kay Mc. Kevin. Kaya ako sumama rito."-Si Ashvin na nasa may gilid ko at may hawak na kopeta.




"Sabihin mo sakin lahat, sa labas tayo."-i said.

Naglakad kami palabas ng Rest House ni Ashvin at nagtungo sa munting cottage malapit lang sa bahay.




"Sa araw ng operasiyon ni Cassandra, susugod ang mga tauhan niya para mapigilan ang magaganap na operation ni Cassandra."-seryosong saad ni Ashvin.



Si Ashvin ay asset ko  kay Mc. Kevin. Oo, alam ni Kevin na matalik kong kaibigan si Ashvin. Pero nauto siya ni Ashvin na kunwari ay maging asset niya si Ashvin sakin. Kumbaga, naggagamitan lang kami.  May mga plano ako minsan na pinapaabot ko sa pamamagitan ni Ashvin.


Para maging patibong kay Kevin. Kaya lahat na plano ni Kevin ay nalalaman ko agad at si Ashvin ang tagahatid nito sakin.


Pero siyempre, dapat nasa akin pa rin ang loyalty niya.



"Alam na rin Kevin ang lahat Zach. Kaya kailangan maoperahan si Cassandra as soon as possible."-dagdag pa nito.

××××××



SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now