CHAPTER 22 ⚠️WARNING⚠️

905 34 5
                                    

● SWITCH IN LIFE TO THE DEMON ●

AUTHOR : Binibining Nadya

CHAPTER 22


"Hey come on! Join us!"-pag aya pa ni Chescka at nakatayo pala malapit sa area yung limang body guards kasama si Zack. Lumapit pa sakin si Zack at naupo sa may tabi ko. Kaya naman yung iba ay nagsihubad na rin  at naligo sa pool kasama nina Chescka.


Si Justine ay naupo rin sa tabi ni Miles.


"Ipikit mo na lang ang mata mo Mahal, wag kang titingin sa kanila ah."-Justine said.

"Ay sus! Oo na."-Miles. Nahiga si Miles sa bathing chair at nagtakip ng panyo sa mata at mukha.

Sweet talaga ang dalawang yan, tsk.


Si Zack ay pasimpleng humihipo sa legs ko. Kung tutuusin, hindi lang hîpo ang gusto ko ngayon eh.

Pagkatapos mag siligo sa pool area, linibot ko sila sa Farm habang nakasakay kami sa EBIKE na medyo malaki at kasiya ang apat rito kasama ang Driver na si Zack. Habang sa isang Ebike ay si Justine ang Driver nito at sakay niya si Miles at Novy.


Habang dito ay kasama ko si Ryzie, at Chescka at pinagdrive pa kami ni Zack.


Puro prutas ang tanim sa farm na ito.


"So Live in Partner kayo ni Zack?"-tanong pa ni Chescka.


"Hindi."-si Zack ang sumagot. "Binilin sakin si Cassandra ng parents niya. Kaya dito siya sa bahay ko nakatira."-paliwanag nito. Tumango tango naman si Ryzie at Chescka.

Pagkatapos namin sa farm, sa kubo kami tumambay habang may mga pagkain rito na Pizza at inumin. Nauna ng nagsikain yung mga body guards ni Zack.

"Sinabi ko bang kainin niyo yan?"-tanong ni Zack sa mga ito.

"Naku boss, nakaka gutom eh."-Jackson. Kahit kailan mga patay gutom ang mga ito.  Hindi naman tumataba, napupunta lang siguro ang kinakain nila sa alaga nila. Tulad ni Zack.

Maya maya ay dumating si Ashvin.

"Wow! Ang pogi!"-saad ni Novy at parang napanganga pa ito.


"Nandito na pala ang mga naggagandahan na bisita niyo."-saad pa nito at napatili pa si Chescka at Novy ng kindatan sila ni Ashvin.


Isa pa itong babaero na ito at manyâkol eh.

Maya maya ay umalis ng kubo si Ashvin at Zack at parang may pinag uusapan ito at sobrang seryoso ng mga mukha nila.


Tss. Palagi na lang seryoso ang pinag uusapan nila. Tuwing nandito si Ashvin.


"Sino ba sa inyo ang single pa?"-tanong ni Chescka sa mga body guards na patày gutom.


"Ako, single na single ako. Ready kahit anong oras."-Si Jomar at nagkagat labi pa ito habang malagkit na tumitingin sa cleavage ni Chescka na parang sinadya pa niya na magsuot na labas ang cleavage. Kahit kailan malandì talaga ang babaeng ito.



Mga gabi naman ay parang may discohan ang bahay ni Zack. Bukod sa malakas na karaoke nagsasayawan pa sila sa sala at nag iinuman.



"Uminom ka ba?"-tanong ni Zack ng lapitan ako nito at magkatabi kami ni Miles na parehong walang pake sa kabaliwan ng tatlong kaibigan namin.



"Hindi noh."-agad na sagot ko. Linapit niya naman ang ilong niya sa may bibig ko at parang sinisinghot ako. Pinagbabawalan niya kasi ako uminom dahil nga sa may sakit ako. Pero hindi naman talaga ako umiinom ng alak eh, ganun din si Miles.


SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now